CHAPTER 10

54 2 0
                                    

JISOO

Ilang araw ko ng napapansin na matamlay si Jennie. Parati na din itong nasa bahay.

May problema ka ba?

Wala naman Ate. Stress lang sa pagrereview.

Exam week na kasi namin. Graduating na ako sa kursong Architecture samantalang 2nd year college naman si Jennie.

Gagraduate na din sa highschool si Yeri.

Masyado mo naman atang siniseryoso ang pagrereview. Chill ka din kahit papano para balance lang. Payo ko

Andami kasing paperworks. Andami din kailangang ipasa. Magkakasunod pa ang deadline kaya parang naubos na ang utak ko.

Natawa naman ako. Halata naman kasing hindi tungkol sa school ang problema niya. Kailan pa kasi ito nastress sa pag aaral? Eh mahal na mahal niya ang pagbabasa ng kung ano anong libro.

Mahilig din siyang magsulat. Kaya nakakatawa lang na ganun pa ang naisip niyang reason.

Hindi ka na ata nagbobonding sa taga kabila?

Busy kasi ako Ate.

Akala siguro niya hindi ko alam na may secret hideout sila sa likod. Kung hindi ko alam siguro matagal na silang nahuli ni Daddy or ni Mommy.

Pero kapatid ko si Jennie. Ang magkakapatid, nagtutulongan, nagsasaluhan, nagtatakipan. Kaya without her knowing, gaya ng bilin ko kay Ate Jessica, huwag na lang sabihin kay JEnnie na alam ko ang tungkol sa secreto niya.

Huwag mong sabihin na nagpapaapekto ka sa mga Bae?

Wala akong pakialam sa kanila Ate. They can say whatever they want to say to me but i don't care. Problema nila yun, bakit kailangan pati tayo makialam?

Tama ka. Huwag mo na lang pansinin si Auntie. Sagot ko

Parang naiintindihan ko na si Uncle hyunnie kung bakit nainlove siya sa ibang babae.

Natawa na lang ako. I can say, i agree with her.

Hayaan mo na sila. Tama ka naman eh, problema ng pamilya nila yun. Just do whatever you want as long na happy ka Jen.

Thanks Ate. But..

Mukhang may sasabihin ito pero parang natatakot.

You know i can keep secret.

Nagkatampuhan kasi kami ni Seulgi. Hindi ko alam kung bakit nagalit siya sakin. Kaya, heto lumayo na lang ako. Siguro naprepressure siya or wala lang talaga siyang tiwala sakin.
Kwento na niya

Walang tiwala? Pano mo naman nasabi?

Remember noong time na nagkagulo sina Inhyuk sa basketball? Kalaban niya ang magkapatid na Kang nun di ba? Si Auntie kasi, sinabihan niya si Seulgi na hindi daw ako totoo sa friendship namin. Kaya siguro parang nagdududa din si Seulgi.

Napabuntong hininga na lang ako.

Huwag ka na lang magpaapekto. Hindi mo din masisisi kasi si Seulgi. Just prove to her na hindi ka ganong tao.

Pano ko naman gagawin yun. Hindi na kami nagpapansinan. Isang linggo na.

Inobserbahan ko ang kapatid ko.

Hindi na simpleng crush yan ano? Tanong ko

Mapait lang itong ngumiti sakin. Dalaga na talaga ang kapatid ko. Nainlove na eh.

But ako lang naman ang nagmamahal sa kanya. But i am fine with that. But she's also my first heartbreak. Mas type niya si Ate Irene. Hindi ako.

My sister is hurting, i can sense that.

Believe In Love ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon