CHAPTER 28

28 2 0
                                    

WENDY

Me and my Big Mouth. Ang awkward na tuloy. Pareho na silang galit.

Ganyan pala kababa ang tingin mo sakin?
If parausan ka lang sana araw araw kitang ginagamit! Sagot din ni Seulgi

A simple sorry. Yun lang ang hinihintay kong sabihin mo pero napakataas ng ego mo. Ngayon ko talaga pinagsisihan yong kagagahan ko noon.
Malungkot na sabi ni Jennie

Mukhang iiyak na din ito.

I even forgot na masyado ka palang insensitive. Bakit pa ako nag expect na magsosorry ka? Bakit ko ba naisip na magkakaayos pa tayo, manhid ka palang talaga.

Nang hindi na sumagot si Seulgi

I'm sorry pero mauuna na ako. Goodnight Wendy and Lisa. Sabay walk out niya

Masaya na kayo? Biglang bwelta samin ni Seulgi

Tinutulongan ka naming makipag ayos sana pri eh. Pero bakit ba napakataas ng pride mo. Sagot ni Lisa

Akala ko ako ang insensitive dito. Hindi niyo ba nahalata na kahit ano'ng gawin niyo hindi na kami magkakaayos pa? Stop interfering, kasi lalo lang lumalala eh.

Umalis na din si Seulgi.

Wala na talagang chance yang pinsan mo. Imbes na humingi ng pasensiya, nanunbat pa. Sabi ni Lisa sakin

Tama naman siya Li. Hayaan na lang natin silang dalawa na umayos. Kasi parang lalong gumugulo pag nagpapagitna tayo eh. Alam naman nating mahirap sabihan si Seulgi.

Kakapikon din kasi minsan eh. Pano natin siya matutulongan kung ayaw namang magkwento kung ano ba talaga ang nangyayari. Mas gusto niyang sarilinin na lang ang lahat. Ano maghihintay lang tayo kung kelan siya sasabog?

Alam naman siguro niya ang ginagawa niya. Relax. Maghintay na lang tayo at maging referee sa kanilang dalawa. Pasasaan ba't magkakaintindihan din sila at magkakaayos. Hindi palang ngayon ang panahon.

Mukhang galit din ang isang to.

So may nangyari pala talaga sa kanila?
Na excite na naman ako

Tumawa na si Lisa. Tama ng yong dalawa na lang ang badtrip

Matagal ko ng iniisip yun. Ayaw ni Seulgi umamin, pero ngayon mismong si Jennie pa ang nagsabi. Swerte ng gagong yun. Ikaw ba nakatry ka na? Tanong niya sakin

Hindi pa noh. Ikaw?

Hindi din. Saan naman ako mamumulot ng babae.

Hindi ba kayo ni Atty.?

Napakunot noo ito.

Saan mo naman nakuha yan? Magkaibigan lang kami noh.

Akala ko si Seulgi lang ang manhid dito.

Iniwan ko siyang nag iisip. Napailing na lang ako habang pababa ng hagdan. Sa baba kasi ang kwarto ko.

Magiging tensyonado na ang mga susunod na kabanata namin dito sa bahay ng mga Kim.

Alas 9 ng magising ako. Wala naman akong lakad kaya naghilamos lang ako. Maingay sa taas, andun na siguro yong mga kateam nila.

Morning.

Morning. Busy ata kayo.

Yeah. Alam mo na nahati kami sa dalawang team ngayon para sa prototype kaya medyo tensyonado sa taas.

Gising na ba si Engr. Kang? Tanong ko kay Joy

Yeah. Parang hindi maganda ang gising kaya medyo nag iingat kami. Baka biglang bumuga ng apoy. Ang dilim ng mukha. May nangyari ba?

Believe In Love ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon