CHAPTER 33

36 1 0
                                    

SEULGI

Alam mo yong parang binagsakan ka ng langit at kinain ka ng lupa? Yun ang naramdaman ko ng makita ko ang singsing sa kamay niya.

Alas singko gising na gising na ako kaya agad na akong naligo. Inayos ko na din ang mga gamit ko.

Yong iba sinakay ko na sa kotse ko. I mean sa company car. Iniwan ko kasi kay Kuya yong kotse ko. Tapos nag commute na lang kami ni Lisa pabalik ng Manila.

Alas sais papunta na akong office. Nagulat pa ang guard sakin. Buti na lang may susi sila sa lahat ng offices, yong Guard din ang nagbukas ng office ni Jennie.

Thank you.

Your Welcome Maam.

Agad na akong nagtrabaho. Wala naman kasi akong aasahan na tutulong sakin. Nasa Physical prototype sila dahil ididisplay yun sa mismong loob ng Building pag natapos na ang construction kaya mabusisi ang pagagawa.

Hindi ko namalayan ang pagdating ng mga empleyado.

Oh, andito kana Seul? Ang aga mo naman. Kaya pala bukas na ang opsina ni Jennie akala ko nakalimutang i lock kagabi.

Ate Jessica, alam mo namang maaga talaga akong nagigising di ba? Dala dala ko pa din yun hanggang ngayon. Kahit na puyat pako.

Napakasipag mo talaga, kaya hindi na ako nagtataka na asensado ka na talaga. Napakasimple mo pa din at hindi mayabang.

Wala naman akong ipagyayabang kasi kundi itong mukha ko te.

Natawa naman ito.

Oh siya. Mukhang busy ka. Ah Dial 2 if you need anything ha. Yong line 1 kay Jennie. Tapos yong ibang department nasa Folder sa desktop mo.

Okay thank you.

And don't be shy if gusto mo ng kape. Yong pantry nga pala dito lang sa likod ng Desk namin.

Okay. Copy that.

Bumalik na ako sa ginagawa ko ng si Lisa naman ang dumating.

Umuwi ka ba?

Hindi.

Siraulo. Namuti ang mata ko sa kakahintay sayo kahapon.

Bakit di ka kasi tumawag? Alam mong nakakalimutan ko ang oras pag nagtatrabaho ako. Di ginabi na pala ako dito ng hindi ko alam. Sagot ko

Bakit di ka mag alarm?

Aga aga nambwibwisit ito hanggang sa umalis na siya pero humirit pa talaga

Bakit hindi ka nagbreakfast?
Napangiti ako ng marinig ang boses niya

Kaya bumalik ako sa drafting table para makita ko siya.

Pancake, Tapsilog tsaka Kape yong dinala ni Ate Jessica sakin.

Pakisabi sa Boss na maraming salamat.
Pero pinaririnig ko talaga kay Jennie

Pakisabi din Ate na bawal dito ang hindi kumakain ng breakfast before pumasok sa office.

Napailing na lang si Ate sa kaartehan namin ni Jennie.

Mag usap kayo! Sabi niya saming dalawa

You are still my Sweet Jennie. Walang kakupas kupas. Parinig ko na naman

Kumain kana. Gutom lang yan.
Sagot naman niya

Napangiti naman ako. Masarap talagang inisin si Jennie. Wala lang, nantitrip lang ako.

Believe In Love ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon