CHAPTER 86

19 0 0
                                    


After a month na pagbaba ng arrest warrant ay nagsimula na ang hearing. Malaking tulong yong Guard na witness para madiin si Sunmi Lee.

Halos isang taon din ang tinakbo ang tinakbo ng Trial until nahatulan sila ng Guilty. Si Jongin at Sunmi lang ang may pinakamataas ang hatol.

Accomplice lang si Lukas dahil walang matibay na ebidensiya para sa kanya. Pero kasama siya sa mga sumunog sa Taniman ayun kay Biboy.

Nagulat lahat ng mga kaibigan nilang walang alam na nasa Baguio lang si Seulgi. Lalo na si Lisa.

Daya mo pero sige hindi ako magtatampo na matagal ka na palang nakauwi. Pero galit ako dahil may kasalanan ka sakin.
Sabi ni Lisa habang nakayakap kay Seulgi

Alam ko. Nice to see you again Pri.

Namiss kita sobra Pri. Kahit na Tangina ka. Sagot naman ni Lisa

Nagtipon tipon silang lahat sa Bahay ng mga Kang sa baguio after ng mismong araw na binasa ang hatol.

Syanga pala this is Engr. Lalisa Manoban. Ang aking Bestfriend, Pri, si Engr. Deanna Wong, kaibigan ko sa Australia asawa niya si Jema.

Nagbatian naman ang tatlo.

Kuya Minhyuk, Si Tzuyu future wife niya. This is Hunter anak nila. Kuya si Deanna at Jema. Sila ang makakasama ko dito sa bahay.

Nagkatinginan naman sila.

Dito? Maiiwan ka ba dito?
Tanong ni Minhyuk

Kailangan ako ng Taniman. Kailangan ka ng Pamilya mo at ng Shop.

Pero Seul, baliktad ata tayo.

Kuya, alam mo na ang pasikot sikot ng shop, alam ko na din ang pasikot sikot dito sa Taniman. Isa pa andun si Tzuyu, sayang din naman ang shop kung bibitawan niyo pa.

Sigurado ka ba sa desisyon mo?

Oo naman. Isa pa dito pa din naman si Lisa kina Joohyun. Ang lapit ng Manila, mukhang nagiging OA kana din Kuya.

Napakamot na lang ng ulo si Minhyuk.

Tama na muna yan. Kain na muna tayo.
Tinawag na sila ni Joohyun

Hindi naman nakauwi sina Daniel at Wendy dahil hindi sila nakapagleave agad. Susunod na lang na uuwi sina Daniel dahil yun din ang gusto ni Jihyo.

Manghang mangha naman ang mag asawang Wong sa design ng bahay nila Seulgi.

Si Yeri lang din ang dumating na Kim. Sumunod ito after ng trial.

Kamusta naman ang kapatid mo?
Tanong ni Minhyuk kay Yeri

Sino po ba? Si Ate Jisoo or si Ate Jennie?

Sila.

Same same. Si Ate Jennie medyo lutang. Pero okay naman siguro siya.

Lutang?

I mean distracted masyado. Nakatulala. Minsan hindi makausap ng matino.

Napatingin ang lahat ng bigla namang dumating si Mrs. Bae.

Okay na kami. So, chill. Agad na pumagitna si Seulgi dahil nag iba kaagad ang simoy ng hangin sa loob ng bahay

Andito ako para e congrats kayo dahil sa pagkapanalo ninyo sa Trial. Sabi ni Mrs. Bae

Salamat po. Kain po tayo.
Sagot naman ni Minhyuk na tila nag aalangan pa

Salamat.

Believe In Love ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon