Zey POV
Hinarap ko ito at bakas sa aking mga mata ang kalamigan. Ngunit hindi ko alam kung may epekto ang kalamigan na iyon sa gagong lalaking nasa harap ko pero isa lang ang masasabi ko, na talagang nais kong maipakita rito na kaya ko itong harapin. Na hindi nito basta-basta lang magpapatalo.
You asked for this asshole! You really want to make me feel uncomfortable but I won't give you the satisfaction. Hinding-hindi ko hahayaan na matuwa ka habang ako ay punit na punit.
Dahil sa naisip ko ay walang pagdadalawang isip na tinanggal ko ang butones ng aking jeans. At ibinaba ko ang zipper nito na siyang naglikha ng isang ingay.
Nang tuluyan kong matanggal ang jeans ay nginisihan ko si Rohws, gusto kong ipakita rito na hindi niya ako basta-basta na lamang matitinag
Pero andon pa rin sa loob-loob ko ang matinding panginginig dahil hindi ko akalain na sa lalaking ito pa ako magkakaganito.
Kay Rohws ko pa ipapakita ang mahina at bulok kong pagkatao.
"Happy?"
Nagkibit-balikat lang ito at tiningnan ang natitirang saplot sa aking katawan ang undies ko kaya sinamaan ko ito ng tingin kung 'di ko lang alam na galit ito sa'kin ay baka iisipin kong kinukuha lang nito ang pagkakataong ito upang mamboso.
Pero malabo! Sobrang labo sapagkat alam ko ang mga tulad nito ay hindi mag-aaksaya ng panahon sa isang tulad ko na inakala na nitong madumi at patapon.
"Kung iniisip mong tatanggalin ko pa ang undies ko ay nagkakamali ka, pambabastos na 'tong ginagawa mo, Mr. Taylor na kailanman ay 'di ginawa ni Mr. Reed." He devilishly grinned while watching the irritation plastered on my face.
Mukhang wala lang rito ang nakitang galit sa mga mata ko bagkus tuwang-tuwa pa ang gago.
"Is that the reason why you prefer older guys? Does their action makes you wet? And are they sweeter or ruthless in bed
—"
'Di ko na ito pinatapos sa pagsasalita dahil alam ko na kasi kung saan iyon papunta."Fuck yes! 'Yun ba ang gusto mong marinig? Oo nagpakasal ako sa mas matanda sa akin, dahil mahal ko siya, and he respect me Rohws! Na kahit kailan ay 'di niya pinilit sarili niya sa'kin."
'Hindi tulad mo,' gusto ko sana idagdag ang mga katagang iyon pero hindi ko na lamang ginawa.
Ito na ba ang sinasabi ko na talagang delubyo ang mangyayari kapag nagsama kami sa isang lugar, ni hindi namin maiwasang hindi mag-away kahit ilang minuto man lang.
"Respect? Bullshit Zey! We both know na nirespeto kita dahil ilang taon akong naging sunod-sunuran sa iyo! Ilang taon akong nagtiyagang hintayin ang sagot mo, hindi kita pinilit Zey pero malalaman ko na lamang na may anak ka na at nagpakasal ka sa isang lalaki na tila tito ko na! Nakakagago lang dahil matagal mo akong niloko, na habang nililigawan kita ay nagpapakadumi at binebenta mo pala sarili mo sa isang mayamang matanda, kaya sana sinabi mo na lang because I am willing to pay!" Napatanga lamang ako rito pero ang akala kong tapos na ay hindi pa pala dahil muling nagliyab sa galit ang mga mata nito.
Oo madali lang para rito ang gumastos pero hindi madali para sa akin ang gawin iyon. Hindi ko kayang iharap ang sarili ko rito at gamitin ito sa pansarili kong interes.
And now he expect me to do that?
Bakit ba ginagawa nito sa akin ang mga ganitong bagay?
"That's how I fucking love you! But you don't even know how to love Zey! Because you only love the thought of having money on your pocket! You are damn selfish bitch." Biglang naging blangko ang aking utak ni hindi ako makapagsalita my heart mumbles words that are left unspoken.
BINABASA MO ANG
Secrets Are Hidden (COMPLETE)
Romance"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...