CHAPTER 51

22 1 0
                                    

MINHYUK

Napauwi ako ng Baguio ng makakuha ako ng update about sa nangyari sa Taniman at sa shooting incident sa bahay namin. Buti na lang at numero ko ang iniwan ko doon.

Ayokong malaman pa ni Seulgi dahil marami na itong inaasikaso. Susunod na lang din si Atty. Park, at binilinan ko din siyang huwag ipagsabi sa iba.

Kaagad akong dumiretso sa Presinto.

Mr. Kang. Maupo ka.

Kamusta ang development ng kaso?

Mukhang malulusutan ito ni Mrs. Bae. Tanging testimony lang ng suspect ang hawak natin. Wala din ang Pamilya Bae ng mangyari ang sunog sa taniman ninyo.

Pero hindi ba matibay na ebidensiya yun?

We still need a solid proof na nagkausap nga si Mr. Gaspar at Mrs. Bae. And opinion ko lang to Mr. Kang. Ang sabi kasi ni Mr. Gaspar mismong si Mrs. Bae ang kausap niya at nagbigay ng utos na gawin nila yun, pero ang nakapagtataka ng magpakita kami ng mga Pictures sa kanya ni isa wala siyang tinurong tama.

What do you mean? Hindi niya kilala si Mrs. Bae?

Yes. Ilang beses siya naming pinakitaan ng mga larawan. Hindi pare pareho ang kuha ng mga litrato pero ni isa dun hindi niya naituro ang Picture ni Mrs. Bae.

Wala din palang kwenta ang uwi ko dito.

Suspetsa namin ginamit lang niya ang pangalan ni Mrs. Bae dahil alam ng taong totoong gumawa sa inyo niyon na isa ang mga Bae sa may galit sa Pamilya ninyo. Ibang tao ang totoong Mastermind dito.

What about sa Pick up na pula? Any progress?

Biglang nawala dito sa Baguio ang truck na yun. Malamang sinunog na or chinopchop. Kasi yong last footage na nakalap natin kung saan iniwan ang pick up, wala ng bakas ng puntahan namin. Baka sinakay sa truck or dun na mismo sinira.

If hindi ang mga Bae sino?

We believe na tungkol ito sa Business ninyo. Not a personal matter. Kasi kung kayo talaga ang target sana noong time na pinasok kayo, tinapos na kayo ng mga kalaban. Pero tinakot lang nila kayo. Ang nakakapagtaka din, nawala bigla ang Security Guard na naka duty that time. Kahit pamilya nila wala na din dito sa Baguio.

Napabuntong hininga lang ako.

Atin atin lang to Mr. Kang. Pero mukhang may tao dito ang Mastermind ninyo dahil may gustong ipasara ang kaso, tutal daw inamin na naman ni Mr. Gaspar ang lahat.
Kaya mag ingat ka sa pagbibigay ng impormasyon dito. Lalo at maraming bagong assigned na mga police dito. Lalo na sa mataas na ranggo.
Halos pabulong na sabi sakin ng imbestigador

Mukhang malaking tao nga itong nakabangga namin. Mukhang sanay sa mga ganitong gawain dahil nililinis nila agad ang kalat nila.

Maraming salamat Chief.

Mag ingat pa din kayo. Pakisabi sa Atty. Mo na may nagmamatyag sa pag iimbestiga niya sa kasong to. Mag ingat kamo siya sa mga lakad niya.

Agad na akong umalis ng presinto. Dinaanan ko muna ang hindi pa tapos na bahay namin. Nakita ko naman si Joohyun doon.

Minhyuk. Napauwi ka.

Malapit na kasi ang anihan. Chineck ko lang kung kaya ba talaga nila or kung ano pa ang kulang. Kamusta naman ang bahay namin Architect Bae?

Tinext ko na si Rosé na huwag ng sumunod dito sa baguio. Buti hindi pa siya nakaalis ng Manila.

Konting kembot na lang to Sir. Papaayos ko muna lahat bago ko e for Sale.

Believe In Love ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon