JISOO
Nasa coffee shop kami ni Roseanne.
Hayaan mo na lang si Jennie. Baka ito talaga ang need niya.
Nagiguilty lang kasi ako.
Nagtaka naman ito.
Bakit naman?
Hindi niyo ba nahalata kung bakit lumalayo si Seulgi kahit na iisang grupo lang kayo?
Lalo itong napakunot noo.
I was the one who told her na layuan si Jennie.
Muntik pa itong mabulunan.
Don't think that i am a Monster of a sister Chaeyoung. Kaya ko lang nagawa yun noon dahil i just want to protect her. Kasi alam ko noon na dinidiskartehan ni Seulgi si Irene, tapos ang kapatid ko umaasa na baka mahalin din siya ni Seulgi alam kong imposibleng mangyari yun. Kaya nagawa ko yun dahil nakita ko siyang nasasaktan, yong feeling na nakita ko siyang halos mamalimos ng atensiyon. Masakit yun sakin bilang kapatid niya.
So, you mean na hanggang ngayon hindi bumibitaw si Seulgi sa kasunduan ninyo?
Kaya ganito ang nangyayari?I guess so. Mataas ang respeto ni Seulgi sakin bilang kapatid ng kaibigan niya. I force her to stop communicating with Jen ng andito na kami noon sa Manila. I never thought na may isang salita pala siya, akala ko nga noon secretly silang nag uusap. Behind my back pero hindi pala. I saw how Jennie is suffering ng minsang magkatampuhan sila, noong una hindi ako nakialam dahil nakikita kong masaya naman ang kapatid ko sa ginagawa niya. Pero ayoko lang kasi na parang feeling ko ginagamit lang siya ni Seulgi noon.
What? Ginagamit? What for?
Tanong niyaHuli ko na kasi nalaman na mayaman din pala ang Pamilya Kang. Sinabi sakin ni Daddy, kaya noong una akala ko she's just after Jennie's money.
Oh my God! React ni Chaeyoung
I know. Naging unfair ako noon. Masyado akong naging judgemental just because i thought normal farmers lang sila. I am sorry for thinking that way, masyado lang akong nabulag noon dahil kay Auntie Suzy.
Malaki ang atraso mo sa kanila. Naku.
Kaya nga nagiguilty ako eh. Feeling ko ako ang may kasalanan ng lahat ng to. Kung bakit nasasaktan ang kapatid ko. Kung hindi ako nakialam siguro naging matibay ang pagkakaibigan nila. I kept this secret dahil alam kong magagalit lalo si Jennie sakin.
Malamang. Mas mabuti ng huwag mo na lang sabihin Jisoo. Lalo at malala na ang nangyayari. Nagkalimutan na silang dalawa.
Napamaang ako.
Nagkalimutan? What do you mean? Tanong ko
Di ba doon natulog si Jennie samin mga a month ago i think? She's so depressed that time, iyak siya ng iyak, lasing na lasing siya. Hindi ko alam na kinontak pala ni Joy si Lisa, so Sumunod dun si Lisa kasama si Seulgi. Nailabas niya lahat ng sama ng loob niya kay Seulgi. Dahil nga lasing na lasing siya. Ayun, hiniling niya kay Seulgi na isipin na lang nilang hindi sila close, na hindi sila naging magkaibigan noon, na employee/employer lang ang relasyon nila. Kaya kung hindi mo alam, hindi na nagpapakita si Seulgi sa office. Lahat ng kailanagng papirmahan kay Jennie si Lisa ang nagdadala.
What? Hindi pa din siya nakamove on kay Seulgi? Tanong ko
Nope. Mas lalo siyang nafall.
Kumirot bigla ang sentido ko. Sinasabi ko na nga ba, iba ang kinikilos niya ngayon.
Kaya pala siya aalis. Tugon ko
![](https://img.wattpad.com/cover/312702776-288-k474618.jpg)
BINABASA MO ANG
Believe In Love ( Tagalog )
Ficção GeralPano mo ba malalaman kung kelan ka dapat bumitaw? Pano mo ba malalaman kung siya na ba talaga? Ano ba ang mas matimbang? Respeto.sa sarili? Or respeto sa partner mo. Tama bang isakripisyo mo ang career mo ng dahil sa pait ng nakaraan? Gano ba kaimp...