"Dude, ano? Papakalasing yarn?" Alak na alak sya samantalang ako sip lang.
Bigla syang tumigil sa pag inom. At diko namalayan umiiyak na pala. Kaya eto.. magpapakabait muna ako para makapagshare sya.
"I broke up with him kasi.. I chose my career over him. We're planning to get married na nga that time. Pero alam mo na.. opportunites come just once in our lives diba? I asked him kung sasama sya sa akin sa US. Pero ayaw nya. Andito daw kasi ang family nya pati na rin yung business nya.
He was so perfect Dude. Walang kahit na anong panget sa ugali nya. He's also gwapo athletic and most escpecially napakaunderstanding nya. He was raised well." Nakita ko na tumulo na naman ang luha nya. So naisip kong magpatawa.
"If he's so understanding how come hindi nya naitindihan yung pagpunta mo ng US? You know choosing your career over him?" Tinignan naman nya ako na parang ang tanga ng sinabi ko.
"Dude naman? Ikaw ba hindi ka mag iinarte kung yung jowa mo 5 years mong hindi makikita dahil sa work nya?" Haha! Sabagay.
"E 3 years ka pa lang sa US. Bakit nakauwi ka dito ngayon aber?"
"Because, I think mamamatay na ako pag tinuloy ko pa tong pagdodoctor ko doon. You see, dun ko lang narealize how lucky I am to have him in my life. Na hindi ko pala talaga kaya na wala sya sa buhay ko."
"Wow! Seriously? After 3 years mo pa nalaman? Dude ang lame ha?" Nabatukan tuloy ako.
"Wag kang mayabang jan Deanna Wong! Kasi 2 years lang lamang mo sa akin. 1 year ka ding di nagpakita sa kanya. And worst pa may anak kayo. So, kung tutuusin mas masama yung ginawa mo no!" Araay ko naman! Nakita nya ata na medyo nahurt ako sa sinabi nya.
Kaya, hinawakan nya ang kamay ko.
"Sorry dude I didn't mean to get that far. Sana, kaya ko din gamutin yung sarili kong sugat no? Ikaw, nagamot kita e ako kaya? Sinong gagamot sa akin?" I tapped her back kasi umiiyak na naman sya. Nakalimutan ko na din na naoffend ako sa previous comment nya.
"Dude, if that person is not married yet. Try to ask him kung pwede kayo mag usap baka you know may chance pa kayo?" Tinignan na naman nya ako.
"I get it! Yang mga tingin mong ganyan Tintoy alam ko na." Kasi naman gagawin ko naman talaga e. Na I will ask Jema kung pwede pa namin bigyan ng chance ang isa't isa. Para sa amin, lalo na sa mga anak namin.
"Sinasabi ko sayo Deanna Wong, mali ang mang agaw ah? Matuto kang mag antay! Wag mong hayaan na makasakit ka pa ng ibang tao."
"Wow! Coming from you pa talaga ha?" Tumatawang sabi ko.
"Tse! Pareho lang tayo no!" Hahaha! Sakin din bumalik e.
Yung kaninang senti moments namin napuno na ng kabalastugan. Kaya eto tinigil na lang namin yung inuman o yung sipping session ko at nagkwentuhan na lang kami.
Minsan kailangan din natin ng real talk sa buhay e. Para maitama din natin yung mga naging maling desisyon natin sa buhay.
For now, all I wanted is just to be there for Jema and my kids. I'll be her friend muna. If she thinks I'm worthy enough to take a risk, then di ko na sya ulit pakakawalan. Mamahalin ko sya hangga't kaya ko.
Jema's POV
Gabi na and tulog narin ang dalawang anak ko. Samantalang ako, eto nakatitig lang sa ceiling ng room namin.
Haaay! Ano bang meron sa akin ngayon? Simula nung dumating si Deanna, pakiramdam ko yung puso ko hindi na rin mapakali. Pakiramdam ko sya na naman may hawak nito.
Mali e, mali to!
Nung nagkahiwalay kami ni Deanna, nagkaroon sya ng fiancee nun. Samantalang ako, I chose to be single. Wala e. Sya pa rin naman ang mahal ko non. I never entertained anyone kahit si Charles na ideal man talaga.
Then nagpakasal kami, nagkaanak. After that things went wrong na sa amin ni Deanna. Nung naghiwalay kami sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako babalik sa kanya. Na gusto kong totally magmove on na.
Then JV came. Ewan ko he's just too perfect for me. Parang lahat ng nangyayari sa amin napakasmoooth lang. Never pa kaming nag away. Wala din kaming pinagseselosan na iba, not until bumalik ulit si Deanna. Alam ko nagseselos si JV kahit di man nya aminin. Kaso, anong magagawa ko? Sya pa rin ang Dada ng mga anak ko. Kaya kahit anong gawin ko, magkikita at magkikita pa rin talaga kami.
Sana lang, wala akong masaktan na tao. Kahit si Deanna man o si JV.
I hated Deanna for leaving me last year. At sa mga ginawa nya din sa akin. Pero I just cant deny it na.. malaking part sya ng buhay ko na..
Okay, I admit. Na kung hihilingin nyang balikan ko sya. Baka I might consider. Mahal ko ang mga anak ko e. Lahat ng makakabuti sa kanila gagawin ko. Pero syempre, kailangan nyang patunayan yun. At andon na rin yung takot ko na masaktan nya ulit at maiwan. Hindi ko alam kung kaya ko pa ulit ipagkatiwala ang puso ko sa kanya.
E paano naman si JV? Kaya ko bang saktan si JV?
Ewan ko na talaga! Haaay! Ang hirap maging maganda. Hahaha!

BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
RomanceHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.