WENDY
Nag iimpake na ako gamit para umuwi sa bahay ng mga Kang. Tapos na ang training namin para sa new equipment na dumating sa Hospital.
I am Doctor Seung Wan Son, A Cardiologist to be precise.
Bye. Kumaway na ako sa mga nagpapaalam sakin na mga Doctor from different Hospital dito sa pilipinas
Wendz.
Hey cousin. Bakit di mo sinabing susunduin mo pala ako.
May hinanap kasi akong gamot for Kuya pero wala daw stock dito. Sa Manila pa.
Gamot ni Minhyuk?
Long story. He got stabbed.
What? Kelan?
Noong isang araw pa. hanggang sa makalawa na lang yong gamot kasi kaya naghanap na agad ako. And tama nga sila, mahirap hanapin ang gamot dito.
Make the long story short Seulgi.
Pinasok ang taniman. Nag back up sila ni Daniel, sumunod si Lisa. Pero si Kuya nasaksak, pati ni si Ramil at Jamil.
Oh my God!
Okay na sila. Late na yang reaction mo.
Napangiti na lang ako. Late na pala but pa ako magrereact.
Where's the culprit?
Nasa presinto. Ayaw magsalita kaya dun muna siya tumambay. Pwede bang ibang gamot ang bilhin ko?
Inabot niya sakin ang resetaSyempre hindi. Buti kung sakit sa ulo lang yun. Antibiotic to noh. And gamot talaga to para sa nasaksak. Samahan na lang kita sa Manila. Pinapatawag ako ngayon sa Lung Center for my residency.
Talaga? Didito ka na sa Pilipinas?
Naisip ko kasi mas kailangan ata ako dito satin. Di ba try ko lang naman sana yun? But after ng seminar namin narealize kung kukunti lang pala yong Doctor na katulad kong Cardiologist dito. Kaya sabi ko if may tatanggap sakin dito for residency didito na ako. And maybe this is the sign.
I am proud of you. Tamang tama darating ang kapatid ni Chaeyoung. Kaya babalik na din siya sa Manila. Nurse yun.
Okay. Hindi ko na lang muna bubuksan yong maleta ko. Dun ko na lang papalabhan. Yong syota mo sasama ba?
Hindi ata. May importante siyang ginagawa. Sagot niya
Mabuti naman.
Ayaw mo din ba kay Joohyun?
Not as ayaw na ayaw. But medyo maarte kasi. Tapos minsan parang ang hirap sakyan ng pagiging maarte niya. Gets mo?
Tumango naman ito. Maganda sa maganda yong jowa niya. Pero minsan ewan ko ba. Parang hindi ko talaga feel ang jowa niya.
Sino pala maiiwan sa bahay? Si Lisa na naman? Bakit hindi na lang si Lisa ang jowain mo?
Sira ka ba?! Mas lalaki pa yun sakin.
Seulgi magsabi ka ng sakin ng totoo.
Napakunot noo naman siyaPinaaral mo ba si Lisa para alilain?
Lakas din ng trip mo eh. Halika na nga.
Wala kang service?
Nasunog yong Motor ko. Huwag mo na lang ipaalala at nababadtrip lang ako.
BINABASA MO ANG
Believe In Love ( Tagalog )
Ficción GeneralPano mo ba malalaman kung kelan ka dapat bumitaw? Pano mo ba malalaman kung siya na ba talaga? Ano ba ang mas matimbang? Respeto.sa sarili? Or respeto sa partner mo. Tama bang isakripisyo mo ang career mo ng dahil sa pait ng nakaraan? Gano ba kaimp...