LISA
Nakailang explanation na ako. Pero parang sirang plaka si Mama.
Ma, classmate nga namin yun at babae yun. Hindi lalaki. Pano mo naisip na may boyfriend ako?
Huwag ko lang talaga malaman laman na nagpapaligaw ka Lalisa ha?
Naloloko na ba ang Mama ko?
Hindi ko alam na joker ka pala Ma.
Natatawa namang sabi ni PapaKaya nga Pa. Alam niyo naman di ba na bakla ako? Tapos ano? Manliligaw? Lalaki? Yuck?
Tinawanan naman nila ako.
Hindi ka na mabiro anak eh. Pakilala mo naman kami sa kaibigan mong de kotse. Pero di ba kamag anak yun ng mga Bae? Pano niyo naman naging kaibigan yun ni Seulgi? Usisa na ni Mama
Siya ang lumapit samin. Tsaka feeling ko may crush siya kay Seulgi eh.
Talaga? Di malaking gulo yun pag nagkataon. Alam mo naman kung gano ka matapobre ang Mrs. Bae na yun.
Eh iba naman yong mga Bae Ma. Mukhang mabait naman yong si Jennie. Nililibre pa nga kami ng lunch eh. Sagot ko
Naku Lisa. Pare pareho lang ang mga mayayaman. Minsan kana lang makakakita ng mayaman na down to earth. Katulad ni Seulgi. Mayaman ang pamilya nila pero nakita mo naman kung gano sila ka simple.
Mayaman na ba sina Seulgi? Nagpapatawa ka naman ata Ma.
Mayaman ang namayapang ama ni Seulgi. Malaki ang perang pinamana sa kanilang tatlo, pero tinago yun ng Nanay nila para in case of emergency. Pinapalaki lang sila ni Amelia na matutong magpahalaga sa pinaghirapan nila. Kung hindi mo din alam anak, kaya tumutulong yang magkakapatid na Kang sa Nanay nila dahil pinaswesweldo sila. Kaya kuripot yang kaibigan mo, dahil sa sweldo nila kinukuha yong baon nila. Hindi sila binibigyan ng baon Ni Amelia na ganun ganun na lang. Dapat pinaghihirapan nila ang ginagasto nila.
Napaisip naman ako. Kaya pala ang kuripot to the highest level ni Seulgi eh. Ganun pala yun.
Kaya ikaw anak, dapat matuto ka din sa kaibigan mo. Marunong magbudget ng pera.
Kahit na mayaman naman talaga sila.Pero bakit naman hindi binigay ni Tita Amelia Ma? Di ba unfair naman ata siya?
May sariling plano yun. Tsaka sino ba tayo para mag kwestiyon siya. Tama lang para sakin ang ginagawa niyang pagpapalaki sa mga anak niya. Kita mo naman masisipag, mababait tsaka magagalang.
Edi wow. Hindi na ako nagkwestiyon pa.
Pero anak, huwag kahit ano ang mangyari. Maging mapagmasid ka pa din, hindi natin alam ang totoong pakay noong bagong kaibigan ninyo. Baka napagplanuhan na kayo, wala man lang kayong alam.
Okay Ma. Ako na po bahala kay Seulgi.
May point naman si Mama. Lalo at bagong salta lang dito samin yong pamilya nila Jennie.
Alas otso palang ay tulog na kami. Kailangan kasi naming bumangon ng alas tres para maagang magbukas ng pwesto sa palengke.
Alas 7 ng papaunta na ako sa school. Nilalakad ko lang yun dahil malapit naman sa bahay namin.
Ma, pasok na po ako. Dumaan muna ako sa palengke
Sige mag iingat ka.
Napalingon ako ng may bumubusina sa likod ko. Magagalit pa sana ako ng makilala ko ang driver ng motor.
Aba. Langya. Saang junk shop mo yan nabili?
![](https://img.wattpad.com/cover/312702776-288-k474618.jpg)
BINABASA MO ANG
Believe In Love ( Tagalog )
Fiksi UmumPano mo ba malalaman kung kelan ka dapat bumitaw? Pano mo ba malalaman kung siya na ba talaga? Ano ba ang mas matimbang? Respeto.sa sarili? Or respeto sa partner mo. Tama bang isakripisyo mo ang career mo ng dahil sa pait ng nakaraan? Gano ba kaimp...