JISOO
Nakita kong nagkakasiyahan sina Joohyun sa labas ng restaurant. Napatingin kasi ako sa gawi nila ng mag CR si Minhyuk.
Nakuha mo pa talagang magsaya pagkatapos umalis ng kapatid ko ng dahil sayo Seulgi.
Nakaorder kana ba Ji?
Yeah. Alam ko naman ang fave mo kaya ako na ang nag order.
Wow naman. Natouch naman ako dun. Napakaseryoso naman ng mukha mo. May problema ba?
Ji lang talaga ang tawag niya sakin. Min naman ang tawag ko. Nababaduyan lang kasi ako sa endearment eh parang naninindig ang balahibo ko pag yun ang gagamitin niya sa pagtawag sakin.
Kamusta na nga pala ang kaso sa Baguio? Mukhang di kana naluwas?
Tanong koUmamin na naman kasi yong suspect. Tapos yong tinuro niyang Mastermind hindi naman makasuhan dahil wala kaming solid proof. Hindi din magkatugma ang statement nila sa araw at oras na nagmet sila. Kaya na abswelto sa kaso yong tinuro. Nakakapagod na din makipaglaban if wala namang progress eh. Kaya yun na lang suspek yong umako ng lahat.
So naniniwala kayo dun?
Hindi. Tsaka nakakahiya din kasi kay Atty. Park na gumagawa ng paraan para makahanap ng ebidensiya tapos madedead end lang. Nahihiya na din akong humingi ng pera kay Seulgi dahil naubos na ang ipon ko sa pag finance ng gastos para sa mga undecover agent.
May undercover agent ka?
Nagulat ako sa nalaman koYep. Actually pinaclose ko ang kaso para lumabas yong mga taong nasa listahan ng suspect namin. Hindi ko lang sinabi ito para hindi magleaked. Kahit kay Atty. Park. Alam ko kasing may nagmamanman sa bawat galaw niya. Di ba?
Bakit ako ang tinatanong niya?
May nagmamanman kay Chaeyoung?
Tanong ko nalangAlam ng kalaban ang bawat galaw ni Atty. Park. It only means one thing di ba? Or isa sa mga nakapaligid sa kanya ang nagbibigay ng information? Pero wala naman akong maisip kung sino sa kanila if ever. Maybe isa sa mga empleyado ninyo.
Kinabahan ako bigla. Kung totoo yun malalagay sa panganib si Chaeyoung.
Kaya kailangan kong ipastop ang investigation dahil ayokong mangyaring masama pa sa mga taong malalapit sa pamilya ko. Lalong lalo na ang mga kaibigan ng kapatid ko. Madami ng pinagdanaanang hirap si Seulgi. Ayoko ng pati ako isipin pa niya. Ako ang Kuya, dapat ako ang proprotekta sa kanya.
Natahimik naman ako.
--------
SA KABILANG TABLE......
Are you sure madali lang makuha ang loob ng Kuya? Tanong ng babae sa kausap na lalaki
Kung titingnan mo sila, iisipin mong magkasintahan sila na nagdedate lang sa restaurant na yun. Or maybe mag asawa.
Pero yong kasama niya ngayon is napabalitang kasintahan niya. Isa sa mga Kim's. Yong panganay. Sabi ng lalaki
I know her ofcourse. Iisang industry lang ang mundo namin. But mahirap siyang lapitan, masyado siyang aloof. I like her, her personality, the way she manages the things around her. Masyado siyang tuso, and very intelligent. Sagot ng babae
So ano na ba ang plano mo? Abswelto na yong tinuro ninyong tao sa kaso. Tanong ng lalaki
The case is already closed. For now.
Hayaan na muna natin silang magsaya.
BINABASA MO ANG
Believe In Love ( Tagalog )
Ficción GeneralPano mo ba malalaman kung kelan ka dapat bumitaw? Pano mo ba malalaman kung siya na ba talaga? Ano ba ang mas matimbang? Respeto.sa sarili? Or respeto sa partner mo. Tama bang isakripisyo mo ang career mo ng dahil sa pait ng nakaraan? Gano ba kaimp...