Si Jema na ang next na magsasalita.
"Happy birthday my Baby Bunso! Mommy's so thankful to have you and Kuya in my life." Nakita ko na parang naluluha na si Jema. Kami din halos lahat dito. Yung iba mga nakayuko na.
"Thank you to the both of you, kuya and bunso." Hinawakan ni Jema yung kamay ng 2 anak namin.
"Thank you for staying with mommy especially last year. When mommy was..aheeeemmm..." Hindi matuluy tuloy ni Jema yung sasabihin nya. Kasi naiiyak na sya.
Kumikirot na rin ang puso ko.
"You were the reasons why I held on though mommy is always crying. I may have lost one person pero I still gained two more loving babies in return. Don't grow up too fast anak. Because mommy still wants to take care of you." Wala na finish na.
Davi and Dino both hugged their mom. Gusto ko din sana sumali pero saka na. Pag pwede na.
"Haaay nakakaloka tong naisip mo Jema." Si Ate Jovs yun habang pinupunasan yung salamin nya na nabasa ng luha nya.
"Oh, Boss ikaw na!" Si Mama. Haha! Boss na din ang tawag nya.
"Aheeemmm..." Magsisimula pa lang akong magsalita pero napansin kong nakayuko na agad si Jema.
"Happy birthday my Baby! Like mommy, Dada is so happy to have you and Kuya in my life too. Dada may have caused mommy to cry, but still... Ahhhh..." Tumutulo na yung luha ko. Yung 2 anak namin tahimik lang din. Marunong din makinig. Kaya napangiti ako. Kahit medyo mapait.
"Dada is so thankful that you helped Mommy a lot last year. I hope you grow up to be God fearing and respectful especially to your mom, me and everyone here. May you always be happy. Dada will always have your back. I love you!" Hinug ko si Davi. At tumayo din ako para yakapin si Dino.
To lighten up the mood. Hindi ko na patatagalin pa yung surprise ko sa 2 anak ko.
"Pero syempre dahil birthday ng anak ko, may surpresa ang Dada." Nakita ko naman na naexcite yung 2 anak namin.
"Really Dada what is it?" Yung dalawang kamay nya magkadikit na kala mo nagdadasal. Tapos yung mata nya lumaki kahit singkit naman talaga sya.. Haha!
"We are all going to Disneyland!!!"
"Really Dada?" Lumapit pareho yung anak namin at niyakap ako. Si Jema alam mong masaya din sya.
"Yes my babies." Sabay kiss ko sa kanilang dalawa. Sana makiss ko na rin yung isa ko pang baby.
After nun, sinindihan na yung candle sa cake nya.
Then Jema asked..
"Baby, what's your birthday wish?" Nag isip pa sya saglit. Then tumingin kay Dino, tumango naman si Dino. Kung 39 ang Kuya nya mukhang 29 naman to sa inaakto nya ngayon.
Tumingin din siya kay Jema then next sa akin.
"I want Dada and Mommy always together po." Nagulat kami pareho ni Jema. Pero yung mga kasama namin dito nagpalakpakan lang.
Gusto ko din sana makipalakpak pero wag na lang. Si Jema. Hindi alam kung matutuwa ba o malulungkot e.
Haaay anak! Sana it's as easy as that. Kahit kada buwan iwish mo yan kahit di mo naman birthday.
We all went to our rooms na after the dinner.
I haven't told you yet pala, this resort is owned by me, Pongs, Jaycel and Ate Bei. First baby namin tong 4. The second one sana yung next branch ng resto ko.
Speaking of, one week pa lang tong operational pero going smoothly ang lahat. Nakabantay kami ni Jaycel maigi dito since business advisor ko parin naman sya. We don't want another mistake again.
Jema's POV
Maaga akong nagising ngayon. Balak ko sanang panuorin ang sunrise. Ewan! Parang I feel so good dahil sa nangyari kagabi. Ang saya lang ng dinner namin. Parang walang problema.
Ang sarap pala ng ganun no? Yung happy lang mga anak mo, mga mahal mo sa buhay.
I can see na happy rin si Deanna. I wish her and Mich a happy relationship. Kasi ako, masaya talaga ako kay JV. Sana andito sya kasi namimiss ko na talaga sya e.
Naglakad lang ako sa may tabi ng dagat. Ang adik ko lang kasi hindi ako nakapagdala ng jacket ko. Pero di naman masyadong malamig. Kaya pa.
Naupo ako sa may buhangin at pinapanuod lang ang alon ng mga dagat.
"Bakit mag isa ka dito?"
"Ikaw pala. Wala lang. Inaantay ko yung sunrise e. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"
"Aantayin din sana yung sunrise. E nakita kita. Okay lang ba andito ako? Pwede naman akong umalis if you want."
"Ang arte mo! Hindi naman ako may ari ng sunrise at buhangin na to no." Natawa ako pati na rin sya.
"So.. how are you and JV? Bakit pala wala sya dito?"
"Nasa business trip sya. Sayang nga e kasi biglaan din. Nakaplano na to na kasama sya." Tumango na lang din si Deanna.
Nagkwentuhan na lang din kami ng kung anu ano. Nakwento nya din sa akin na nanggaling sya sa Siargao. Pero di naman ganun kadetailed.
Habang nagkkwentuhan kami..
Ewan ko bakit parang nilamig na ako. Kanina naman kaya ko pa. Tatayo na sana ako para umalis nang biglang nilagay ni Deanna yung jacket nya sa akin. Hindi na ako umangal. Kasi inaantay ko talaga yung sunrise.
"Thank you!" Sabi ko sa kanya. Nagsmile naman sya.
BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
RomantikHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.