Deanna's POV
After umalis ni Jema, I sat again sa bench dito sa malapit sa pool namin. Eto yung favorite spot namin ni Jema dito sa bahay.
Kung saan ko unang nalaman yung nangyari sa kanya at kay Dino, kung saan kami laging nag uusap pag may masayang event sa buhay namin. Kung saan kami nag uusap tungkol sa future namin.
Masaya ang memory ko sa bench na to. Pero this time, ibang memory ang maiiwan nito sa akin.
I opened the envelope. It's an invitation.. wedding invitation sa amin nila Charles at ng fiancee nya.
Nalukot ko yung envelope. Nakakahiya...
Nakakafrustrate..
Jema also sent me a message before leaving me. She forwarded yung mga pics and videos ni Charles at nung wife to be nya.
Charles is really a good man. Pumunta pa rin sya dito sa bahay. I thought pumayag sya sa pakiusap ko na ligawan ulit si Jema. Hindi pala, he just went here para makita si Jema at makamusta.
With all that's happening now.. naisip ko..
Tama ba itong ginagawa ko? Tama bang ipagtabuyan ko sya at alisin sa buhay ko?
If magstay ako sa kanya. Will she be happy with me? Kaya nya bang mabuhay nang magulo at mahirap lang kami? Yung thought of not giving her and my kids a good life, parang mamamatay na ako e.
But, mas importante for me ang magiging buhay ni Jema at ng mga anak ko. Kahit maiwan ako o masaktan ako okay lang. Kaya ko na ang sarili ko.
I need Jema to leave me. I want her to be happy.
Ginagawa ko lang to for you, for our family. Wala kang future sa akin. Kaya kong mabuhay mag isa. Kaya ko Jema. You deserve to be happy.. hindi ang maging malungkot habang kasama ako.
Jema's POV
After nung araw ng pag uusap namin ni Deanna sa garden, hindi narin sya tumatabi sa akin sa pagtulog. Umaalis sya ng bahay, pupunta ng trabaho tapos uuwi. Matutulog sya sa kwarto ng anak namin. Ganun lang ang araw araw na routine nya.
Isang linggo..
Isang buwan...
Ilang buwan...
Hindi ko alam kung hanggang kailan kami magiging ganito. Basta ang alam ko lang, kakayanin ko lahat ng to. Iintindihin ko sya. Aantayin kong maging okay sya at bumalik kami ulit sa dati.
Gusto ko syang kausapin. Gusto ko syang yakapin. But.. I don't have the courage to talk to her anymore. Nasasaktan ako.
Pero parang mas okay na sa akin ito. At least alam kong safe sya. Umuuwi parin naman sya sa akin.
Pero malungkot kasi.. magkasama nga kami sa iisang bahay pero di naman kami nag uusap. At least nakakasama parin sya ng mga anak namin.
Pumasok ako sa room ni Dino, wala doon si Deanna.
Pumasok ako sa room ni Davi, andito sya. Natutulog. Nakadantay sa kanya si Davi. May space pa sa gilid ng kama kaya doon ako humiga.
Tinitignan ko lang ang mukha ni Deanna. Pumapayat sya, ang itim ng ilalim ng mata nya.. malayong malayo sa Deanna na kinagisnan ko. Yung pamatay na smile.. yung pagkaPAPI nya. Pero okay lang, hindi ako doon nag aalala kundi kung anong nasa puso at isip nya.
Ako pa rin ba laman nyan Deanna? Mahal mo pa ba ako? Mga tanong na gusto kong sabihin pero natatakot akong marinig ang sagot.
Hinawakan ko yung mukha nya. Yung mukha ng babeng mahal na mahal ko. Ang asawa ko.
Umiiyak na naman ako.
"B, bumalik ka na sa akin please? Miss na miss na kita." Bulong ko sa kanya.
"Kahit anong gawin mo, hindi kita iiwan. Andito lang ako hanggang bumalik ka. Hanggang kaya mo nang makita ulit ang daan pauwi sa akin. Hindi ako magsasawang mag intay sayo. Nagawa ko na noon.. at kayang kaya ko lalong gawin ngayon." Hinalikan ko yung kamay nya.
Gusto ko sanang ilipat si Davi at yakapin si Deanna. Pero hindi ko magawa. Eto lang din ang kaya kong gawin sa ngayon. Ang araw araw na tignan sya bago ako matulog.
Madalas na tatabi lang ako sa kanila. Eto yata ang unang beses na nakatulog ako habang hawak ang kamay nya.
Kinabukasan, nagising ako na wala na si Deanna sa tabi ko. Baka pumasok na. Si Davi naman natutulog parin at nakayakap na sa akin.
Pagbaba ko ng hagdan nakita ko si Manang Lucing.
"Good morning Manang!" Pilit ngiti kong bati sa kanya.
"Ahh... Hi Jema! Kaen ka na anak." Masarap yung nakahain sa table namin pero parang wala akong gana.
"Ahhmm.. Manang si Deanna po? Umalis na po ba?" Alam ko naman na pumasok na sya. Wala lang akong maitanong.
"Umalis na anak. May nagsundo sa kanyang babae e. Baka kaibigan nyo." Ha? Sinong babae? Baka naman sina Pongs yun. Yun lang naman ang kasama niya palagi e. Pero himala ah? Ilang buwan narin di nagkikita mga yun e.
"Ahhh sinundo ni Ponggay o ni Bea Manang?" Sumubo na lang ako ng kanin at tuyo.
"Ahhh Jema hindi si Ponggay e. Lalong di naman si Bea. Kilala ko mga yun e. Baka ibang kaibigan nyo pa. Sexy, maputi tsaka maganda Jema." Naubo ako bigla. Inabutan naman ako agad ng tubig ni Manang.
Napaisip naman ako. Baka nga kaibigan namin at hindi pa namemeet ni Manang.
Nag ayos na ako ng sarili ko para maready ko na yung dalawang bata. Since wala naman na si Deanna. Ako na lang maghahatid kay Dino sa school. Tapos susurprise namin sya ni Davi sa resto namin. Ang tagal ko nang di nakakapunta doon e.
BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
Roman d'amourHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.