"No, thank you Jema. Thank you for allowing me to be here. Malaking bagay to sa akin Jema." She looked at me and smiled. Yung ngiti ni Deanna ngayon walang halong bitterness. Ang galing no? Pwede pala talagang mangyari to. Na kahit nasaktan ka nya, you can still be civil with her. Alang alang sa anak ninyo.
Wala naman kasi talaga akong masabi kay Deanna pagdating sa pagmamahl niya sa mga anak namin e.
Nagkwentuhan na lang ulit kami. Ang sarap ng hangin tapos ang ganda pa ng view.
Never namin napag usapan ang nakaraan. I mean walang sumbatan wala nang kahit na anong tanong na nakakailang.
Sana ganito lang kami lagi. Yung kuntento na lang sa ganito.
Honey Ko calling..
"Excuse lang Deanna ha?" Lumayo ako ng konti kay Deanna.
"Hi hon! I missed you! Yes, I'm good here. Nag eenjoy yung mga bata..."
Madami pa kaming napagusapan ni JV pero napansin ko na umalis na si Deanna habang kausap ko kanina si JV.
After ng call naglakad na ako papunta sa room namin.
Habang naglalakad, may nadinig akong nagtatawanan. Pamilyar yung tawa e. Yung isang tawa lang ang diko kilala.
Napahinto ako nung tumigil sa pagtawa yung 2 tao na nasa harap ko na.
"Hi Jema! Babalik ka na sa room mo?" Tinignan ko sya at may kasama na syang babae.
Maganda ito, matangkad tsaka mukhang mayaman.
"Ahhh.. yeah! Sige bye!" Gusto ko na umalis dito. Parang mainit na din kasi. Masakit na sa balat pati sa mata.
(Ang alin Mare yung araw o yung babae?) Both!
"Okay, see you later!"
"Whatever!" Mahina kong sabi. Sabay lumakad na ako papunta sa kwarto.
"May jowa na lumalandi pa sa iba. Jusko! Napakaflirt talaga!" Bulong ko sa sarili ko.
"Oh anong mukha yan Jema?" Si Mama. Yung mama ni Deanna. Sya talaga ang anak at hindi ako.
"Gud morning Mader!" Sarcastic kong bati.
"Mukhang di napabigyan si Misis sa itsura nya." Pinagsasabe neto ni Mama.
"Ano po Ma?" Kunot noo kong tanong kay Mama.
"Wala anak, sabi ko hinahanap kana nung 2 anak mo kasama sina Mafe at Ate mo."
"Okay po." Umalis na ako at pumunta na ng kwarto. Gusto ko munang magpahinga. Pakiramdam ko nastress ako bigla.
Kanina pa ako nakahiga dito sa kama sabi ko magpapahinga ako. Pero lintek na yan paikot ikot lang ako dito.
Chinat ko na lang si JV.
I miss you honey ko! 😘
Sent!
Haaay! Makapagpalit na nga para makaligo na. Hindi ko na inantay yung reply ni JV.
Matapos ko magready pupuntahan ko na lang ang mga anak ko para magswim.
Suot ko na yung bago kong biling two piece swimsuit. Nagshort na lang muna ako pero yung top ko kita pa rin. Mainit kasi e.
Lumabas na ako ng kwarto. Nagchat sina Ate Jovs na kumakaen daw sila. Kasi nagutom ulit mga anak namin. Sakto pala di pa ako nagbreakfast. Niyaya nila ako kanina e kaso wala akong gana.
Nung malapit na ako sa resto, may nakasalubong akong 2 tao. Yung masakit sa mata kanina.
"Hi ulit Jema! Kumaen ka na?" Inirapan ko sya. Kasi ba naman nakaangkla pa yung kamay nung babae sa kanya.
"Oo, kumaen na ako!" Sarcastic kong sabi.
"Kaya nga ako papuntang resto e haller?!" Sabay irap.
"Ahhh.. Jema si.." Papakilala nya sana sa akin yung kasama nya pero umalis na ako. Nakakabwiset!
Nung nakarating na ako sa table, yung mukha ni Mama pang asar e. Naku Ma ha? Mamaya mo na ako asarin.
Bubuka na sana bibig nya pero pinigilan ko na.
"Heeeeep!! Nagugutom ako Ma. Mamaya mo na ako asarin pwede?" Tinakpan na ni Mama yung bibig nya.
"Sabi ko nga!" Jusko Ma. San mo ba nakukuha yang mga ganyang reaction mo?
"Ate.. " Si Mafe na ngumunguso pa.
"Ano??!!" Nakatingin ako sa kanya tapos may nginunguso pa rin.
"Good morning po Tito and Tita." Sino naman yun? May nagsalita kasi sa likod ko. Diko kilala yung boses.
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko kung sino yung nagsalita. Napataas naman yung kilay ko.
"Oh, iha! Upo na kayo ni Deanna. Kain na tayo." Umupo si Deanna sa tabi ko. Nasa kanan nya ako tapos yung girl nasa kaliwa nya.
"Thank you po."
"Ahhhmm.. Jema okay lang ba?" Sabi ni Deanna. Nakaupo na e. Alangan naman hilain ko pa palabas ng resto diba?
"Yeah no worries!" Sabi ko. Inaayos ko na yung food ng mga babies ko.
Maya maya.. inabot ko na yung plato ni..
Sabay pa kami nung babaeng mukhang higad.
![](https://img.wattpad.com/cover/309458424-288-k922246.jpg)
BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
RomanceHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.