19

805 18 0
                                    

Deanna's POV

Hi guys! Did you miss me? Ang tagal kong walang POV isang taon talaga author?

(Deserve mo yan Boss D. Mapanakit ka eh!) Luuhhh! Ako ba nagsusulat? Hmmmp!

After leaving Jema, I went to Siargao. Our happy place.. noon. Nung una, 1 month lang ang plano ko hanggang sa naging halos kalahating taon.

Gusto ko lang that time, makapag isipisip. Pero I never thought that, in that place I will see myself again.. as someone na nakabangon na from her awful and heartbreaking past.

Tumira ako sa isang baryo doon kung saan nakatira sina Kuya Arman. Yung nakasama namin ni Jema sa Siargao vlog namin.

Flashback

"Boss D! Buti at naalala nyo pa po ako." Hinanap ko talaga yung contact number ni Kuya Arman para magpatulong.

"Ikaw pa ba Kuya? E pano ko naman kayo makakalimutan pati na rin tong lugar na to?" Nakangiti kong sabi sa kanya. I looked at the place. Walang pinagbago bukod sa hindi ko na sya kasama ngayon.

"Si Mam Jema po pala? Kamusta na din po sya?" Bigla naman akong nalungkot sa sinabi nya. Kamusta na nga ba sya?

Napansin din yun ni Kuya Arman na medyo natahimk ako kaya hindi na lang sya nagtanong ulit.

While we're walking, I asked Kuya Arman na kung
pwede nya akong hanapan ng bahay dito na pwede kong pagtirhan. Nasabi ko kasi sa kanyang I'm planning to stay here kahit mga isang buwan lang.

Nakiusap din ako na kung pwedeng hindi malaman ng mga tao na andito ako. At sino ako.

Dinala nya ako sa lugar nila na walang masyadong TV at cellphone. Kung saan walang makakakilala sa akin.

Sinabi ko rin sa kanya na Deanna na lang ang itawag nya sa akin para di ren makahalata ang mga tao dito at bakit Boss D ang tawag nya sa akin.

Dumating na kami ni Kuya Arman sa bahay na titirhan ko ng isang buwan. Maliit lang yung bahay pero may sariling tubig at kuryente naman. May maliit na kwarto din. Maayos yung loob ng bahay kahit na maliit.

Maganda itong napili ni Kuya na lugar para sa akin kasi malapit din sa dagat. Tahimik at sobrang nakakarelax.

Ilang araw na rin ako sa lugar na to at unti unti ko nang nagugustuhan yung buhay ko dito. Simple lang. Pero masaya.

I turned off my cellphone na rin para walang makareach sa akin. Gusto ko muna ng tahimik na buhay. Iwas sa stress at kung anu ano pa.

"Deanna.." Si Kuya Arman at may kasama pang babae. Maganda sya, mahaba ang buhok, may kaputian. Okay sana pero, mas maganda parin talaga sya.

"Deanna, si Ysa. Ysa, si Deanna." We exchanged our Hello's.

"Oh napadaan ka ata Kuya Arman?" Medyo tahimik lang rin kasi si Ysa e. Naiilang ako sa kakatingin nya sa akin. Kaya nagsalita na ako.

"Ahhh.. sinamahan ko lang itong pamangkin ko kasi gusto ka daw makita at makilala." Ayyy talaga ba? Medyo weird pero di naman nakakailang.

Nagkwentuhan pa kami saglit ni Kuya Arman dito at tinanong nya din ako kung may kailangan pa ako. Pero sinabi kong ayos lang ako, medyo nakailang tanong pa nga sya sa akin kung kaya ko ba daw ba talaga mag isa dito e.

Natawa naman ako, alam nya kasi dati na wala akong kaalam alam sa gawaing bahay. Isa sa mga nagustuhan ko sa marriage namin ni Jema noon e.. yung natuto ako ng gawaing bahay. Unlike before nung magjowa pa lang kami kahit maglinis ng kwarto namin diko magawa.

Kaya siguro, inayawan nya ako dati. Natatawa na lang din ako sa mga pinagdaanan ko noon. Napakatamad ko pala talaga! Haha.

Umalis na si Kuya Arman at naiwan na kaming 2 dito ni Ysa. Niyaya ko syang pumasok ng bahay.

"Gusto mo ba ng maiinom? Kaso wala akong malamig na tubig dito e. O kaya juice." Kamot kilay kong sabi sa  kanya.

Nagtitipid din kasi ako e. Alam nyo na limited lang resources ko. In short, wala akong pera. Haha!

"Ang cute!" Mahina pero nadinig ko. Jusko! May asawa na ako miss. Kaya di na pwede yan.

(Meron ba Boss D?) Oo nga pala.

Napansin ata ni Ysa na medyo nailang ako sa tingin nya. Pati na rin sa sinabi nya.

Bigla na lang din syang tumawa.

"Boss D, wag kang mag alala may asawa na ako no. Haha!" Namula ata ako. Akala ko type nya ako e.

Nagtawanan kaming dalawa. Nakwento ko narin sa kanya na may asawa na rin ako. Ay, hiwalay na pala.

Simula nung araw na nagkita kami ni Ysa, palagi narin syang andito sa bahay. Masarap syang kausap at kasama.

Madalas ko syang kasama na manghuli ng isa dito. Madami akong natutunan sa kanya. Kung paano ibenta yung mga nahuhuli kong isda. Pati na rin iba pang luto nun.

May asawa na sya si Joshua. Seaman daw ito. May 2 na rin silang anak pareho namang babae. Sina Ynna at Jayda.

Naikwento ko naman na sa kanya ang buhay ko. Pati na rin ang tungkol kay Jema at kung pano kami naghiwalay. Wala akong tinago sa kanyang detalye ng kwento. Ganun na kami kaclose sa isa't isa.

Alam mo yung pwede na syang magcomment ng di maganda sakin at ganun din ako sa kanya. Parang nagkaroon ako ng instant bestfriend/sister sa kanya.

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon