CHAPTER 88

22 0 0
                                    

JENNIE

2 days before kami umalis ay nasa bahay na ako ng mga Kang. Gusto niya kasing dun kami eh.

Mukhang parusa nga to sakin dahil kahit isa walang kumakausap or tumitingin man lang sakin. Feeling ko nga hindi nila ako nakikita eh.

Tara na maghahapunan na. Aya ni Seulgi

Pwede bang mamaya na lang ako if tapos na kayong lahat?

Bakit?

Tumaas naman ang boses niya at nakakunot noong nakatingin sakin.

Kasi.

Huwag ka ngang mag inarte. Hindi mo bahay to. Kakain ka ba or hindi. Ganun kasimple lang. Hindi yong mamaya na.

Kakain.

Napilitin naman akong tumayo at sumunod sa kanya palabas ng kwarto. Kaninang umaga pa kami dito at hindi na lang ako lumalabas ng kwarto dahil sa hiya.

Kapal din talaga ng mukha mo eh noh.
Sabi ni Tzuyu ng nasa hapag kainan na kami

Tama na. Hindi ko siya inuwi dito para bastusin ninyo. If ayaw niyo sa kanya huwag niyo na lang pansinin or kausapin. sa makalawa aalis na din kami dito kaya pwede bang tiisin niyo na lang muna?
Saway naman ni Seulgi

Hindi kasi magets ng utak ko kung bakit papakasalan mo yan eh. Pagkatapos ng lahat ng ginawa nila sa inyo?
Sabi pa ni Tzuyu

Stop it okay? I don't wanna explaim myself. Sagot ni Seulgi

Nahihirapan tuloy akong lumunok ng pagkain.

Nang bumalik si Seulgi sa kwarto niya after kumain ay nilapitan ko naman si Kuya.

Pwede ka bang makausap Kuya?

Blangkong tingin lang ang sinagot niya sakin. Nasa balkonahe kami ng mga oras na yun.

Alam kong hindi niyo ko mapapatawad sa kasalanang nagawa ko but still i want to apologize. I am so sorry Kuya if i failed, hindi ko po talaga sinasadya. Alam kong kahit ano'ng explanation ko pa ay hindi na din magbabago pa ang tingin ninyo sakin. Gusto ko lang ipaalam sa'yo na mahal ko po si Seulgi at kahit alam ko din na kailanman hindi niya ako mamahalin dahil sa ginawa ko pero magiging mabuting asawa po ako sa kanya. I promise this time i will protect her.

Hindi niya ako sinagot.

Pasensiya na talaga Kuya.

Who am i to judge you Jennie. Sa kabila ng lahat ng nangyari ikaw pa din ang Jennie na kaibigan ng kapatid ko. At hindi magbabago yun. Siguro nga may mga bagay na hindi natin makontrol at may mga desisyon tayong minsan hindi natin alam kung ano ang magiging kahihinatnan nito or alam man natin pero may sadya talagang desisyon na minsan dahil sa bugso ng damdamin. Hindi naman ako galit sa'yo sa totoo lang eh, nagtatampo OO.

Mapait naman akong napangiti.

Pero ready ka ba talaga sa papasukin mo? Kilala mo si Seulgi, matigas na ang puso niya ngayon. At alam nating lahat na mahal niya pa din ang Ate Hyun mo. Sigurado ka na ba sa pagpapakasal ninyo?

Mula noon hanggang ngayon Kuya tanging siya lang ang nagpatibok ng puso ko. Siya lang ang tanging taong nagpatanga sakin. Be married to Seulgi is a Dream Come true Kuya kahit na ba iba ang laman ng puso niya. But i will do the best para mahalin niya din ako, kahit gaya na lang dati. Yong mahal niya ako bilang Jennie na kaibigan niya. Magiging kuntento na ako dun.

Kahit ganun ang nangyari hindi ko pa din gustong may nakikita akong nasasaktan. Hindi kana din iba sakin eh. Pero sana nga alam mo ang papasukin mo. Three years may seem a liitle time pero kaya nung bumago ng tao, and i am telling you Jen, hindi na siya kagaya ng Dating Seulgi.

Believe In Love ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon