LISA
Nagmamadali na akong maligo at magbihis. Graduation kasi ngayon ni Jennie. Kami ni Seulgi naman my isang taon pa.
Ma, Pa! Aalis na me!
Sige anak. Ingat U!
Natawa na lang ako sa sinagot ni Mama. Mabilis na akong naglakad.
Gago! Nagulat ako ng biglang may bumusina
Sakay na.
Gago ka talaga! Aatakihin ako sayo sa puso eh. Mabilis na akong umangkas sa motor
Aattend ka pala? Akala ko ba pinagbawalan ka na ng Ate niya?
Hindi naman ako magpapakita. Wag mo na lang ipaalam.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa school ground.
Sige na. Doon na ako sa malayo. Huwag mo na akong hanapin mamaya ha. Syanga pala pri. Pakibigay. Sabihin mo na lang na galing sayo.
Sige. Sigurado ka ba Pri? Tanong ko
Oo. Sige na. Bilis, alis na.
Mabilis naman akong naghanap ng pwestong makikita ko si Jennie. Nagalit pa yong iba dahil sumiksik talaga ako para makapunta sa harapan.
Ruby Jane!!! Tili ko
Ngumiti naman ito kaagad ng makita ako. Kumakanta na sila ng Graduation Song kaya pwede ng magsisigaw.
Excuse me, Excuse Me.
Mabilis akong lumapit sa kanya ng matapos na ang programaCongratulations! For you.
Wow ha. Thank you. Nag abala ka pa talaga.
May tinitingnan ito sa likuran ko kaya napalingon din ako, pero wala naman akong nakitang kilala ko.
Ikaw lang?
Oh, she was expecting someone.
Oo eh.
Pinilit naman niyang ngumiti.
Halika, sama ka sa bahay. May konting salo salo dun.
Naku huwag na. Nakakahiya. Baka mapagalitan ka. Agad kong sabi
Ano ka ba, halika na. Hanapin muna natin si Roseanne. Doon pa siya sa kabilang side.
Nagpahila na lang ako. Hindi niya ako binitawan kahit na nakita na namin si Rosé at Pamilya niya.
Sasama ka ba sa bahay nila Jen? Tanong ko kay Roseanne
Yes. Bukas naman yong akin. Pakisabi naman kay Seulgi, baka feel niyang makikain.
Sige sabihin ko. Pero hindi ako mangangako ah. Pero ako, promise darating ako.
Sinabi mo yan ha. Basta punta kana lang ng 3pm. 4 pa naman yong party pero baka mahiya kang pumasok pag nagpahuli ka.
Makapal ang mukha ko don't worry. Basta kainan, nawawala ang hiya ko.
Natawa naman ito. Pero totoo yun. Basta kainan, bahala na si Batman.
Hinanap ko sa Crowd si Seulgi. Muntik ko pa siyang hingi makilala dahil nakacap at shade ito. Buti nalang kilala ko yong Cap niya, syempre regalo ko yun sa kanya.
Sumenyas akong kakain sa bahay nila Jennie. Tumango naman ito. Sumenyas din siyang mauuna na. Tumango din ako.
Nagulat pako ng paglingon ko, nakatingin pala si Jennie sakin. Nagkunwari na lang akong ini exercise ko ang mga braso at leeg ko.
BINABASA MO ANG
Believe In Love ( Tagalog )
General FictionPano mo ba malalaman kung kelan ka dapat bumitaw? Pano mo ba malalaman kung siya na ba talaga? Ano ba ang mas matimbang? Respeto.sa sarili? Or respeto sa partner mo. Tama bang isakripisyo mo ang career mo ng dahil sa pait ng nakaraan? Gano ba kaimp...