41

920 31 2
                                    

"Makinig ka muna bago ka magwala jan!" Tumingin sya sa akin. A look of concern.

"It was really a lame decision dude. Umpisa pa lang sinabi ko na. Nagkamali ka!" Ganun lang pero ang lakas ng dating sa akin.

"You never gave Jema a chance to help you. Naisip mo ba kung anong mangyayari kung nasabi mo sa kanya yung totoo? Naisip mo ba na hindi ka gagaling kung kasama mo sya? You chose to undergo therapy kelan lang? Nung nakita mo yung sarili mo kay Joshua noon sa Siargao?" Nakatulala lang ako kay Ate Bei.

"Tapos ngayon, sasabihin mo na naman na hindi ka na magpapakita sa kanya? Nanaman? Aba Deanna Wong! Masyado ka nang nasanay sa ganyang method mo. Hindi ka na bata!"

"Ay mali mas daig ka pa ng bata! Tignan mo yan si Brad pag may gusto, ginagawa nya lahat para makuha nya. Pag gusto nya ng PS5 kailangan nyang paghirapan. Ganyan din si Jema, Deanna. Kailangan mong paghirapan." Natauhan ako sa sinabi ni Ate Bei. Bakit nga ba tinatanggap ko na lang lahat ngayon?

Asawa ko parin si Jema. Kasal parin kami. Kung gusto ko pa syang ipaglaban, dapat ngayon ko simulan..

Naalala ko yung sinabi ko kay Manang Lucing. "Baka Deanna Wong to!" Bigla kong niyakap si Ate Bei at hinalikan. Umalis ako na yung itsura nya direng dire sa kiss ko. Haha!

Akin ka lang Mrs. Wong!

Jema's POV

Ilang araw na yung lumipas simula nung huling kita namin ni Deanna. Tinotoo nya nga yung sinabi nya na hindi na sya magpapakita sa akin.

Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko. Pero part of me, nalulungkot din kasi.. basta! Kailangan kong kalimutan tong idea na to. Kasi ayokong magkagulo pa kami ni JV.

Tsaka sinabi naman na din nyang di na sya magpapakita so desidido na sya.

Oh well, what's new ganyan naman sya e. Tsaka masaya na ako kay JV.

(Talaga ba Mare? E bakit...) Tumahimik ka jan author!

(K!)

May game kami ngayon against Petro Gazz. Since before hirap na hirap din kami sa kanila. Iba na rin coach nila simula nung nagretire ako. Si Coach O na ng Ateneo.

Manunuod daw sina Mama kasama si Tatay, Mafe and my 2 kids. Baka daw sumunod si Ate Jovi. Anong meron at star studded ata tayo? Haha!

Bukas pa naman yung birthday ni Davi. Gusto na daw nilang umalis ngayon para dire diretso na kami papuntang Batangas. Doon na din gaganapin yung birthday ni Davi.

Ewan ko kung may plano si Deanna na aalis sila ng mga anak ko sa ibang araw. Bahala na sya.

Si JV naman nagkataon na may business trip sa Hongkong for 3 days. Kahapon sya umalis. Ang sad lang kasi wala akong partner. 😭

Si Mafe kasama nya jowa nya tapos si Ate Jovs, isasama din nya jowa nya este.. fiancee pala. Oo nga pala diko masyadong nakukuwento si Ate Jovs.

Meron na syang jowa at plano na din nilang magpakasal this year. Si Ate Jovs lang ang tiwalag sa grupo namin nila Mafe. Meaning sya lang lalaki ang jowa. Haha!

Bago magsimula yung game nakita ko na silang lahat dito. Bumaba pa sa bench namin yung dalawang anak ko para kumiss pati na rin sa Tita Ninang nilang si Kyla.

"Grabeh Bes! Nakita mo ba si Dino? Jusko! Hindi mo mapagkakailang anak ni Deanna e." Oo tama sya. Nung iniwan kami ni Deanna, pag namimiss ko sya lagi kong niyayakap si Dino. Malaki naitulong ni Dino sakin para makamove on kay Deanna. Although madalas pag matutulog na kami, umiiyak parin ako pag gabi at nakatingin lang ako kay Dino na parang si Deanna na rin yung nakikita ko.

"Oo Bes! Wag tayong pajulit julit kasi nakakajirita na!" Inirapan ko sya. Pero tinawanan lang ako ng baliw.

"Alam mo Bes, kung di lang din masyadong perfect tong si JV e, Team Wongskie pa rin ako. Medyo sablay lang talaga sa last part na ginawa nya. Pero sa buong relationship nyo, di yan tumingin sa iba. Baka naman hindi totoo yung sa kanila ni Mich?" Ako talaga iniinis nitong si Kyla e. Imbes na magfocus sa warm up chinichika pa ako.

Kaya lumapit ako sa kanya at bumulong.

"Kyla, pag di ka parin tumigil hahanap na ako ng bagong assistant coach. Gusto mo yorn?" Nataranta naman bigla ang lola mo. At nagtatatakbo sa mga players namin at nagbusy busyhan.

Nag assisst na rin ako sa warm up. Ewan ko pero parang biglang sumakit ang tyan ko. Hindi naman ako napoops.

Maya maya lang nadinig kong nagsigawan at nagtilian ang mga tao.

Pag kita ko... Si Deanna Wong lang pala. Teka.. bakit parang ang PAPI naman nya. Hindi ko alam pero parang biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

"Tsk! Erase! Erase! Hindi sya PAPI! Hindi!!!!" Grrrrr! Nakakainis.

Iniwas ko na lang yung tingin ko sa kanya. Tapos dumapo tingin ko kay Kyla. Nakangisi pa sa akin. Buset talaga to e.

Inirapan ko na lang din sya.

Bago magsimula yung game, binati ko na rin si Coach O. Medyo close kami nito noon lalo nung Ateneo days ni Deanna.

"Gudluck Jema ha? Wag masyadong galingan. Bigyan mo naman kami kahit isang set lang. Haha!" Kainis! Nag tawanan na lang kami at naghiwalay na pagkatapos.

Nagstart na yung game. Focused ako masyado, ayokong tingnan yung pwesto ni Deanna kasi baka madistract ako. Basta! Wag na kayong magtanong.

Maya maya nag time out si Coach O. Kaya nagremind lang ako sa mga players ko about sa mga errors namin.

1st set 8-15 ang score at lamang kami. Bago bumalik mga players sa court, nagsigawan na naman mga tao dito. Jusko! Wag nyong sabihin na si Deanna nanaman yung reason.

Diko namalayan na kasama na pala nya mga anak namin. At pinakita ako sa camera, nakaserious look pa naman ako. Pag tingin ko sa screen, pinakita si Deanna. Habang nakaupo sa lap nya yung dalawa. Na may tinitignan sa cp niya.

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon