CHAPTER 59

22 0 0
                                    

WENDY

Kakatapos ko lang magshower dahil nag general cleaning ako sa kwarto ko. Day off ko kasi ngayong araw.

Seung Wan.

Oh. Ang aga mo ata ngayon.

Pumasok na si Seulgi sa kwarto ko ng makitang nagbloblower ako ng buhok.

Darating si Joohyun eh.

Ah kaya pala. So, ngayon na ba ang tamang panahon? Tanong ko

Hindi pa. Ewan ko ba kay Tito. Bakit natagalan sa pag aayos ng mga papers.

Ano ba kasing papers ang inaayos? Sigurado ka bang inaayos niya? Parang hindi mo naman kilala ang ama ng syota mo. Mas busy pa yun sa mga chix kesa sa company nila.

Malamang. Baka nga. Ayoko ding manguna dahil baka pumalpak pa. Hindi naman ako nagmamadali. May 3 taon pa bago ako mag trenta.

Wala naman sa edad yun. Pero tama ka naman huwag mo na lang muna pangunahan. Pero engage lang naman couz. You can be engage forever naman.

Sa tingin mo ba tatanggapin ni Joohyun?

Napatingin naman ako sa kanya.

Ano'ng klaseng tanong yan Seulgi? Si Joohyun ba talaga ang nagdadalawang isip or ikaw?

Nahiga naman ito sa kama ko.

Don't tell me dinadaga ka pa? C'mon Seulgi, ano pa ba ang dapat gawin ni Joohyun para patunayang mahal ka niya. Hindi mo na dapat kinikwestyon yun. Wala ka bang tiwala kay Joohyun?

Hindi naman sa ganun Couz. Pero lately kasi parang may iba.

Tumayo na ako at lumipat na din sa kama.

May iba? Paki explain nga. Tao ba to?

No. No. Hindi tao ang tinutukoy ko. Parang.. ahhhhh. Pano ko ba eexplain to.

Sabihin mo na lang. I'll try to understand.

Umayos muna ito sa pagkakaupo. Mukhang may bumabagabag nga sa utak ng pinsan ko.

Medyo ano kasi. Ahhhm. Parang cold?

Give me an example para matulongan kitang intindihin. Mahirap talaga pag LDR Seulgi, nakakapraning noh. Tugon ko

Parati siyang galit. Alam mo yong nag uupdate lang naman ako like i used to, pero nirereplayan niya ako ng hindi ka ba nagsasawa na ganyan na lang parati ang tinitext mo?

Natawa naman ako.

Ano'ng cold dun? Ano bang nirereply mo pag ganun ang sinasabi niya? Tanong ko

No comment.

Nawala bigla ang ngiti sa labi ko. Tangina.

Bopols ka talaga noh?

Napakunot noo naman siya sa sinabi ko.

Ano ba dapat e reply ko dun?

Di sana tanungin mo naman kung ano ba ang gusto niyang gawin mo. Andami naman kasing meaning ng sinabi niya.

Nagkamot na lang ito ng noo niya. Alam kong hindi niya ako nagegets

Baka ibig niyang sabihin kasi, Seulgi yan lang ba ginagawa mo diyan? Hindi ka man lang ba lumalabas? Nag eenjoy? Naglalakwatsa? Etc?

Di sana ganun ang tinext niya sakin para nagets ko.

I can't with her.

Parati naman kayong nag VVC di ba? Tanong ko

Believe In Love ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon