LISA
Pagod akong nahiga sa kama ko. Parang hindi ko na maramdaman ang mga binti ko. Dalawang buwan palang akong nagtake over kay Seulgi pero parang bibigay na ang katawan ko.
Pano niya nakakaya ang lahat ng ito? Robot ba yong Bestfriend ko?
Kain na Ate.
Susunod ako Tzu.
Ilang araw na kitang nakikitang palaging inaantok. Hindi ka ba nakakatulog?
Yong tulog ko is sapat naman Tzu. Pero yong katawan ko bumibigay sa pagod sa paglipat lipat ko ng site. Mukhang maaga akong malulumpo.
Narinig kong napatawa naman ito.
Mag exercise ka kasi. Ngayon alam mo na kung bakit nagjojogging si Ate Seulgi every morning?
Si Seulgi yun. Hindi ko kayang gawin yun sa estado ko ngayon. Baka hindi ko namalayan na nahati na pala ang katawan ko dahil bumigay na ang mga binti ko.
Alam mo ba kung nasaan ngayon si Ate?
Tanong niyaOo naman. Ako pa ba. Try lang niyang huwag akong kontakin at lilibutin ko talaga ang buong mundo para batukan lang siya.
Huwag mo na lang sabihin sa iba.
Tumango naman ako. Naiintindihan ko naman na gusto muna ni Seulgi na magsoul searching eh. Kaya kami lang ni Tzuyu ang nakakaalam kung nasaan ba talaga ito.
Sa tingin mo okay na ba si Ate?
Kilala mo ang Ate mo. Matatag yun. Buti na din na malayo siya dito. Mas masasaktan lang siya.
Pero naniniwala ka ba na mahal talaga siya ni Ate Joohyun?
Napabangon na ako.
Tzu, kung anuman ang nangyari sa kanila labas na tayo dun. Nakapag explain na satin si Joohyun, nasa atin na kung maniniwala tayo or hindi. Pero nakita natin kung pano niya alagaan si Seulgi noon. Isipin na lang natin na pareho silang nasasaktan sa sitwasyon na to. At intindihin na lang natin si Joohyun, pamilya niya yun eh. Kahit tayo siguro mas uunahin natin ang Pamilya kesa sa ibang tao.
Tunango tango naman ito.
Hindi ba natin sasabihin kay Ate ang katotohanan?
Hayaan na muna natin si Seulgi na makapagmove on. And wala tayo sa lugar para magsabi. Problema nila yun hayaan natin silang maggrow at magsolve nito. For now, wala tayong alam sa location ni Seulgi.
Tumango naman siya. Alam kong nagwoworry ito, pero wala na kaming magagawa if yun ang desisyon ni Seulgi. We just have to respect her decision.
Kamusta naman ang shop? Tanong ko
So far, so good. Kaya ko pa naman Ate. Nakakita na ako ng staff kaya okay na.
If you need anything magsabi ka lang sakin. Or sa Ate Rosé mo. Huwag kang mahihiya.
I know. Syanga pala Ate. Hindi ka ba susunod kay Ate Seulgi?
Hindi ko pa alam eh. Alam mo namang mahina ako mag english.
Sagot koEh halos mga pinoy naman ang mga kasamahan niya dun. Sayang din yong opportunity Ate. Di ba Filipino community naman ang itatayo nila dun? Ibig sabihin mga pinoy ang mga magiging kliyente ninyo.
Kahit na. Mga laking englishero pa din ang mga iyon. Baka dumugo lang ang ilong ko. Tsaka halos hindi na nga magkaundagaga dito.
6months pa naman bago nila itatayo yun. Ibig sabihin may panahon ka pang mag isip. Kung iniisip mo sina Tita at Tito, andito naman ako. Hindi ko naman sila pababayaan. Sabi pa niya sakin
BINABASA MO ANG
Believe In Love ( Tagalog )
Ficción GeneralPano mo ba malalaman kung kelan ka dapat bumitaw? Pano mo ba malalaman kung siya na ba talaga? Ano ba ang mas matimbang? Respeto.sa sarili? Or respeto sa partner mo. Tama bang isakripisyo mo ang career mo ng dahil sa pait ng nakaraan? Gano ba kaimp...