CHAPTER 09

43 1 0
                                    

LISA

Nanonood kami ni Papa ng basketball sa TV ng bigla namang sumulpot si Seulgi.

Magandang gabi po Tito.

Oh, napasugod ka. Aba't gabi na.

Pwede po ba kaming uminom dito ni Lisa?

Ha? Wala namang problema sakin. Itanong mo sa Tita mo andun sa likod bahay.

Napakunot noo naman.

May problema ba yun? Tanong ni Papa

Ewan ko. Baka. Okay naman yan kagabi.

Pri, beer tayo? Sa inyo po Tito?

Ano'ng problema nito? Napakaseryoso na akala mo susugod sa gyera or parang may kalaban na lulusubin.

Beer na lang Hija. Lisa, doon na kayo kumuha kay Martha. May utang pa yun sakin, ikaltas na lang kamo at nalampas na sa due date hindi pa din nakakabayad.

Sige Pa.

Kumuha muna ako ng empty bottles.

Ano'ng nangyari sayo?
Tanong ko

Mamaya na. Badtrip ako, pero hindi ko alam kung bakit.

Wow. Women Problem.

Aling Martha? Kukuha si papa ng isang kahang Redhorse na Litro.

Yong malamig ba or hindi Lisa?

Yong hindi po. May yelo naman kami.

Magkatuwang kaming nagbitbit ng isang kaha. Nakaready na agad ang mga baso at yelo namin ng makabalik na kami.

May nangyari ba Seulgi? Bakit bigla ka namang nag aayang uminom nakakapanibago ka naman. Tanong ni Nanay na may baso din pala

Tito, Tita. Kasi ganito. May kasama po ako kanina na kaibigan, sinamahan niya akong maningil. Masaya naman kami. Tapos nag Burnharm park kami. Tapos biglang may kausap na siyang dalawang lalaki ng malingat ako. Tapos parang uminit ang ulo ko.

Parang alam ko na kung sino ang kasama niya.

Uminit ang ulo mo ng makita mong may kausap siyang lalaki? Pagkaklaro pa ni Papa

Opo.

Di nagseselos ka. Kaibigan mo kamo?
Napatingin naman si Mama sakin.

Parang alam na din niya kung sino. Eh si Jennie lang naman kasi ang kaibiga namin ni Seulgi.

Kaibigan namin ni Lisa. Pagtatama naman niya

Bakit ka naman mababadtrip kung kaibigan niyo naman pala. Sabi ni Mama

Hindi ko din po alam eh.

Sinisimsim ko lang ang baso ko. Hindi pa kasi ako nakatikim ng Redhorse.

Mapait din pala to. Tumayo na muna ako para bumili ng softdrinks. Pang chaser ko

Alam mo Seul, hindi ka naman kasi magseselos kung wala kang feelings eh. Rinig kong sabi ni Mama ng papasok na ako

Hindi kasi pwede Tita eh.

Bakit naman hindi?

Eh gusto kasi ni Lisa si Jennie. Tapos susulutin ko?

Napatigil ako sa pagpasok.

Mag usap kayong magkaibigan. Ayokong makialam sa usapang pag ibig ninyong dalawa. Pero sana lang wag masira ang pagkakaibigan ninyo ng dahil sa Love Love na yan. Bata pa kayo, madami pang taong darating sa buhay ninyo. Kung pwede lang na huwag na muna ngayon eh. Pero puso mo yan eh, titibok at titibok yan kahit ayaw mo pa. Depende na din yan sayo kung susundin mo, or balewain. Pero hindi yan magbabago ng tibok. May kasabihan nga, the more na hinihigpitan mo, mas lalo ding gustong bumitaw. Nasa sayo yan.
Mahabang explain ni Papa

Believe In Love ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon