CHAPTER 26

21 1 0
                                    

LISA

Tuwang tuwa talaga ako sa mga banat ni Seulgi. Natameme yong isang Engineer eh.

Idol talaga kita Pri.
Ilang beses ko na yong sinabi sa kanya

Magkasama kaming tatlo sa kotse niya pauwi na dahil ginagawa nga ang bahay nila.

I am so proud of you Babe. Pero napasubo ka ano? Wala ng atrason to.

Talagang wala na. Challenge accepted na kasi. Pero saan mo naman gagawin ang flat prototype? Eh nasa kanila yong buong design.

Di dun kana lang muna sa bahay nila Jennie babe.

Seryoso ba si Joohyun sa suggestion niya? Iba din, matapang ito. Paglalapitin niya ang dalawa, naku naku. Sana hindi ito magsisi sa huli.

Kailangan bang doon ako Babe?
Tanong ni Seulgi

Alangan kasing magbase ka lang sa Drive. Iba pa din pag nakita mo yong lahat ng detalye.

Pero isang buwan yun Joohyun.

Ano naman. Kaya ko namang bantayan ang trabahador sa bahay ninyo. Try lang nilang pumalpak sa mismong harap ng Boss nila.

Di ba nakakahiya kay Jennie?

Bakit naman nakakahiya? Under kana sa kanya ngayon, wala siyang choice. Tsaka kasama mo naman si Lisa na gagawa dun. Ako na ang bahala sa Kuya mo at Kay Daniel. Hahanapan ko sila ng Boarding House malapit sa Taniman ninyo para dun naman sila mag supervise.

Napasubo na nga talaga ang kaibigan ko.

Ibaba mo na lang ako diyan sa crossing Pri. Magpapaalam muna ako kina Mama at kukuha na din ng gamit.

Hintayin kana lang namin. Sagot ni Irene

Huwag na Madame. Mamaya pako babalik.

Madame ka diyan. Sige. See you.

Ayos. Ingat kayo.

Kumaway ako ng umandar na ang mga ito.
Tatawid sana ako ng businahan ako ng kotse. Mukhang si Rose anne ito.

Uuwi ka ba?
Kasama pala niya si Jennie

Yes Maam. Mag iimpake ako ng gamit.

Sakay na. Dadalaw ako sa inyo. Sagot ni Jennie

Sasakay pa kasi ako ng tricycle pauwi.

Bakit hindi ka nagpahatid sa mayabang mong Bestfriend?

Napangiti na lang ako

Aminin mo nagalingan ka din sa first love mo. Tukso ko

Ang yabang kaya ng dating.

Tama naman lahat ng sinabi niya. Kahit yong Boyfriend mo bilib na bilib eh. Ay, syanga pala Jen dun daw kami titira sa yo?

Wala akong choice. Nasa bahay ang blueprint. Hindi ko pwedeng basta na lang iwan kong kanino. Kahit pa gawa nila yun.

Nice. Makakatapak na din ako ng Manila.

Li. Tawag niya

Bakit?

Nasa harapan na kami ng bahay kaya bumaba muna kami.

Oh. Jennie ikaw na ba yan?

Opo Tita. Magandang hapon po.

Ang ganda mo lalo ngayon. Hindi pa kita nakilala noong una. Halika pasok. Atty.

Good afternoon po. Bati naman ni Roseanne

Believe In Love ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon