Rohws POV
Damn! alam kong madami akong maling ginawa kay Briel. Dapat nga ay hindi ko ito kinukulong ngayon pero ewan ko ba kung bakit oras na nagpupumiglas ito at gusto nitong umuwi pabalik kay Kenneth ay natatakot ako. Para bang may namumuong kung ano sa loob ko na hindi kayang tanggapin ang posibleng mangyayari oras na umuwi nga talaga ito.
Hindi ko kayang isipin na baka nga babalik ito sa piling at bisig ni Kenneth. Dahil ang gusto ko lamang ay dito lamang siya sa tabi ko.
Pero hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba kasi kanina habang tinititigan ko ito ay nakita ko ang pagbakas ng lungkot sa mga mata ni Briel na kahit pinipilit nitong ipakitang matatag siya ay nakikita ko pa rin ang isang emosyon na akala ko'y tuluyan na nitong binura sa sistema nito.
Sa totoo lang nakaramdam ako ng kakaiba sa nakita ko.
Para bang mas gusto ko pang makita ang matapang nitong emosyon kaysa ang makitang nalulungkot o nasasaktan ito.
Gusto ko tuloy siyang damayan ngunit paano ko ba siya dadamayan kung ako mismo ang nagparamdam nang sakit na iyon?
How can I comfort her where in fact I made those scars? Ako ang dahilan kung bakit ito nakakaramdam ngayon ng mga emosyon na ni minsan ay hindi pinaramdam ni Kenneth.
Alam ko kasing sobra itong mahal ng binata at kita naman na mas naaalagaan ito ni Kenneth. Pero bakit ganoon? Bakit hindi ko magawang pumayag na bitiwan ito ngayon?
Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa inis at gusto kong sapakin ang sarili ko. Ang gago ko ang gago gago ko! And now, how can I comfort her kung ako mismo ay hindi mapatawad ang sarili ko dahil sa mga nagawa ko?
Kahit sino ay talagang mapupuno ng galit oras na mangyari ang ganito sa kanila.
"Aalis na ako Rohws at sana maayos mo problema niyo ni Briel. Dahil oras na makapagdesisyon siya ay wala rin akong magagawa. Hindi mo rin naman kasi sinabi sa akin na may fiance na ito. Ngayon mas mahihirapan akong ibigay rito ang mana nito. Pero sa totoo lang gusto kong ikaw ang mapangasawa niya Rohws kaya lang wala rin akong choice kaya sana mapabago mo ang isip niya." Nanlalaki ang aking mga mata nang marinig kong magsalita si Ms. Ocampo, napatingin rin ako rito at nakita ko sa mga mata nito na nauunawaan nito ang aking nararamdaman kaya kusang umukit ang maliit na ngiti sa aking labi.
"Salamat po pero hindi naman talaga ako susuko. Gagawa at gagawa ako ng paraan para hindi na niya gustuhin pang umalis sa tabi ko. Pero ewan ko ba naduduwag ako sa ngayon na harapin siya at pinipilit ko lang na ipakita na totoong ako ang kaharap nito. Na hindi na ako tulad ng iniisip nito. But I always fail. Laging mali ang nasasabi ko at laging nauuwi sa pananakit." Hinawakan ni attorney ang aking kanang kamay saka ngumiti ito assuring me that everything would be fine.
"Oo sabihin na natin na pinaparamdam mo sa kaniya ang sakit pero ang mali lang kasi riyan ay 'yung hindi mo pa maamin kung ano talaga ang nararamdaman mo. Dapat kasi alamin mo muna kung ano talaga ang nasa loob ng dibdib mo bago ka sumuong Rohws. Talagang hindi ka mauunawaan no'n dahil nasanay ito sa mga maling bagay na pinapakita mo.so why not maging totoo ka lang? Just let go Rohws. Hindi nakakababa ng ego ng lalaki ang pag-amin ng tunay na nararamdaman." Napaangat ang mukha ko at napangiti ako ng bumunggad sa akin ang mga ngiti nito na parang sinasabing 'kaya mo 'yan'
"Salamat." Sabi ko at tumayo na mula sa kinauupuan ko at tumakbo papunta sa babaeng nagpapabaliw sa akin dahil tama ang mga sinabi ni attorney na hindi ako dapat sumusuko at ngayon ay dapat hindi ko na hahayaang lumakad palayo ang babaeng gusto kong makasama.
Siguro nga kailangan kong maging totoo sa nararamdaman ko.
Alam kong may lugar na sa puso ko si Briel.
BINABASA MO ANG
Secrets Are Hidden (COMPLETE)
Romansa"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...