CHAPTER 15

42 1 0
                                    

LISA

Maraming katanungan sa isipan ko ngayon. 3 days na kasi na hindi nagpapakita si Jennie eh. Kaya parang alam ko na na may mali.

Nag iisa ka ata dito Ate.

Ikaw pala Tzuyu.

Bakit andito ka sa labas?

Hindi naman ako feel ng jowa kasi kaya bakit ko pa isisiksik ang sarili ko.

Napatingin na din siya kay Irene.

Ang taray nga niya. Palapit palang
Ako sa kanila tinaasan niya na ako
Kilay tapos tiningnan pa niya ako
Mula ulo hanggang paa.

Huwag ka na lang munang
Lumapit kay Seulgi. Baka
Mag away lang silang dalawa.

Akala ko talaga noon si Ate
Jennie ang Girlfriend ni Ate
Seulgi, ano bang nangyari te?

Akala ko din. Pero wala tayong
Magagawa, si Irene talaga ang
Gusto ng Ate Seulgi mo.

Pinipigilan ko nga lang si Daniel
Eh, gustong sumbatan ang Ate niya
Kako patapusin na lang muna yong
Lamay at maraming tao. Nakakahiya

Napabuntong hininga na lang ako.

Tapos pinagbubulongan sila kung
Bakit andito daw ang isang Bae.
Parang wala daw respeto si Ate
Seulgi sa kaluluwa ng Nanay niya.

Hayaan mo na lang ang chismosa.
Yan ang hobby nila.

Pero my point din kasi sila Ate.
Kalaban ni Tita Amelia ang pamilyang
Yun, bakit yong anak pa yong nagus
Tuhan ni Seulgi kasi. Buti sana
Kung mabuting tao. Eh ni hindi
Ngumingiti. Tapos kung makatingin
Masyadong nanghuhusga.

Hindi ko masasagot yan. Basta
Ang alam ko lang ng magustuhan
Ni Seulgi si Irene hindi namin
Alam na siya pala ang panganay
Na anak. Pano ko namab pipigilan
Ang puso ni Seul? Kung ako lang
Mas okay pa din si Jennie.
Down to earth pa

Oo nga eh. Kahit minsan mataray
Kung makatingin.

Ganun lang talaga yun. Pero
Isa siya sa pinakamabait na
Taong nakilala ko.

Boto kaya si Tita Amelia kay
Ate Jennie. Pag wala si Ate
Seulgi tapos kami lang ang
Andito bukamnibig niya parati
Kung gano ka down to earth,
Magalang, marespeto, tapos
Inaalagaan daw si Seulgi. Pero alam
Mo ba ate, nalungkot siya noong
Hindi na sila nagpapansinan

Talaga? Alam din pala ni
Tita na hindi na nagpapansinan
Si Seul at Jennie?

Oo noh. Tuwing may okasyon di
Ba hinahanap niya si Ate Jennie?
Noong una okay pa, pero kalaunan
Nagets na niya. Eh tagakabilang
Bakod lang naman si Ate Jennie tapos
Ni hindi makagawi rito. Tapos
Nagpupunta lang siya pag alam niyang
Wala si Ate Seulgi. Noong Birthday
Tita di ba kami lang noong umaga?
Yong cake tsaka relo galing yun
Kay Ate Jennie. Tapos yong huling
Birthday yong bagong motor sa tubig
Na dinagdag nila sa irigasyon.

Believe In Love ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon