CHAPTER 13

40 2 0
                                    

SEULGI

Gago talagang Lisa yun. Hindi talaga kami sinamahan. Hindi ko na lang pinahalata na kinakabahan ako.

Yong ibang wala titingnan na lang namin sa Tarlac kung meron. Sabi ko kay Kuya ng makabalik na kami ni Jennie

Ang layo na kung bibiyahe pa kayo.

Titingin na lang din kami sa dadaanan namin. Baka meron naman sa Urdaneta Kuya. Sagot naman ni Jennie

Sigurado ba kayo?

Okay lang sakin. Sagot ko naman

Kumain na muna kayo. Sabi nman ni Tita

Sa daan na Tita. Baka gabihin pa kami. Sagot ko na lang

Mag aala una na din kasi ng tanghali eh. Pero ang totoo, wala lang talaga akong ganang kumain.

Magdala na lang kayo tubig. baka tuyuan kayo ng lAway. sabi naman ni Lisa

Sasama ka ba?

Syempre hindi. Istorbo lang ako.
Nakangiti pa ang loko

Napatawa tuloy si Kuya. Siraulo talaga. Thankful talaga ako kay Lisa at sa Pamilya niya. Madaling araw na daw sila nakauwi tapos bumalik kaagad dito ng natapos sila sa palengke. Yong mga banat niyang walang kwenta, benta naman kay Kuya at Daniel kaya kahit papano, parang gumagaan lang ang paligid namin.

Basta Jen ha. Ingatan mo tong Bestfriend ko. Baka naman magmotel pa kayo.

Hinila ko na lang si Jennie palayo. Demonyo talaga.

Hoy! Kakasabi ko lang. Holding hands kaagad?

Doon ko lang napagtanto na nakaholding hands nga kami.

Pasensiya ka na. Siraulo lang talaga yun.

Okay lang. Sanay na ako kay Lisa. Sagot naman niya sakin

Sure kang ikaw magdadrive? Mukhang pagod ka kasi.

Ayos lang ako Jen. Ikaw na lang sa pabalik. Mas kabisado ko yong mga tindahan.

Magdala ka na lang ng unan.

Ha?

Iba ata ang iniisip mo. Para mskatulog ka ng maayos mamaya.

Ah. Okay wait.

Nakakahiya putcha. Iba nga yong naisip ko.

Wow ambilis niyo namanm nakabili kaagad kayo.

Tinampal ko na lang si Lisa sa noo. Wala talagang magawa ang isang to.

Ay iba. Kuya si Seulgi hu, wala atang balak umuwi. Nagbitbit na ng unan. Itatry mo talaga sa kotse?

Ang dumi ng isip.
Napapapalatak na lang ako

Natawa naman si Jennie dahil may bitbit din akong kumot at mosquetero.

Can't sleep without it?
Tumango lang ako

Pa gas muna tayo. Baka hindi natin mapansin na. Sabi niya

Nag agawan pa kami sa pagbayad.

Hahalikan kita.

Sige. Sagot naman niya

Natawa na lang tuloy ang gas boy. Dahil ako ang pinakamalapit ako ang nanalo.

Sweet niyo po.

Keep the change.

Lalong lumawak ang ngiti ng gas boy.

Nahirapan kami sa plastic cover. Taglamig na talaga kasi sa Baguio kaya mabilis na na out of stock sa kalapit na bayan.

Believe In Love ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon