CHAPTER 08

44 1 0
                                    

JENNIE

I am so happy. Kahit medyo nahihilo ako ng magising ako ng 11am, keri lang.

Kamusta naman ang party ng kaibigan mo anak? Tanong ni Mommy

Okay naman Mom. Family gatherings lang tapos dalawa kaming kaibigan niya ang bisita.

Sino na nga yong friend mo?

Si Chaeyoung.

Sorry Rosé.. sabi agad ng utak ko

Invite her nextime para naman makilala namin ang mga kaibigan mo.

Okay Mom.

May inuman ba? Tanong naman ni Dad

Konting inuman. Hindi naman kami sanay kasi kaya tikim tikim lang.
Palusot ko na naman

Mabuti naman at marunong kang kumontrol. Hirap kasi sa mga beginner, yong tinitest talaga nila yong kapasidad ng alcohol tolerance nila. Sabi pa ni Daddy

Ayoko ng uminom ng Rhum Dad. Ampait tapos ang init pa.

Try Beer next time. Mas light lang. Yong pa chill lang.

Okay.

Kunyari di ba. Pero kami yong umubos ng alak.

May lakad ka ba mamaya?

Bakit po Dad?

Birthday ng Auntie mo. May Dinner sa kanila.

Pwede bang magpass?

Bakit? Inaway ka na naman ba ng Ate Irene mo? About your friendship with that Kang?

Ano pa nga ba. Ayoko lang mabadtrip ngayon. Mas gugustuhin ko pang magkulong sa kwarto ko.

Sinasabihan ka lang naman.
Sabat ni Ate Jisoo

Ate, hindi na naman ako bata. Alam ko na naman ang ginagawa ko. Tsaka away ng Parents nila yun, wala naman akong kinalaman dun so why interfere with my life di ba? As if naman Bad Influence si Seulgi.

Tama na yan. Pero dito ka lang sa bahay ha. Baka kung saan kana naman pumunta.
Saway ni Daddy

Promise dito lang ako. Kahit na pabantayan niyo pako dito. Hindi ako aalis.

Tumango naman si Daddy.

Gagabihin ba kayo dun Dad?

Bakit?

Eh kung maaga naman kayo ipagbalot niyo na lang ako Tteokbokki ni Uncle.

Sinasabi ko na nga ba at yan ang sasabihin mo. Pero baka gabihin kami ng uwi. Papadalhan na lang kita sa Driver.

Salamat po.

Tinapos ko muna ang mga school works ko.
Wala akong natanggap na mensahe galing may Seulgi kaya napasilip ako sa bintana.

Wala ang motor na bigay ko.

Siya kaya ang gumamit?

Hey. Gising kana ba?
Text ko sa kanya

Nasa bayan ako. Why?

Ano'ng ginawa mo diyan?

Naniningil. Punta pa ako sa
Kabilang bayan mamaya.

May naisip akong idea. Mabilis akong lumabas ng kwarto.

Believe In Love ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon