Prologue

1.6K 22 0
                                    

ZEYRIEL POV

Kanina pa ako naghihintay at kinakabahan, hindi ko alam kung magagawa ko pa bang harapin ang kung sino mang taong haharapin ko ngayon pero di na ako makatanggi dahil kailangan ko gawin ito. At hindi na ako pwedeng umatras.  

I need to be strong at kailangan masikmura ko ang kasalanang magagawa ko ngayon dahil ito na lang kasi ang magagawa ko para magkaroon ng malaking pera lalo na't ang laki ng alok sa akin ng lalakeng nakausap ko noong isang araw and it's one hundred thousand basta mapinta niya lang ako ng hubad.   

Noong una nga nagulat pa ako ngunit sa huli'y pumayag na rin ako dahil kailangan ko ng pera. Isa pa 'di na naman masyado ipipinta ang mukha ko. Upang hindi ako mahiya saka isa pa napagkasunduan din namin na mananatiling sekreto ang aking katauhan.

Pwede na 'yon para sa'kin dahil ang importante ay ang magawa kong makuha ang pera.

I know I sound so desperate at mukhang pera pero anong magagawa ko kung sa mundong kinalalagyan ko ay kailangan na kailangan ko ng pera?

Pera na magsasalba sa patapon ko ng buhay.

  

I sigh and gaze at the paintings inside the big studio. Mas mabuti pang iligaw ko muna ang isip ko mula sa mga bagay na nagpapasakit lang ng ulo ko. Isa pa ayaw ko na ring umiyak dahil ang dami ko nang naiyak kagabi 

Dagdag pa na wala nang magagawa ang luha ko dahil nakapagdesisyon na ako at ginusto ko ang gagawin ko.

Napasuklay ako sa aking mahaba at itim na buhok at saka ako sinuri ang mga bagay na matapunan ng pansin ng aking mata, walang iba kundi ang mga makukulay na paintings sa mga pader.

Lahat  ay ang gaganda at kung sino man ang gumawa ay tiyak na magaling at tiyak na hilig talaga nito ang ang pagpipinta, because  the paintings are refreshing dahil puro magagandang tanawin ang nakapinta parang nalimutan ko rin tuloy  ang aking problema.

"Pangako ito na ang huling gagawa ako ng ganitong hakbang." Mahinang bulong ko na tanging ako lamang ang nakakarinig.

"Miss Cab. " Napasinghap ako at inalis ko ang aking tingin sa mga paintings at saka ako napatingin sa bungad ng pinto at doon nakita ko ang taong nakausap ko noong isang araw.  Kaya agad na nakaramdam ako ng hiya at kaba. Kaya napaupo ako ng tuwid sa couch at ngumiti ng tipid sa lalaki na sa tingin ko ay nasa mid sixties

"Magandang araw po Mr. Reed." Sambit ko at napatayo mula sa pagkakaupo habang ito ay naglakad papalapit sa'kin at  ngumiti ito ng mahinahon kaya kita ko ang kabaitan nito.  And I can see that he is a professional painter dahil walang malisya rito ang itsura ko.  Paano kasi nang pumunta ako kanina rito sa studio e' pinahanda na ako ng sekretarya ni Mr reed. She made me use a robe made in silk at ni hindi na ako nito pinasuot ng bra at tanging pang-ibaba ko na lang ang suot ko sa loob.

"So miss Cab napag-usapan na natin na ngayon na natin gagawin ang painting pero miss Cab 'di ako makakapinta ngayon dahil tinanggap ko ang alok na magpinta sa Paris." Nanlaki ang aking mga mata,  nakaramdam ako ng panghihinayang at nakaramdam ako ng lungkot.

"K-Kung ganoon 'd-di na maitutuloy ang nagpag-usapan natin?" Mahinang sambit ko kaya sandali itong natahimik at napabuntong hininga.

"Huwag kang mag-alala ija dahil kailangan ko ein naman tapusin ang painting at na napagkasunduan natin dahil 'yon ang hiningi ng client isa pa nakabayad na ang mga ito and I need two paintings isa pa alam kong kailangan mo ng pera kaya tuloy pa rin ang nagpag-usapan natin." Napangiti ako ng matipid hati rin kasi ang nararamdaman ko oo nasisiyahan ako na natuloy pa rin ang usapan pero still I felt I am just a dirt isang babaeng walang pakinabang.

Secrets Are Hidden (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon