DEANNA
Kanina pa umiinit ang ulo ko. Tumawag kasi ang Head Office namin at nagtatanong kung totoo bang babalik na si Seulgi dun.
Babalik ito dun hindi para tumanggap ulit ng trabaho kundi liligpitin ang mga gamit niya.
Isa sa rules ng Company ang bawal mag breah of contract dahil magbabackfire ito sa kumpanya kaya if mangyari yun automatic termination ang hatol dun.
Nahihibang kana ba Engr. Kang?!
Hindi na ako nakapagpigil at dun sa tent ko na siya kinumpronta dahil dun ko siya nakitaSensiya na Deanna. Pero final na ang desisyon ko. Magkikita pa naman tayo siguro.
Napakacool pa niya habang ako ang nahahighblood.
Bakit ba kasi? Ano ba ang nangyari? Okay na naman kayo Miss Joohyun!
Napapatingin nalang samin ang mga trabahador, iilan lang naman ang pinoy sa kanila kaya hindi naman maintindihan ng iba
It's not about Joohyun. Kalma ka kasi.
Kalma?! Pano ko gagawin yun? Alam mo ang mangyayari sayo!
Alam ko. But. Ganun talaga.
I can sense na something is not right sa mga kilos niya.
Sino ba ang nagsabi sayong magresign ka? Sa head ba? Dito? Sabihin ko at kakausapin ko!
It's my own desisyon.
Liar! Hindi bagay sayo ang nagsisinungaling Seul kilala kita. Kaya alam kong may pinagtatakpan ka. Bakit hindi ka magkwento. Bakit nagdesisyon kana lang bigla!
Back to work Deanna. May isang linggo pa ako dito kaya mamaya mo na lang ako sermunan. I need to finish some other things before ako umalis.
Pano yong show ni Haruto?
Bakit ka ba andito? Akala ko nakaleave ka? Pag iiba niya ng usapan
Alangan tatahimik ako ng malaman ko ang kagaguhan mong to! Kailangan pa naming bumalik dito agad ni Jema dahil sayo.
Kaya nga aalis na lang ako dahil marami na kayong napeperwisyo ko.
Hindi mo naman kami mapeperwisyo kung hindi ka nagdedesisyon ng ganito eh. Pano ka na ngayon? Akala mo ba may tatanggap pa sayo na ibang firm after this? Seul naman!
Magroroving pako Deanna.
Iniwan niya na lang akong nagpupuyos ng galit. Napabalik na lang ako sa bahay.
Bakit ganyan ang itsura mo? Nag away ba kayo ng asawa mo?
Nakasalubong ko si JoohyunAlam mo na ba na aalis na si Seulgi dito?
Ha?
So hindi niya din pala alam.
Kausapin mo na lang siya mamaya.
Nagwalk out nalang ako dahil ayokong manggaling sakin yong balita.
Nakausap mona ba? Tanong ni Jema ng nasa kwarto na kami
Hindi makausap ng matino! Parang wala lang sa kanyang mawalan ng career! Nagsisisi tuloy ako kung bakit tinanggap ko pa tong project na to kung kapalit naman ay mawawalan pala ako ng kaibigan.
Hindi kana man mawawalan ng kaibigan eh. Tsaka malay mo mas may malalim na dahilan siya.
Hindi kasi yun Babe eh. Mateterminate siya! Madudungisan ang pangalan niya. Do you think magiging madali sa kanya ang makahanap ng kumpanya or trabaho as an Engineer? Hindi! Pwedeng materminate ang licensed niya of sasampahan siya ng kaso ng kumpanya namin.

BINABASA MO ANG
Believe In Love ( Tagalog )
Genel KurguPano mo ba malalaman kung kelan ka dapat bumitaw? Pano mo ba malalaman kung siya na ba talaga? Ano ba ang mas matimbang? Respeto.sa sarili? Or respeto sa partner mo. Tama bang isakripisyo mo ang career mo ng dahil sa pait ng nakaraan? Gano ba kaimp...