SEULGI
Ambilis ng pangyayari. Bigla na lang sumiklab yong Wingvan namin. Kakapaayos ko lang niyon dahil gagamitin pa Manila.
Parang nawala ako sa sarili ng makita kong nagliliyab na ang truck namin.
Pri! Bigla akong hinablot ni Lisa dahil papalapit pala ako sa apoy
No. No. Napaluhod na lang ako
Makakabili naman kami ng bago. Pero Wingvan yun ni Tatay. Kaya hindi namin mapalipatan dahil yun na lang ang naiwan niyang alaala samin.
Nay!
Napasunod na lang ako ng tingin ng biglang tumakbo si Kuya.
Nay.
Tita!
Hindi ko na alam ang nangyayari. Dahil nawalan din ako ng malay.
Nagising ako na nasa hospital na. Katabi ko si Lisa na tulog na. Alas dos na pala ng madaling araw.
Pri. Ginising ko siya
Kamusta ang pakiramdam mo?
Ayos na naman. Si Nanay?
Hindi ito sumagot.
Wala na siya Pri. Wala na si Tita Amelia.
Tangna wag mo kong binibiro ng ganyan. Nasa kabilang kwarto ba?
Wala sa sariling bumangon ako at naglakad palabas ng kwarto.
Patay na si Tita Pri. Dead on arrival na siya. Sinubukan pa siyang e revive pero wala na. Inatake siya sa puso, tapos may nakita ding ugat na pumutok sa ulo niya.
Hindi pri. Buhay pa si Nanay. Bata pa ang Nanay ko. Itatayo ko pa ang Dream House niya, bibilhan ko pa siya ng dalawang truck pag may trabaho na ako.
Napaiyak na lang si Lisa. Napayakap na lang din ako. Pero hindi ako makaiyak. Namanhid ata ang katawan ko.
Si Kuya?
Nasa presinto. Kasama nong suspek.
Punta tayo don. Nasaan ang susi.
Si Jennie ang sinakyan natin kanina. Kayo ni Tita, siya ang nagdrive papunta dito.
Tumango lang ako.
Pinaupo niya muna ako sa lobby. May babayaran pa pala kami sa Hospital. Kaya tinawagan na muna si Kuya.
Seulgi.
Kuya. Si Nanay.
Humagulgol ng iyak si Kuya. Nakita ko din na tumatakbo si Daniel papasok ng hospital kasama si Tzuyu na parehong umiiyak.
Kuya, Ate.
Dan.
Nagyakap kaming tatlo. Pero nagpakatatag ako. Mas kailangan ako ngayon ng mga kapatid ko.
Tulala lang ako ng tingnan namin ang bangkay ni Nanay sa Morgue. I feel so numb.
Hanggang sa makauwi kami. Wala akong nararamdaman na kahit ano. Napasugod ang mga magulang ni Lisa ng mabalitaan ang nangyari.
Kausap naman ni Kuya ang pamilya ni Wendy sa cellphone niya pero ako, wala akong ganang magsalita or kumilos.
Basta nakikita ko lang ang mga ginagawa nila. Nag aayos na sila ng bahay namin.
Hanggang sa nakatulog na lang ako ng hindi ko namamalayan...
-----------------------------------------
BINABASA MO ANG
Believe In Love ( Tagalog )
General FictionPano mo ba malalaman kung kelan ka dapat bumitaw? Pano mo ba malalaman kung siya na ba talaga? Ano ba ang mas matimbang? Respeto.sa sarili? Or respeto sa partner mo. Tama bang isakripisyo mo ang career mo ng dahil sa pait ng nakaraan? Gano ba kaimp...