CHAPTER 14

36 1 0
                                    

JENNIE

Nakahiga si Seulgi sa dibdib ko. Pareho kaming tahimik.

Let's start all over again.

Mahapdi pa. Reklamo ko

Hindi yun ang ibig kong sabihin. Silly.

Nagtaka naman ako. Pero namula ako sa hiya.

Let me court you.

Nakatingin lang ako sa mukha niya. Seryoso ba siya?

Hindi naman dahil binigay ko sayo ang sarili ko kailangan mo kong panagutan Seul. Sagot ko

I think mahal kita Jen.

Natameme ako.

Mahal na kita siguro noon pa. Hinahanap hanap kita, namimiss kita, i am longing for you. And mas napatunayan ko ngayon na kailangan kita.

Pero aalis na ako ng Baguio.

Siya naman ang natigilan.

Aalis ka?

Sa Manila ko piniling magreview. Kasi nasasaktan ako tuwing nakikita kita. I missed you too. Sobra. Pero pinipigilan ko lang. Kasi nga sabi mo tantanan kita, nasaktan ako. Baka nabibigla ka lang ngayon dahil may nangyari satin..

Nalungkot naman ito.

So hindi ka naniniwala?

Gusto kong maniwala. God knows kung gano ko to hinintay. Pero alam kong nanliligaw ka kay Ate Joohyun.

Napayuko ito. It hurts me more. Pero kailangan kong magpakatotoo.

Mahal kita Seulgi. Mahal na mahal. Pero ayokong makulong ka sa isang relasyon ng dahil lang you feel obligated. May nangyari satin dahil ginusto ko din. Kaya don't feel guilty.

Jennie.

I swear. I will be fine. After ng burial ni Tita aalis na ako. I will give you more time to think. For now magfocus na lang muna tayo sa Nanay mo. Iiwan ko sayo ang address ko, you can visit me there if you want.

Tumango lang ito. Ayoko lang talaga na nagdedesisyon siya ng pabigla bigla. Kung desidido talaga siya di mas okay.

Alas kwartro ng madaling araw ay nagising ulit ako. Ni hindi pala kami nagkapagbihis kaya pala gininaw ako.

Napakapayapa ng tulog niya. Kaya pumikit na lang ulit ako. Pero hindi na ako makatulog. I felt something is wrong. Ewan ko pero kinabahan ako bigla.

Nakita kong umiilaw ang phone niya. Inon pala niya ulit yun. Hindi ko kasi nakita dahil nauna siguro akong nakatulog kagabi.

Parang may bumubulong sakin na abutin ang phone niya. Ilang beses kong inignore pero hindi namamatay ang phone niya. Kaya inabot ko na lang.

Joohyun is calling....

May number pala siya ni Ate Joohyun?

Where the hell are you? Wala ka sa bahay ninyo ng sumilip ako.

Agad kong pinatay ang tawag. Madami ding text messages si Ate Joohyun sa kanya.

Halos magimbal ako sa mga nabasa ko.
Mahal? Mahal mo ko Seulgi???

Mabilis kong binalik ang cellphone niya.
Tama na ang mga nabasa ko. How could you do this to me Seul?

Bahagya itong kumilos.

Gising na pala. Ano'ng oras na ba?

Ahm. 4 something. I think uwi na tayo. Wala na namang ulan.

Believe In Love ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon