74

97 2 0
                                    

Rohws POV

Isinandal ko ang sarili ko sa headboard ng kama habang prenteng pinagmamasdan ang dalaga na nagmamadaling magbihis. Paminsan-minsan pa nga ay naririnig ko pa ang mahihinang daing nito at pagmumura.

At medyo paika-ika pa ito sa paglalakad na siyang naging rason para mapangisi ako sapagkat alam ko sa sarili ko na ako ang dahilan kung bakit nararamdaman nito ang ganoon.

Lumunok ako at saka sandaling natigilan nang makita kong yumuko ito at inabot ang pang-ibabang saplot nito, iyon kasi ang naging rason upang mas makita ko ang matambok nitong pwet at pati na rin ang namumulang pwerta ng p*gkababae nito na siyang naging rason upang tila dahan-dahang dumagsa muli ang init sa aking katawan.

I gritted my teeth at pinilit kong iiwas ang aking mga mata ngunit hindi rin ako nagtagumpay dahil lumipat lamang sa ibang parte ng katawan nito ang aking paningin.

Damn it!

Hindi ko mapigilan na pasadahan pa lalo ng tingin ang magandang hubog at kurba ng katawan nito pati na rin ang mga markang nailagay ko sa balat nito.

She looks perfect with my mark. At walang dudang hindi ako magsasawang pagmasdan iyon kung bibigyan lang niya ako ng pagkakataon.

Pero sa nakikita ko ay desididong-desidido si Briel na umalis o sa madaling salita ay mas gugustuhin nitong lumayo mula sa akin na para bang may tinataglay akong nakakahawang sakit na pinandidirihan nito.

"Aalis ka na ba talaga? So hindi mo ba ako sasamahan man lang kumain?" Walang ganang sambit ko habang nakatitig sa dalagang ngayon ay tuluyan nang naisuot ang lahat ng saplot nito. Ni hindi man lang siya nag-aksaya ng oras para lingunin ako kahit saglit.

Kaya napasuklay ako sa aking sariling buhok gamit ang aking mga daliri. Because the truth is, I am frustrated as hell at ramdam ko sa loob-loob ko na gustong-gusto kong pigilan ito. I don't want her to leave but I have no choice.

Dahil kahit gusto ko itong lapitan o huwag itong hayaan na makalayo ay hindi ko rin magawa sapagkat wala akong lakas na gawin iyon.

I am forcing to stop myself from making things difficult.

Pinipigilan ko ang sarili ko dahil hindi ako pwedeng magmadali. Dahil oras na gumawa ako ngayon ng hakbang ay tiyak mas lalo itong magpupumiglas.

Kung kaya't mas mabuting isipin niyang wala na akong pakealam sa kaniya upang hindi ito gagawa ng mas malalang aksyon na tiyak hindi ko magugustuhan.

Isa pa alam kong hindi pa ako tapos sa kaniya. At kung minadali ko man ngayon ang pag-angkin sa kaniya pwes ang sunod kong hakbang ay dadahan-dahanin ko na at saka lang ako aatake sa mga oras na hindi nito inaasahan na aatake ako.

Sa ganoong paraan mas magiging madali ang lahat.

"After using my body? Aalis ka na lang ba bigla? Hindi mo na ba gustong maground two?" Biro ko na siyang naging dahilan para humarap ito sa akin at kita sa mga mata nito ang poot.

"Tapos na ang usapan natin Rohws, hanggang doon na lamang iyon. Kaya sana tumupad ka sa usapan natin." Gumihit ang malapad na ngiti sa aking labi dahil mukhang gagamitin na nito ang kasunduan namin laban sa akin.

Pero sa tingin niya ba'y mahalaga pa sa akin ang bagay na iyon?

Oh Briel...

Hindi mo lang alam kung ano ang nasa isip ko ngayon.



Dahil unang-una'y wala akong pakealam kung may kasundaan tayo. Isa pa hindi ko naman pinangako na tutupad ako sa usapan e'. At kahit sabihin pang nangako ako, pwede ko pa rin naman iyon bawiin e'.

Secrets Are Hidden (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon