MINHYUK
Napagod ako sa kakalinis ng inupahan naming bahay kaya nagpabili ako kay Daniel ng beer.
Kamusta naman ang grades mo? Sure ka bang gagraduate ka? Pagbibiro ko sa kanya
Kuya naman. Nakakahiya naman sa inyo ni Ate kung hindi ako magmamartsa.
Salamat Dan ha.
Nagtaka naman ito.
Salamat san Kuya?
Dahil kahit medyo naging busy kami ng Ate mo at nawalan kami ng oras sa yo naging matatag kang bata. Sagot ko
Hindi ka pa nga umiinom nagdadrama ka na.
Sagot naman niyaNatawa na lang ako sa sinabi niya. Kakabukas ko pa lang kasi at hindi pa ko nakainom
Samahan mo nga ako dito.
Teka lang. Magbibihis lang muna ako. Ako na pala ang bahala sa mga labahin ha. Bumili na naman si Ate Joohyun ng washing machine.
Tumango lang ako. Swerte din namin kay Joohyun na kahit ayaw ng pamilya niya samin, hindi pa din nagsasawang tulongan kami.
Mas kailangan kasi namin ng suporta among other things. Lalo na si Seulgi, maaga itong naging ina samin ni Daniel.
Syanga pala Kuya. Sa susunod na linggo yong bayarin ko para sa Graduation ha. Baka nakalimutan ni Ate. Sayo na lang ako hihingi.
Hinintay ko munang makaupo siya.
Huwag mo ng istorbohin ang Ate mo sa mga pangangailangan mo. Ako na ang bahala sayo habang andun siya sa Manila.
Okay. Hindi naman ako nagtext sa kanya. Sabi ni Ate Joohyun sabihin ko daw sa kanya if i need anything pero nahihiya ako. Kaya sayo kona lang sinabi.
Busy ang mga yun Dan. Lalo na at malaking project itong ginagawa nila. Dumaan ka ba sa atin? Bukas pako dadaan dun. Tanong ko
Opo. Okay na naman daw sila dahil araw araw dumadaan si Ate Joohyun dun. Settle na si Ate. Ikaw Kuya? Wala ka bang balak magkajowa?
Wala pa akong panahon para diyan. Aayusin ko muna tong problema natin. Ang Ate mo na lang parati ang gumagawa ng paraan para satin eh. Nakakahiya na lalo at ako ang panganay.
Wala ka bang nahalata kay Ate, Kuya?
Nagtaka naman ako.
Si Tzuyu lang yong nagsabi sakin nito. Simula daw noong namatay si Nanay hindi pa niya nakikitang umiiyak si Ate. Di ba noon pag may problema siya iyakin yun?
Yun nga din ang concern ko eh. Simula noong mawala si Nanay siya na ang naging panganay. Parati na lang tayo ang inuuna niya. Nakakahiya mang aminin pero naging matatag pa ang Ate mo kesa sakin eh. Masyado niya tayong sinospoil.
Natahimik lang si Daniel na parang may iniisip.
Matanong ko lang to Kuya ha. Pero wala ba kayong balak na iwanan ang Baguio? Iniisip ko lang kasi andaming bad memories dito eh. Parang nakakatrauma ng mamalagi pa dito.
Iniisip ko din yan. Pero andito ang kabuhayan natin eh. Andito ang memories ng mga magulang natin. Do you think kaya nating mabuhay sa ibang lugar? Tanong ko
Andun na yong memories Kuya. Tahimik sa tahimik dito, tapos fresh pa lahat ang mga bilihin. Mura din. Pero parang yong feeling ko is may nagpapaalis satin dito?
Wala naman tayong may inaagrabyadong tao. Tayo pa nga minsan ang nasascam lalo na ang mga pinapautang natin eh. Tapos parang ang unfair lang na tayo pa ngayon ang parang may atraso sa tao.
BINABASA MO ANG
Believe In Love ( Tagalog )
Genel KurguPano mo ba malalaman kung kelan ka dapat bumitaw? Pano mo ba malalaman kung siya na ba talaga? Ano ba ang mas matimbang? Respeto.sa sarili? Or respeto sa partner mo. Tama bang isakripisyo mo ang career mo ng dahil sa pait ng nakaraan? Gano ba kaimp...