CHAPTER 68

19 0 0
                                    

DEANNA

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Jema sa kabilang linya.

Pero hindi mo din mapipilit si Seulgi na magstay diyan if hindi talaga bukal sa loob niya.

Pero Babe, may kontrata kami dito. Iba naman ang trabaho sa personal issue nila eh. Hindi naman tama na siya yong susuko eh wala naman siyang kasalanan sa mga toh. Sila nga ang may atraso eh. Sagot ko

Andun na ako Babe. Pero sariwa pa kasi ang sugat sa puso ni Seulgi eh. Minsan kasi kahit ano'ng tapang mo, ano'ng tatag mo. Susuko at mapapagod ka din. Kung anuman ang maging desisyon niya, repetuhin mo na lang bilang kaibian niya. Kasi wala tayong alam kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila. We never judged them Babe.

Napatango na lang ako.

See you next Monday. Dadalawin kita diyan, may meeting ako with Mr. Haruto Sato.

Talaga Babe? Okay. Magpapaalam ako kay Seulgi na magday off muna ako.

Okay. See you Babe. I have to go now. I miss you, I love you.

I love you too.. ingat ha.

Napatingin naman ako kay Seulgi na kausap ang foreman at si Architect Bae. Sisimulan na din kasi yong bagong Barn, tsaka isang Apartment type na bahay para sa mga tauhan dito dahil dumadami na ang mga pinoy na staff dito sa Rancho.

Seulgi pwede ba tayong mag usap?
Napatigil ako sa paglapit ng marinig ko ang sinabi ni Architect

Pwede ba if hindi naman tungkol sa trabaho huwag mo kong kausapin?

Bigyan mo kasi ako ng chance na mag explain.

Ano ba ang dapat na eexplain Architect?
Sawang sawa na ako sa mga kasinungalingan mo. Tantanan mo ko pwede? Hindi mo ba nakikita na marami pa akong gagawin?

Dinaanan lang ako ni Seulgi. Deretso lang itong pumasok sa tent na itinayo para may masilungan kami sa site.

Naaawa man ako kay Architect pero wala din akong maitulong kasi. Wala akong alam sa tunay na nangyari. Baka magkatampuhan pa kami ni Seulgi if makialam kasi ako.

Hinayaan ko na lang siya. Nagpunta na muna ako sa kabilang site. Ayoko na lang talaga mag react.

Ahm, Hi Engr. Asan si Engr. Kang?

Ikaw pala Miss Lee. Bakit?

May niluto kasi kaming ginataan. Naparami eh. Baka gusto ni Engr. Kang.

Andun siya sa kabilang Tent. Para lang ba sa kanya? Tanong ko

Tumango naman ito. Napatango na lang din ako. Napaka insensitive naman. Hindi man lang nahalata na gusto ko din.

3 weeks palang kami dito pero parang marami na atang fans si Seulgi na nagtatrabaho sa Kumpanya nila Jennie.

Mag aalas kwatro ng bumalik na ako sa Tent. May ginagawa naman si Seul sa laptop niya.

Wala na bang ginataan? Tanong ko

Hindi ka ba binigyan? Akala ko meryenda natin yun.

Tsktsk. Isa ka ding manhid. Bulong kona lang

Kinuha kona lang din ang laptop ko at tiningnan ang mga emails na kailangan kong replayan.

Kumain na ba kayo?
Biglang sulpot naman ni Architect Bae

Hindi pa. Sagot ko

Tahimik naman si Seulgi.

Nagluto ako ng carbonara. Sana magustuhan ninyo.

Believe In Love ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon