Nasa ganun parin akong posisyon kung saan ako iniwan ni Deanna. Hawak hawak ko pa yung pisngi ko. Nabalik lang ako sa ulirat nung..
"Ate, excuse nga. Wet floor e. Diko alam kung saan galing tong basa na to. Kung laway mo ba o.." hahampasin ko na sana si Mafe nang bigla syang tumakbo.
Totoo naman. Hindi ko ren alam kung saan nga galing yun. Pero parang may nabasa nga din sa akin. Dun sa kung saan.. alam nyo na. Di na kayo bata uy!
(Woii mare!!) Ewan ko sayo author!
Deanna's POV
Ang saya saya ko ngayon! Okay na ako sa in laws ko. Ex in laws pala. Hihi. Tapos.. nakiss ko pa si Jema kahit sa pisngi lang.
Tumakas na agad ako kasi baka mahampas ako ng wala sa oras e.
Hawak hawak ko pa yung labi ko habang papasok ng bahay.
"Mukhang masaya ang alaga ko ah? Mukhang nakascore kay Misis." Yieee! Kinilig naman ako don Manang.
"Well Manang.. parang ganun na nga."
"O Boss D, hinay hinay lang ah? At may kalaban. At matindi yung kalaban mo, kasi lamang na lamang na. 2 sets to none na no." Aba! May paganito kapa talaga Manang ah? Teka.. di tayo papatalo.
"Manang, kahit umabot pa tayo ng 5th set. Baka Deanna Wong to!" Natawa din ako sa sinabi ko.
"Yan ang Best Setter ko, UAAP season 80." Naks! Alam na alam ah? Nagkwentuhan na lang ulit kami ni Manang. Lalo na birthday na rin ni Davi next week. Excited na ako.
Sya nga pala, saktong sakto na opening na rin ng store namin next week. Baka pwedeng doon na lang ganapin. Sana pumayag si Jema.
Kinabukasan..
1 message received
Hi Deanna! Jema here. I just want to talk to you about Davi's birthday. Okay lang ba kung magkita tayo? Nga pala, I asked mommy about your number. Sana okay lang.
Buti na lang maaga akong nagising. 5 minutes ago lang yung message nya.
Oh Hi Jema! Sure. Saan mo ba gusto? I know a place. Kung okay lang din sayo. Btw, I'm glad hiningi mo na rin yung number ko kay Mom.
1 message received
Okay. See you! So pano kita na lang tayo doon?
Naku! Chance ko na to. Gusto ko syang sunduin. Sana pumayag.
Ahmmm Jema? If you want I can pick you up sa house nyo. Kung okay lang din ulit sayo.
1 message received
Ahmm sige. Push na! Wait na lang kita dito sa haws. See you. 🙂
Naks! May smiley na. Hihi. Kahit ganito lang okay na ako.
Okay see you Jema. Be there in an hour. 😘
Baka sakaling saluhin yung kiss. Hehe.
Kaso, sawi tayo. Napunta lang sa hangin.
On the way na ako sa bahay nila Jema. Syempre after 1 hour ko sinabi para di naman nya mahalata na sobrang excited ako. Parang 15 minutes lang ata ako nag ayos. Pero syempre dapat PAPI tayo pag sinundo natin si Misis. Este ex misis pala.
Pagdating ko sa bahay nila, bumaba ako para puntahan si Jema. Nakita ko sa labas si Mafe.
"Naks! Kuys Idol! Ang Papi natin ah? Aakyat ka ba ng ligaw?" Haha! Hindi ba pwedeng sumundo muna? Nangiti tuloy ako sa naisip ko. Kung pwede ko lang talaga ligawan to ginawa ko na e.
"Ate Deanna! Baka mapunit yang labi mo kakangiti. Hahaha! O ayan na pala asawa mo este ex asawa mo! Hahaha!" Nakita ko naman si Jema na palabas na.
Grabeh! Ang ganda nya. Walang kakupas kupas. Ilang taon na rin pero yung beauty nya ganun parin simula nung makilala ko sya, April 15, 2018.
Haaay! Yung puso ko... Napahawak na lang ako sa dibdib ko. Halos gusto kumawala e.
Diko namalayan napatagal na pala titig ko sa kanya at nasa harap ko na sya.
Bumulong sya sa akin.. paglapit nya.
"Deanna, pakisara yung bibig mo. Baka mamaya pasukin ng langaw yan." Aktong sasara ko bibig ko late ko na narealize na hindi naman pala ako nakanganga. Buset na yan.
Tapos si Mafe biglang kumanta may kasama pang palakpak at sayaw.
"Sasara ang bulaklak, bubuka ang bulaklak dadaan ang reyna kekembot kembot pa." Habang kumakanta si Mafe, nakita namin si Jema na kumembot kembot din kaya natawa kami pareho.
Umalis na ako at sinundan si Jema papunta sa sasakyan ko. Walanghiyang Mafe to. Binuksan na ni Jema yung pinto ng sasakyan at pumasok na rin ako sa loob habang tumatawa.
"Ang saya mo Deanna Wong ah?" Mataray na sabi sakin ni Jema. Jusko ang aga aga ah?
"Sorry Madam. Alis na tayo." Sstart ko na sana yung kotse.
"Ahh.. Deanna nga pala sandali lang sana tayo magmeet kasi magkikita kami ni JV later. Kaya need ko sana makuha yung address ng pupuntahan natin para masend ko na kay JV yung location ko." Bigla naman akong nalungkot. Akala ko pa naman makakasama ko sya buong araw.
BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
RomanceHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.