CHAPTER 82

16 0 0
                                    

IRENE

Maaga akong pumasok dahil ako mismo ang iinterview kay Engr. Wong. For formality na lang ito. Kulang kasi kami ngayon ng Engineers dahil yong iba nasa Manila na.

After ng interview ay inaya ko muna siya magkape sa tabi lang naman ng Building namin.

Nang makita kong pasakay ito ng motor parang may humila sakin palapit sa kanya.
Pauwi na sana ito.

Dean! Kay Seulgi ba to?

Oo hiniram ko lang. Hindi naman daw siya aalis eh.

Nabitawan ko ang tinake out kong cake. Hindi ko alam kung bakit yun ang tinanong ko sa kanya.

Ah i mean.

No. Narinig ko na ang sinabi mo. Nasaan siya? Sagutin mo ko Deanna.

Ahhhh. Na sa ano. Ahmmm.

Huwag kang magsinungaling sakin dahil nasa akin din ang Address ninyo dito.

Nasa Apartment siya. Kung gusto mo sumunod kana lang sakin Miss Joohyun. Promise, hihintayin kita sa labas ng parking exit.

Pinulot ko ang cake dahil hindi naman nadumihan. Hindi ako nagpahalatang nagmamadali ako, baka kasi may nakabantay sakin. Buti na din na sa Exit na maghintay si Deanna.

Kotse ni Mommy ang ginamit ko. Bago kasi yun at hindi pa naman siguro kilala ng if ever may sumusunod sakin.

Nagbeso muna ako kay Jema sa kusina ng marinig ko ang boses niya na pababang hagdan.

Nadulas? Okay ka lang ba?

Seulgi.

gulat itong napatingin sakin.

Joohyun.

Agad na nangilid ang luha ko ng makitang okay lang ito.

Aray! Aray! Aray!
Pinagsusuntok ko siya, pinektusan ko siya sa tiyan at binatukan.

Hanep naman ang salubong mo sakin.
Sorry na. Okay naman ako oh!

Tarantado ka talaga!
Binatukan ko ulit siya

Sorry na. Sorry na.

Napaiyak nalang ako sa dibdib niya.

Tangina naman ang asawa mo Jema. Kahapon ko lang binilin na huwag sabihin. Sabi ko

Ah ganun.
Kinurot ko naman siya sa tagiliran

Delikado nga kasi di ba Hyun? Pano kong nasundan ka dito? Di mapapahamak sila.
Explain ko

Ikaw talaga Deanna akala ko paglasing ka lang madaldal. Sabi naman ni Jema

Eh sorry na din.

Lalo lang gumanda. Buntis ka ba?

Ahhhh....
Sinipa ko ang binti niya

Bakit ako mabubuntis? Kahit kailan talaga puro ka kalokohan. Kailan ka pa nandito?

Kahapon lang. Tamang tama ng tawagan ko si Deanna andito na pala sila sa Baguio. Naghahanap kasi ako ng matutuluyan. Doon na sana muna ako sa kanila sa Cebu eh.

Sino pa ang nakakaalam na andito ka? Don't tell me ako ang huli?
Tanong ko

Kayo palang tsaka si Chaeyoung.

Alam na ni Rosé na nandito ka? Tapos ako hindi ko alam? Sumbat ko

I need to para sa kaso namin. Malapit ng matapos to. For now huwag muna tayong magkita Hyun. Darating si Chaeyoung mamayang hapon. Pupunta siya ng presinto para kausapin si Biboy. I want you to talk to Chaeyoung after please. Tsaka yong bahay pala may nakatira pa ba?

Believe In Love ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon