SEULGI
Kinakabahan talaga ako dahil iinom si Joohyun. Nag iiba kasi ito pagnakainom eh. Malamang magagapang ako mamaya.
Sure ka bang makikipag inuman ka?
Nakailang tanong na akoPaulit ulit ba tayo dito Seulgi? Relax kasi. Malakas na akong uminom ngayon. Just wait and see.
Sure ka? May pilay ako Joohyun.
Nanlaki naman ang mata niya.
Ambastos mo. Excuse me naman Seulgi, bakit ganyan ang iniisip mo? May pagnanasa ka talaga sakin noh.
Natawa naman ako sa reaksyon niya. Namula pa kasi talaga siya.
Oh andiyan na sila. Tumahimik ka.
Bilin niya bago binuksan ang pintuanSi Jennie lang ang pumasok. May dalang inihaw na baboy. Alam kong busog ako, pero naglaway na naman ako dahil bagong luto.
Pano ako makakatulog sa tingin nila eh sa sofa sila pumwesto. Sa harap sila ng TV.
Ayy teka muna. Nakalimutan ko pala yong cucumber tsala papaya ng mahal na hari teka muna Jen. Biglang paalam naman ni Joohyun
Okay lang bang manood dito?
Turo niya sa TVOo naman. Inyo naman yan. Sagot ko
Kamusta naman ang result niyang kamay mo?
Tanong niyaAyos lang naman. Hindi ko iniexpect na ganun mo lang ako kung ibalibag. Talagang tinapon mo ko para lang protektahan ang Boyfriend mo.
Sorry ha. Nabigla lang talaga ako. Akala ko kasi bubugbugin niyo pa siya eh. Tsaka FYI hindi ko siya Boyfriend.
Kung makakapit sayo akala mo may aagaw tapos hindi mo Boyfriend?
Eh ikaw nga di ba? Hindi din tayo.
Natigilan kami pareho. Mukhang nadulas yong bibig niya.
Masaya ka ba Jen? Tanong kong seryoso
Halata ba?
Masaya ka bang wala na ako sa buhay mo?
Nabunutan ka ba ng tiknik sa dibdib dahil kinalimutan mo ang manggagamit mong kaibigan na Gold Digger?What's your point?
Tila napikon ito sakinNagtatanong lang naman ako kung masaya ka. Bakit ba ang init ng ulo mo sakin?
Ganyan ba kalaki ang atraso ko sayo? Sinunod ko naman ang gusto mong magpretend na hindi tayo magkakilala ah.Bakit ka kasi andito Seulgi?
Natigilan ako sa pagtaas ng boses niya. So i am not welcome to her pala. Akala ko kasi okay na eh.
Do you want me to leave? Sabihin mo lang dahil gagawin ko. Pero tulongan mokong mag explain sa Lola mo. Because i already did that pero hindi siya pumayag. Kung gusto mong umalis ako dito, ako gustong gusto ko ding makalayo sa inyo. If nahihirapan ka sa sitwasyong to, nahihirapan din ako. If nasasaktan ka, nasasaktan mo din ako Jennie. Because i thought walang laglagan sa tropa natin.
Natahimik kami pareho ng makarinig ng yabag na papalapit. Agad naman siyang naghanap ng palabas sa TV.
Heto na po. Inumin mo muna yong isang gamot. Mamaya na lang yong pampatulog after mong kumain or later na lang okay lang naman.
Sabi ni Joohyun at kinawayan na ako para maupo na sa sofaSinilip mo ba si Deanna? Tanong ko
Yeah. Pinirmahan ko na din yong report ninyo. May kausap pa siya kaya susunod na lang daw. Asawa niya ata yun.
BINABASA MO ANG
Believe In Love ( Tagalog )
General FictionPano mo ba malalaman kung kelan ka dapat bumitaw? Pano mo ba malalaman kung siya na ba talaga? Ano ba ang mas matimbang? Respeto.sa sarili? Or respeto sa partner mo. Tama bang isakripisyo mo ang career mo ng dahil sa pait ng nakaraan? Gano ba kaimp...