CHAPTER 01

267 4 0
                                    

INTRODUCTION

May isang malaking Korean Community sa isa sa mga Barangay sa Baguio City. An hour ride from the City.

Hindi ka pwedeng manirahan doon ng ganun lang kadali. Una kailangan May dugo kang Korean. Dapat maaprubahan ka din ng Head ng komunidad para makapagpatayo ka doon ng bahay.

Dapat mas malaki ang percentage ng pagiging korean mo, or isa sa mga magulang mo ay isang pure korean.

Katulad ng Pamilya Kang.

Pinay ang nanay nila. Pero purong Koreano ang ama.

Bilisan niyo naman kumilos? Aba tatalakan na naman tayo ng Manager ng mga Bae.
Sabi ng Nanay na Kang

Hindi tayo mahuhuli sa takdang oras Nay. Wala ka bang bilib kay Kuya? Di ba Kuyz?
Sabi naman ng nakababatang kapatid nilang si Daniel.

Min Hyuk, Seul Gi, Daniel. Nakamulatan na nilang maaga palang ay nang haharvest na sila ng mga tanim nilang gulay para ibagsak sa mga supplier nila all over Baguio.

Oo nga naman Nay. Kelan ba tayo nahuli sa pagdeliver? Masyado lang maangas ang Manager na yun. Pasalamat siya pinalaki mo kami sa mga pangaral. Kung hindi naku, matagal ko ng pinatulan ang baklang yun. Sabi ng panganay na si Min Hyuk.

Yan ang huwag na huwag mong gagawin. Matuto pa din kayong gumalang kahit na ba iba yong preference nong tao. Pangaral na ng Nanay nila

Wala naman akong sinabi na porket bakla siya Nay papatulan ko siya. Ang sakin lang, yong pagiging OA niya. Maaga naman tayo parati pero akala mo naman kung maka alipusta satin eh siya na yong may ari eh. Tsaka Nay, hindi naman pwedeng tatahimik na lang tayo parati porket kliyente natin sila. Hindi naman sila kawalan.

Tumigil ka Seulgi. Ikaw na bata ka pag nalaman kong nakikipag away ka naman sa school niyo papatigilin na talaga kita. Daig mo pa tong mga kapatid mong lalaki.

Hindi naman po kasi ako nakikipag away kung hindi nila ako inuunahan.

Mangangatwiran ka pa talaga. Kung buhay lang ang Tatay ninyo siguradong napalo ka na.

Natahimik na lang ang tatlong magkapatid para tumigil na din sa pagbubunganga ang Nanay nila. Alas singko palang ng umaga pero nanenermon na ito.

Sige na at may mga pasok pa kayo. Baka malate pa kayo.

Sige po Nay.
Paalam na ng tatlong magkapatid bago sumakay sa pinakalumang truck na ata sa lugar nila

Akala ko ba hindi ka makakasama sa pagdeliver ngayon dahil may training ka sa Chess?
Tanong ni Min Hyuk kay Seulgi

Mamaya pa naman yun. Tsaka mas mabilis tayong matatapos pagsama sama tayong tatlo.

Naks. Lakas mo ah.
Pambubuska ni Daniel sa Ate niya

Di ba nga, walang iwanan? Hindi porket babae ako sa paningin ninyo hindi ko na kayo kayang tapatan sa mga gawaing lalaki. Ibahin niyo ko. Mayabang oang sabi niya

Oo na. Teka nga, kamusta naman yong crush mo? Nakita mo na ba ulit?
Tanong ni Daniel

Hindi na ulit. Pero baka swertihin ako ngayong araw. Malay natin di ba? Tsaka napag alaman kong mataray daw yun.

Talaga? Eh yun naman ang mga type mo di ba? Challenging and complicated stuff.
Sabi ni Min Hyuk

Chill lang mga tol. Masyado naman ata kayong excited sa love life ko. Kayo na muna mauna, lalo ka na Kuya. Ni hindi ko man naririnig sayo na may crush ka.

Believe In Love ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon