"Sorry Jema. I did not mean to disrespect you and JV." Matagal ulit bago sya nagsalita. Parang pinipili nya lang yung salitang gusto nyang sabihin.
"Yes this is my resto.. and yes everything here is about you. This is the only way para mapakita ko sayong importante parin sa akin ang lahat ng memories na meron tayo noon. Na kahit kailan hindi kita nakalimutan." Tang ina naman talaga! Ayoko nang madinig to!
"Pero wag kang magalala Jema kasi alam na alam ko naman ang lugar ko sa buhay mo ngayon. Isa na lang akong tao sa past mo na gustung gusto mong kalimutan, Dada ng mga anak mo. Yun na lang naman ako sayo ngayon diba?" Wow ha? Parang kasalanan ko pa ngayon.
"I'm not asking you to come back to me Jema. Gusto ko lang ipakita sayo na kaya kong tanggapin kahit hanggng kaibigan mo na lang. Kahit hanggang doon lang." Nakikita ko sa mga mata nya yung panghihinayang e. I don't want to say this pero deserved mo to Deanna. Deserved na deserved mo!
"Kahit maging kaibigan mo lang Jema. Kahit wag mong gawin para sa akin kasi alam ko naman na wala na akong halaga sayo e. Gawin mo sana kahit para na lang sa mga anak natin." May point naman sya kaya tumahimik na lang din ako.
"I know you have all the right to be mad at me. Pero maayos mo parin akong pinapakitunguhan simula nung nagkita tayo. And I want you to know that I'm really grateful for that." Nakatingin lang sya sa mga mata ko. Alam kong hindi nya gusto yung mga sinasabi nya. Alam ko kung anong gusto nya. Pero ayaw na rin nyang subukan pa.
Huminga sya ng malalim. This time, alam kong hindi ko magugustuhan ang sasabihin nya. Pero I need to hear it.
"I'm sorry Jema. If you don't want to see me. Okay lang. Dadalaw na lang ako sa mga anak natin pag wala ka. You will never see me sa kahit na anong events sa buhay ng mga anak natin. Lalayo ako sayo! Para hindi ka na rin mastress." Ngumiti sya ng pilit.
Pero diko na rin napigilan ang sarili ko.
"Edi, wag kang magpakita. Ano pa bang bago sayo Deanna Wong?" Yumuko sya nung sinabi ko yun. I know her. Alam kong umiiyak sya.
"Hmmm.. sorry Jema. Pasensya ka na ulit." Tumalikod na sya at nakita kong nagpunas sya ng luha.
Paalis na sana sya ng bigla nya akong lingunin.
"Wag kang mag aalala Jema! Hindi na kita guguluhin.
Ingat ka!" Nasaktan ako sa mga nakita ko sa mata ni Deanna. Pero mas nasasktan ako pag naalala ko lahat ng ginawa nya sa akin.
"Anjan na din nga pala yung sundo mo. Salamat Jema!"
Nakita ko na lang na paalis na ang kotse niya. Hindi ko alam bakit nasasaktan ako ngayon.
Pinigilan ko ang sarili ko na umiyak ulit kasi andito na si JV. Ayokong makita nya na nasasaktan parin ako ni Deanna.
Bakit ba ganito nararamdaman ko ngayon? Hindi na dapat kasi hindi ko na sya mahal diba? Mali to!
"Hon? Are you okay? Kanina pako nagsasalita dito ah? May problema ba?" Hindi pala nakita ni JV na magkasama kami ni Deanna kanina. Kaya wala syang idea bakit tahimik ako ngayon.
Kanina pa daw sya nagsasalita. Madami na daw syang nakwento at natanong pero hindi ako sumasagot.
"Nakakatampo ka na hon!" Itsura nya na nagpapacute. Hinawakan ko na lang din yung kamay nya pero tahimik pa rin ako.
Nandito na pala kami sa loob ng kotse ni JV at mahaba haba na rin pala ang nadrive nya. Jusko. Ang haba na yata ng inemote ko simula nung umalis kami sa resto ni Deanna hanggang makarating kami sa bahay ng friend ni JV.
Nakarating na kami sa bhay nila Marck Espejo. Isa sa mga kaibigan ni JV. Birthday din kasi nito.
Inayos ko ang sarili ko. Ayokong ipakita na naaapektuhan ako sa nangyari sa amin ni Deanna kanina. I don't want to be unfair kay JV. Sa taong walang ginawa kundi mahalin lang ako.
"Pare! Happy birthday! Si Jema nga pala girlfriend ko." Pakilala sa akin ni JV. Kilala naman din ako nito ni Marck kasi pareho kaming National Team member dati.
Konti na lang din yung mga bisita ni Marck dito. Siguro mga closed friends lang talaga nya ang mga invited.
"Oh hi Jema! Kamusta ka naman? Kamusta pagcocoach? Hehe!" Nakakatuwa naman na parang close kami ni Marck. I tried to sound okay now kahit kanina na para nakong magbbreakdown dahil sa moment namin ulit ni Deanna.
"Eto, enjoy naman. Pero iba parin pag ikaw yung naglalaro. Alam mo yan! Hahaha!" Nag apir pa kaming dalawa.
Grabeh naman mga friends ni Marck halos lahat taga Ateneo tapos kung di varsity sa UAAP dati e mga taga National Team at PVL.
(Pwede pa autograph?) Hahaha author!
Pinakilala narin ako ni JV sa ibang mga kaibigan nila ni Marck. Kumain at medyo napainom narin kami ng konti.
Andito kami sa may living room nila Marck nagkkwentuhan.
"Alam mo ba Jema sa 2 naging girlfriend netong bestfriend kong si JV, ikaw lang ang dinala nya sa birthday ko? Kaya alam kong special ka talaga sa kumag na to." Jusko medyo lasing na tong si Marck. Tapos si JV naman ngumingiti lang. Medyo mapula na sya pero di pa naman lasing. Hindi to naglalasing pag alam nyang ihahatid nya ako.

BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
RomanceHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.