Deanna's POV
It's Sunday today and I received a message from Ate Jia. She invited me to come sa birthday ng anak nila ni Kuya Migs.
I know pupunta si Jema. Syempre hindi yun mawawala sa birthday ng inaanak namin. Kaya excited ako kasi sa wakas magkikita na ulit kami. At sana.. magkausap.
Ready naman na ako kung anuman yung magiging reaction nya pag nagkita kami. Kung sampalin nya ako at pagsabihan ng masasakit na salita. Tatanggapin ko kasi alam kong nagkamali ako.
Unti unti akong hihingi ng tawad sa kanya hanggang tuluyan na nyang makalimutan ang galit sa puso nya.
Basta I promise na gagawin ko ang lahat just to win her back.
Inumpisahan ko na sa pagpapadala ng bulaklak. Sana nagustuhan nya. Wala akong nilagay na name pero sana alam nyang ako yung nagpadala.
Susunod kong gagawin ay ang suyuin naman ang mga in laws ko.
Hindi pa rin ako makapunta sa bahay nila mama kasi alam kong galit silang lahat sa akin. Sino bang hindi magagalit sa ginawa ko diba? Pero I'm planning to visit them next week. Para personal na humingi ng tawad. Kailangan ko ang basbas nila para payagan akong ligawan ulit ang asawa ko, I mean yung anak nila.
Hindi pa naman kami divorced diba? So asawa ko pa rin talaga sya.
Nanunuod lang ako ng game nila vs PLDT. Ang gagaling ng mga players ni Jema. Kitang kita mo yung disiplina sa laro. Something na I'm very proud of. Ganyan na ganyan sya pagdating sa laro. Seryoso.
I can see also na she's enjoying her coaching job. Plus factor pa na si Kyla ang assistant nya. Never a dull moment sa babaeng yan. Kaya, napangiti ako. Somehow, nung iniwan ko si Jema, I know na naging maayos pa rin sya.
Look at her, ang ganda pa rin nya and she's blooming ah? Kung di lang kami naghiwalay, aakalain mo talagang happily married ang asawa ko. Yieee! Kakilig.
Nung matapos yung game, pumunta na ako kina Ate Jia. I also went sa flower shop para bilhan ulit ng bulaklak si Jema. Syempre, ayokong makita ako ni Jema na empty handed. Kahit kapapadala ko lang kanina ng flowers.
I also bought a gift for Jana, Ate Jia's daughter, food for the team mates and toys for my kids. Hindi ko sure kung kasama sila ngayon pero pwede ko naman ibigay kay Jema yun. Mga close friends lang din daw kasi ang invited sa gabi. Sa umaga nagparty na yung mga bata. So mga young at heart na lang din ang andon ngayon.
Miss na miss ko na yung mga anak ko. Sana I'd get to see them na agad. Sana lang din ay pumayag si Jema na mag usap kami o kahit makita ko lang muna ang mga anak ko.
Jema's POV
Andito na ako sa bahay nila Ate Jia. Bakit ganito yung feeling ko? After the game parang ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko nga binabanggit kay JV kasi ayokong mag alala sya.
Ganitong ganito yung feeling ko nung bago ko makita ulit si Deanna sa arena e. Wag mong sabihing.. jusko.
Hindi ko alam ang gagawin ko pag nagkita kami mamaya. Siguro I mean, dapat iwasan ko sya.Hinatid lang ako ni JV dito kina Ate Jia. Di na sya nakasama kasi may dinner sila nung business partner nya. Kaya malamang mag grab na lang din ako pauwi nito.
Andaming bisita nila Ate Jia. Andito halos yung mga dati naming team mates. Busy sila sa pagkukuwentuhan. Alam mong ang tagal tagal hindi nagkita. Ang saya lang kasi parang walang nagbago sa aming lahat. May mga asawa't anak na ang lahat bukod sakin. Haha!
"Jema, ba't mag isa ka dito?" Si Kuya Migs.
"Kumuha lang ako ng food kuya." Nagpakabusy na ako sa pagpili ng kakainin ng biglang...
"Sinong namiss nyong lahat???" Napatigil ako sa ginagawa ko. Alam na alam ng puso at isip ko kung kaninong boses yun. Halos di ako makagalaw.
Ang ingay ingay na sa paligid. Pero halos wala na akong madinig. Nagblangko na ang isip ko.
Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko.
"Jema.." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam anong nangyari pero parang walang gustong lumabas sa bibig ko.
"Kamusta ka na?" Parang biglang may pumitik sa noo ko at nabalik ako sa ulirat.
"Jema, kamusta ka daw?" Si Ate Jia.. habang nakatingin sa akin. Halos lahat pala sila nakatingin na sa amin ngayon.
Humarap na ako sa kanya at nagsalita.
"I'm good. Better actually.." Tinignan ko sya. I made sure na I sounded happy.
Di nakaligtas sa akin ang paglungkot ng mga mata nya.
"Excuse lang ah? I'll just go there Deanna." Jusko. Buti na lang nasabi ko ng maayos yun. Parang feeling ko kasi nanginginig na ako e..
Lumipas ang ilang oras ay isa isa ng nagsialisan ang mga bisita. Andito din sina Kyla and fam.
"Bes, mauna na kami ha? May dala ka bang car?"
"Actually bes sasabay sana ako ngayon sayo. Hinatid lang kasi ako ni JV kanina after the game e. Pwede ba?"
"Naku bes kaya nga tinanong kita e. Nasira yung car namin. Magbook lang nga ako ng grab e. Isasabay sana kita kaso tong inaanak mo hindi sanay sa masikip na sasakyan. Maliit lang yung nabook ko." Todo paliwanag talaga? Haha.
"Oo na, sige na. Ingat kayo!" Kumiss na ako sa kanila at tuluyan na silang umalis.
Gosh! Ako na lang pala naiwan dito. Buti na lang umalis na si Deanna.
"Ate Ji, pano mauna na ako ha?"
"Teka Jema, pano ka uuwi? Wala ka namang car na dala."
"Magbobook ako ng grab Ate. Okay lang ako."
"Wag na Jema. Nagbook na ako. O ayan na pala e." Paglingon ko sa sinasabi ni Ate, si Deanna pala. San galing to. Akala ko umuwi na.
"Ano yun Ate Ji?" Rinig kong sabi sa kanya. Parang sumenyas sa kanya si Ate Jia pero late na ako nakalingon kaya diko nahuli.
"Jema, tara?" Kahit ayaw ko, no choice na ako e.
Nagkiss na lang ako kay Ate Jia. Si Kuya Migs umakyat na. Umiiyak daw kasi si Jana kaya di na nakapagbabye sa akin. Daddy's girl kasi. Pag nawawala daw sa mata niya ang daddy nya laging umiiyak. Ang cute. Gusto ko na din ng baby girl.
(Kanino galing mare?) Malamang sa jowa ko. Kanino pa ba?
Andito na kami ngayon sa car ni Deanna. Wow! Ang ganda ng sasakyan. Sana all!

BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
RomanceHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.