KIM'S RESIDENCE
Naghahanda na ang mag anak para magsalo sa hapunan.
Kanina ka pa ngiting ngiti diyan Jennie. Sino ba yang katext mo? Sita ng Daddy niya
Classmate ko po. May debate kasi kaming project and nagdedebate kami ngayon. For further references.
Nagkatinginan naman ang mag asawa.
Masyado naman atang masaya ang anak mo para sa debate. Mahinang sabi ni Mr. Kim
Ngayon nga lang ako nakakita ng debate na kinikilig. Hayaan mo na lang ang anak mo, dalaga na yan. Normal lang sa edad niya ang kiligin. Sabi naman ni Mrs. Kang
Syanga pala Ruby Jane. Tawag ulit ni Mr. Kim
Yes Dad.
Ayokong nakikipagclose ka sa anak ng magsasaka.
Napaangat naman ng tingin si Jennie.
Magsasaka? Sino?
Yang mga Kang. Yong sa kabilang bahay.
Bakit naman po?
Nagtataka pa din si JennieMagkaaway sila ng mga Bae. Kaya para walang gulo, lumayo na lang kayo.
Ano naman po ang connect nun Dad?
Naging curious na si Jennie kaya binaba niya na ang Cellphone niyaOo nga naman Dad. Iba naman tayo, iba din sila. Hindi porket hindi sila magkasundo ganun din tayo. Kilala mo naman yang kapatid mo, masyado lang talagang matapobre. Sabi ni Mrs. Kim
Oo nga naman Daddy. Iba ka naman kay Auntie Suzy. Sang ayon din ni Jisoo
Ayoko lang na may masabi sila. Ang Auntie niyo ang tumulong satin para makapasok tayo sa community nila.
Dad, kahit naman hindi tayo tinulongan ni Auntie, papasa naman tayo. Kayo lang yong nagmadali sa paglipat. Sagot naman ni Jisoo
Kahit na. Sabi pa ng Daddy nila
Daddy, kaibigan ko na ngayon ang isa sa kanila. Hindi naman sila masamang tao.
Pagtatanggol naman ni JennieBasta lumayo kayo. Tapos ang usapan..
Napabuntong hininga na lang si Jennie.
-----
KANG'S RESIDENCENag iinventory na sila ng kinita nila ngayong araw. Sa susunod na araw na naman sila magdedeliver.
Hoy Seulgi. Tawag ni Mrs. Kang
Bakit Nay?
Sagot naman ni Seulgi na busy sa kakapindot sa calculatorAno itong nabalitaan ko sa palengke na may naghatid kay Lisa na nakakotse? At sabi eh yong bago ditong lipat.
Natawa naman si Seulgi.
May bagong lipat ba dito satin Nay? Parang wala naman.
Siraulong batang to. Bakit ka natawa? Ni hindi mo man lang ba nakita yong naghahakot ng gamit diyan sa kabila?
Kabila? You mean dito sa bahay ng mga Sy? May nakatira na?
Oo. Diyan daw nakatira yong may ari ng kotse.
Napaisip naman si Seulgi. Si Jennie? Tsaka si Yeri? Kapitbahay ko??
Hindi nga?
Binato naman siya ng Nanay niya ng repolyo.

BINABASA MO ANG
Believe In Love ( Tagalog )
Ficción GeneralPano mo ba malalaman kung kelan ka dapat bumitaw? Pano mo ba malalaman kung siya na ba talaga? Ano ba ang mas matimbang? Respeto.sa sarili? Or respeto sa partner mo. Tama bang isakripisyo mo ang career mo ng dahil sa pait ng nakaraan? Gano ba kaimp...