CHAPTER 05

54 1 0
                                    

JENNIE

Nababadtrip ako kay Seulgi. Nahahalata ko kasing parang nilalakad niya sakin si Lisa. Parati na lang niya kaming iniiwan kasi.

Alam kong busy ito sa training niya, pero half day lang naman kasi yun, pero huong araw niya kaming iniiwan at mag iisang buwan na yun.

Pambato pa din siya namin sa Chess. Student Athlete siya ng school kaya free tuition ito.

Pahirapan pa yong pagpasok niya dito. Pinauna talaga siya namin ni Lisa na ma approved yong scholarship niya bago kami nag enroll.

Gusto ko din sanang mag Civil Engineering pero kinontra naman ito ni Auntie Suzy, panglalaki lang daw yun. Si Daddy sunod sunuran naman kaya hindi din ako pinayagan. Kaya sa Business course ako napadpad.

Si Seul?

Nauna ng umuwi eh. May delivery pa daw sila, kaya humabol ito.

Napabuntong hininga na lang ako.

Alam ko ang ginagawa ninyo ni Seulgi.
Sabi ko kay Lisa

Sorry, hindi talaga ako pumayag sa ganitong set up. Pero makulit kasi si Seulgi. Alam ko namang siya ang gusto mo, obvious naman yun. Kung maaari sana sakyan nalang natin ang trip niya? Hindi naman kita pipilitin kung talagang ayaw mo.

Mabuti naman at nagkakaintindihan kami ni Lisa.

pasensiya kana. Tugon ko na lang

I understand. Baliw lang talaga ang kaibigan natin. Sagot naman niya

Saan ka ba pupunta? Uuwi kana ba?
Pag iiba kona lang ng paksa

Sa palengke. Kailangan ko pang tulongan si Mama at Papa. Pinasusundo ka lang talaga niya sakin bago ako umalis ng campus.

Idadaan na kita.

Tumango naman ito.

Nang makababa si Lisa ay dumiretso muna kami sa Motorshop na pinakamalapit. Naaawa na kasi ako sa motor ni Seulgi, minsan nahirapan na din itong paandarin yun.

Si Seulgi yun Manong di ba?

Opo Maam.

Sige dito na lang sa tabi Manong. Titingnan ko muna kong ano ba ang sinisilip niya.

Nakita siya namin sa labas ng Motor Shop.
Hanggang sa pumasok ito. Mukhang nag iinquire ito sa loob. Kakakuha lang niya kasi sa wakas ng Driver's License.

Umalis na din ito kaagad pagkatapos magtingin tingin sa loob.

Good afternoon Maam. How can i help you?
Bati ng staff

Good Afternoon din po. Ahm, itatanong ko lang sana if ano ba yong pinunta ng kakaalis lang na costumer ninyo?

Ahh. Yong naka leather jacket po ba Maam?
Tumango naman ako

Nagtingin tingin siya ng motor na papasok sa budget niya. Pero sa kasamaang palad, hindi po kasya yong pera ni Maam kaya babalik na lang daw po siya Maam pag naabot na niya ang SRP.

Ganun po ba. Ano po ba dito ang dapat na bilhin niya?

Yong hinahanap niya is yong pinakamura po Maam. Pero sa tingin ko mukhang ito yong nakacaught ng interest ni Maam kanina dahil heto yong tinanong niya if ano ba yong specs out of all the our model here.

Lumapit naman ako at tiningnan yong sinabi ng staff.

Bagong modelo po ba to?

Yes Maam. As matter of fact wala pa pong tagadito ang nagmamay ari niyan.

Believe In Love ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon