DANIEL
Isang linggo na lang at graduation na namin kaya inayos na namin ni Kuya ang bahay na tinutuluyan namin.
Oh tamang tama ang dating mo Bez kailangan namin ng Woman touch dito. Ano bang mas bagay na kurtina?
Wow ha. Ang galing niyo namang mag ayos ng bahay parang hindi mga barako ang gumawa.
Bilis na Tzuyu. Para maibalik ko na tong iba sa lagayan. Naiinip ko ng tanong
Ako na dito.
Salamat naman.
Yong bakuran naman ang sinimulan ko. Madami kasing dahon at alikabok. Baka mapagalitan kami ni Ate pag hindi kami naglinis. Ang tataas na din kasi ng mga damo.
So tuloy na ba kayo sa Manila? Tanong ni Tzuyu
Hindi ka ba sasama samin? Tanong ko
Baka magkatuluyan na tayo niyan. Biro niya
May pagnanasa ka talaga sakin noh? Tanong ko
Asa ka. Akala ko ba may pinopormahan ka. Tanong niya
Hindi ko pa sure kung pinopormahan ko talaga siya. Sabi kasi niya friends na muna kami. Kasi nga di ba kakakilala lang namin.
Tama naman siya. Masyado ka kasing atat.
Tugon niyaHalina kayo. Habang mainit pa tong Bulalo. TawaG na samin ni Kuya
Luto mo ba to Kuya?
Tanong niyaOo naman. Sige na. Kain na.
Antagal mo na ding hindi nakakapagluto nito Kuya ah. Mukhang inspired ka ngayon. Puna ko
Nakapagdesisyon na kasi ako. Tama ka Dan. Kailangan nating magsimula ulit. Kaya sige, sa Manila tayo gumawa ng bagong yugto sa buhay natin.
Talaga Kuya?
Kaya busy ako nitong mga nakaraang araa dahil kinausap ko na ang mga tauhan natin. Okay naman sa kanila na sila ang mamahala dito. Tapos yong bahay at lupa natin, ibebenta na lang natin siguro. Sayang din naman kasi. Pero depende sa Ate mo if papayag siyang ibenta.
Salamat kUya ha.
Sabihin na lang natin sa Ate mo pag umuwi na siya dito.
Masaya na akong kumain. Mas malaki din ang opportunity sa Manila kasi kesa dito samin.
Sama ka ba samin Tzuyu? Magtatayo kami ng negosyo dun, kailangan namin ng Accountant.
Andiyan naman si Daniel Kuya.
Malungkot niyang sagotHindi ka ba papayagan? Tanong ko
Ayaw kasi ni Papa. Magulo daw dun.
Kami namam ang kasama mo. Gusto mo bang kausapin ko si Tito? Tanong ko
Ikaw ang bahala.
Mukhang siya mismo ang may ayaw na sumama pero kakausapin ko pa din si Tito.
Kinabukasan ay nagpunta muna ako sa puntod ni Nanay at Tatay. Nakasanayan ko ng dumaan sa kanila once a week.
Nay, Tay, gagraduate na din po ako. Salamat sa pag guide samin. Sa pagbibigay ng lakas ng loob lalo na kay Kuya at Ate.
Sana andito ka pa Nay, nakikita ko kasing nahihirapan na si Ate eh.Magtatampo po ba kayo samin if iiwanan namin ang lugar kung saan bumuo tayo ng Pamilya at mga pangarap Nay, Tay?
Ayoko lang kasing nakikitang malungkot parati si Ate Nay. Habang andito kami, mas nasasaktan kasi siya dahil sa mga nangyari. Sinisisi niya kasi ang sarili niya sa nangyari sa inyo, sa nangyari sa taniman.
BINABASA MO ANG
Believe In Love ( Tagalog )
Narrativa generalePano mo ba malalaman kung kelan ka dapat bumitaw? Pano mo ba malalaman kung siya na ba talaga? Ano ba ang mas matimbang? Respeto.sa sarili? Or respeto sa partner mo. Tama bang isakripisyo mo ang career mo ng dahil sa pait ng nakaraan? Gano ba kaimp...