IRENE
Napabuntong hininga na lang ako ng makarating na kami sa Airport. Naghihintay na lang ako ng sundo ko.
Ate! Napangiti ako ng makilala ang boses na yun
Long time no see. Buti nakapagdesisyon ka na.
Nakakahiya naman kasi sa inyo, mismong ang Lola mo ang kumausap sakin eh.
Tinulongan muna nila ako sa bagahe ko na maisakay sa Van.
Welcome to New Zealand!
Napangiti na lang ako kay Nadine.
Lola.
Sa wakas pinagbigyan mo din ang Lola ng pinsan mo.
Oo naman Lola. Lalo ka atang gumaganda.
Sus. Ikaw nga diyan eh. Sabi ko na lalaking maganda kang bata ka. Maliit ka palang maganda ka na naman talaga. Halika pasok, huwag kang mahihiya dito. Wala pa ang pinsan mo.
Surprise kasi ang pagpunta ko dito. Ayon kay Lola walang alam si Jennie.
Dito ang magiging kwarto mo. Katabi mo ang kwarto ni Jennie. May umuukopa naman ng kwartong to.
Tumango lang ako.
Magpahinga kana muna. Alam kong pagod ka sa biyahe. Pero kung gutom ka may pagkain sa kusina.
Mamaya na Lola. Matutulog na muna ako. Medyo na jetlagged ako eh.
Sige lang Apo.
Inayos kona muna ang mga gamit ko ng maiwan na ako. Ganun pa din kaganda ang bahay nila, naalala ko pa noong nagbabakasyon kami dito, ganun pa din ang itsura ng bahay.
Dahil medyo nahihilo ako, nahiga na lang muna ako para matulog.
Nagising ako sa isang katok.
Oh my God! Andito ka nga Ate.
Jennie.
Isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sakin.
Akala ko binibiro lang ako ni Lola na andito ka sa kwarto. Kamusta ka naman Ate? Nangayayat ka ata.
Alam mo naman ang nangyari samin. Buti nga at medyo okay na si Mommy, kaya naiwan ko na siyang mag isa. Kung hindi, hindi ko mapagbibigyan ang Lola mo sa imbitasyon niya sakin dito.
Si Lola?
May papagawa daw siya saking project dito. Kaya hindi ko na nahindian pa.
Nagtaka naman ako ng medyo natitigilan si Jennie. Parang may gusto itong sabihin sakin pero nag aalangan lang.
May problema ba?
Kasi Ate. Ahmmm.
Bakit ang tagal niyo daw sabi ni Lola. Lalamig ang pagkain. Naputol ang sasabihin ni Jennie sa pagpasok ni Nadine
Andiyan na. Halika na Ate.
Pero nagulantang ako ng makita kong sino ang kasama namin sa Hapagkainan.
Nakita ko kung papano dumilim ang mukha niya. Magkasalubong din ang kilay niya habang nakatingin sakin.
Syanga pala. This is Architect Joohyun, pinsan siya ni Jennie sa Father's side pero parang apo kona din. Sila naman ang sinasabi kong Engineers na makakasama mo sa project Hyun, Engr. Deanna Wong at Engr. Seulgi Kang.
Si Engr. Deanna lang ang ngumiti at nakipagkamay sakin.
Excuse me po Muna Lola may gagawin pa pala ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/312702776-288-k474618.jpg)
BINABASA MO ANG
Believe In Love ( Tagalog )
Fiction généralePano mo ba malalaman kung kelan ka dapat bumitaw? Pano mo ba malalaman kung siya na ba talaga? Ano ba ang mas matimbang? Respeto.sa sarili? Or respeto sa partner mo. Tama bang isakripisyo mo ang career mo ng dahil sa pait ng nakaraan? Gano ba kaimp...