CHAPTER 64

22 1 0
                                    

SEULGI

Ilang damit lang ang inimpake ko dahil tatlong araw lang naman kaming magbabakasyon. Wala akong choice kundi samahan si Engr. Deanna Wong. Isa siya sa mga matagal ng Engrs. Dito sa Sydney Australia.

Kuya mo ba ang kausap mo Seul?
Tanong niya ng madatnan akong may kavideocall

Oo. Kinakamusta ko dahil kakabreak lang nila ng jowa niya na nasa pilipinas. Mukhang hindi para sa kanila ang LDR.

Ganyan talaga. Iilan lang talaga ang kaya ang ganitong sitwasyon lalo at hindi pa sila mag asawa. Ready kana ba? Kailangan na nating bumiyahe pa airport at baka mahuli tayo.

Oo. Okay na ako.

6 kaming Engineers na puro pinoy ang nakikihati sa iisang bahay. Dalawang kwarto lang yun kaya naka bunkbed lang kami. Dahil kami lang ang babae ni Deanna, dalawa lang kami ang umookupa sa isang kwarto.

Walking distance lang yun sa Kumpanyang pinagtatrabahuan namin kaya nakakasave kami sa Transportation.

Sigurado ka bang okay lang sa jowa mo na isasama moko sa Event nila? Usisa ko ng nasa eroplano na kami

Mas gusto pa nga niyang may kasama ako dahil magiging busy naman siya all throughout ng event. Isa tayo sa mga special Guest ng event na yun. Kaya chill lang Engr. Kang, hindi tayo gatecrasher.

Isang Kilalang Event coordinator ang asawa ni Deanna. Dun na sila kinasal sa Australia at naging mag asawa sa loob ng 4 na taon. Kung saan saan na napapadpad ang asawa niya dahil kilala ito sa profession na napili niya.

Malayo ba ang Venue sa mismong city? Usisa ko

Malayo ata. Parang 2 to 3 hrs. Ang layo. Bakit? May kilala ka ba sa New Zealand?

Wala naman. Curious lang ako sa mukha ng New Zealand. First time ko kasing makatapak dun.
Sagot ko

Yaan mo. Pagdating natin mamaya, event na naman kaagad, tanungin ko si Misis if pwede tayong magpunta sa mismong city ng New Zealand bukas.

Ayos lang naman Dean sakin kahit saan. Salamat nga pala sa pagsama sakin ha.

Oo naman. Wala naman akong ibang kaclose kundi ikaw kahit na bago kapa lang. Alam mo naman ang reputasyon ko sa opisina. Di ba ako ang pinakamayabang at pinakamahangin dun kaya ayaw nila sakin.

Hindi ka naman mayabang ah. Masyado ka lang prangka kaya siguro namiss interpret lang nila yong pagiging vocal mo. Isa pa tama naman ang mga opinion mo, may basehan ka naman. Ayaw lang nila sigurong napagsasabihan sila or ayaw lang nilang aminin na tama din kasi ang point of view mo.

Sa tagal ko na dun sa kumpanya Seul ikaw palang ang nakaintindi sakin. Salamat ha. Lalo na sa tiwala mo sakin. Tugon niya

Magaling kana man talaga kasi. Kaya nga sumisipsip ako sayo eh.
Pagbibiro ko

Sus. Iba din ang galing mo. Nakita ko yong Draft mo sa bahay ng isang kliyente natin, bilib na bilib kaya ako. Ang likot din ng imagination mo eh. Bagay ngang ikaw yong kinuhang Engr. Ng mag asawang yun, nagkaintindihan talaga kayo sa isang unique style na bahay.

Natatawa pa din ako kapag naalala ko yong first project ko dito. Sa maniwala ka at sa hindi Deanna, sinakyan ko lang talaga ang imagination nila, kahit si Architect James nalula sa gusto ng dalawang yun. Tinanong nga ako kung pano ko daw ba na visualize yong dream house nila. Sabi ko na lang pareho kasi kaming may saltik sa utak kaya naintindihan ko.

Buti nga at si Architect James yong katrabaho mo eh, pag si Architect Key yun naku magkakagulo lang kayo. Magulo din kasi ang imagination nun.

Napailing na lang ako. Iba din talaga ang gulo ng utak ng mga Australiano. Minsan napapaisip ka na lang kung mga normal ba silang tao. Pero habang tumatagal naman ako dito nagegets ko na sila.

Believe In Love ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon