IRENE
Tumityempo lang ako ngayon para pumunta sa bahay nila Seulgi. Kanina pa kasi ako binabantayan ni Mommy kaya hindi ko pinahahalatang nagmamadali ako.
Syanga pala Joohyun, kamusta yong project ng Ninong mo? Tanong ni Daddy habang nanonood ng Tennis sa TV
Papacheck ko na sa kanya bukas yong nga nagawa kong design Dad. Yong project niya dito ang uunahin. Sa susunod na lang daw yong sa Pasay dahil under negotiation pa yong lupa.
Mabuti naman. Kinukulit na ako nun. Aalis kasi sila in 2 months. Magbabakasyon sila ng Ninang mo sa kinakapatid mo sa Greece. Baka daw matagalan sila sa pagbalik kaya mas gusto niyang nasimulan na yong project niya bago sila makaalis.
Sinabi niya na din po sakin. Nag aaya nga pong magbakasyon din ako dun kahit one week lang. Kaso busy pa masyado sa office lalo at kulang tayo ng Engineers ngayon.
Nakataas kilay lang si Mommy. Ewan ko ba kung ano talaga ang mga tumatakbo sa utak niya.
Hindi ka ba aalis?
Parang gusto kong halikan si Daddy ng itanong niya yun sakin.
Saan naman yan pupunta?
Tanong naman ni MommyGraduation din ni Daniel Kang. Kapatid ng Girlfriend niyang si Engr. Seul Gi Kang. Dapat andun siya. Kesa nakatunganga siya satin dito eh wala naman tayony ginagawa. Sagot naman ni Daddy na may awtoridad
Aalis po ako Dad. Pero mayamaya pa. Doon din po ako matutulog.
Bakit hindi kana lang umalis ngayon. Papadilim na din. Buti sana kung dito lang sa loob ng Community eh sa kabilang sitio pa yong bahay nila.
Sige po. Mauuna na muna ako sa inyo.
Hindi ko na lang tiningnan si Mommy. Alam kong paluwa na ang mata niya sa kakatingin sakin.
Bakit mo pinayagan?! Rinig ko pa ang boses niya habang papunta ako sa bahay ko
Nakahanda na naman ang gamit ko kaya deretso na ako sa kotse. Bahala na si Dad kay Mommy.
Andun na pala sina Roseanne.
Ate. Sinalubong naman ako ni Yeri
Andito ka pala. Sino ang kasama mo?
Ako lang. Nagpahatid ako. Nag eempake sila Ate eh.
Ah ganun ba. Mabuti naman. Congratulations Yeri ha. Nasa kotse pala ang regalo mo.
Mamaya na Ate. Kanina ka pa hinihintay ni Ate Seulgi.
Ganun ba. Alam mo naman si Mommy. Killjoy. Bulong ko nalang
Sabi ko na eh. Humagikgik naman ito
Babe. Bakit ngayon ka lang.
Hindi na maipinta ang mukha ni SeulgiMay tinapos lang ako. Hi. Bati ko naman sa magkakapatid na Park.
Ate. Tawag din ni Daniel
For you. Congratulations.
Naku nag abala pa po kayo. Pero salamat dito Ate.
Ikaw pa ba. Sige na bumalik kana sa mga kaibigan mo.
Baby. I'm sorry. Niyakap ko naman ang nagtatampong si Seulgi
Kumain kana ba?
Umiling ako.Wala bang handa sa inyo? Nagtataka niyang tanong
Kumain lang kami sa bayan kanina. Ikaw? Ano'ng oras palang umiinom ka na.
![](https://img.wattpad.com/cover/312702776-288-k474618.jpg)
BINABASA MO ANG
Believe In Love ( Tagalog )
BeletriePano mo ba malalaman kung kelan ka dapat bumitaw? Pano mo ba malalaman kung siya na ba talaga? Ano ba ang mas matimbang? Respeto.sa sarili? Or respeto sa partner mo. Tama bang isakripisyo mo ang career mo ng dahil sa pait ng nakaraan? Gano ba kaimp...