24. BRIEL POV

154 4 0
                                    

Flashback

"Sa tingin mo ba hindi ka namin inisip? Sa tingin mo ba hindi namin ginustong lumapit sa iyo? God knows we've tried to do that Briel! Sinubukan namin lumapit pero ikaw itong lumalayo sa amin. Sa oras na sinusubukan namin na humakbang papalapit ay hahakbang ka rin ng isa paatras. Kahit kailan hindi mo kami hinayaan na mahawakan ka o mapakinggan ka. Kaya saan ba kami dapat lulugar? Ano ba ang dapat kong gawin? Ano ba ang dapat naming gawin? Please sabihin mo sa amin! Kasi ang hirap manghula Briel! Ang hirap mangapa!"

Napayuko ako at hindi ko alam kung paano sasagot. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang daliri nito sa tapat ng aking aking dibdib.

"Ano ba talaga ang nasa loob nito Briel? May lugar ba kami sa loob nito?" Napapikit ako habang pinapakiramdaman ang pagyakap ng lungkot sa pagkatao ko. Hinayaan kong yakapin ako no'n at sirain ang kung anong naiipon na pagtitimpi sa loob.

"Sa tingin mo ba madali para sa akin na umatras at lumayo sa inyo ate? Sa tingin mo ba ginusto kong gawin iyon? Gano'n ba ka baba ang tingin mo sa akin? Hindi mo ba inisip na baka may binigay kayong dahilan para gawin ko iyon. Na baka kayo rin ang nagbigay ng rason para umatras ako." Napaatras ito ng isang hakbang at hindi makapaniwalang napatingala sa kisame na para bang ang sagot sa mga tanong ko ay nakasulat roon.

"Then fucking tell me what's your reasons Briel! Sabihin mo sa akin kung ano ba talaga ang pagkukulang na ginawa namin sa'yo! Huwag kang maging duwag at itago sa amin ang lahat! Kung galit ka sa amin, siguro naman ay may karapatan kaming malaman kung bakit hindi ba?" Nang muling humarap ito sa akin ay nakita ko kung paanong sabay-sabay na tumulo ang luha mula sa mga mata nito.

Gusto ko mang lapitan ito at punasan ang mga iyon ay nanatili akong estatwa. Para bang tinulos ang dalawa kong paa sa kinatatayuan ko.

Tama siya duwag ako...

Wala man lang akong kakayahan na magsalita para sa sarili ko.

"Is it because you hate it when you're not gaining attention from him? Galit ka pa rin ba sa ginawa niya noon kay mama? Galit ka pa rin ba dahil hindi mo nagagawa ngayon ang mga bagay na nagagawa ko? Tell me your reasons Briel! Naiingit ka ba? Nagagalit ka ba sapagkat pinagkait sa'yo ang kalayaan na nais mo? Sabihin mo at nang alam ko kung saan ako lulugar at para alam ko kung paano ako makabawi!" Kailangan pa ba gawin iyon? Oo naiinggit ako sapagkat nagagawa nito ang mga bagay na nais kong gawin pero nirespeto ko ang desisyon ng sarili naming ina. Tinanggap ko iyon at hindi na ako nagreklamo kahit hindi nila ako binigyan ng pagkakataong tumanggi.

Pinilit kong yakapin ang binigay sa aking buhay! Isang buhay na hindi ko pinili!

Oo nagagalit ako sapagkat hindi nila ako binigyan ng attensyon. Hindi nila inisip ang mararamdaman ko habang patuloy nilang pinaparamdam sa akin na isa lamang akong anino ng pamilya.

Hindi nila nararamdam na sa bawat oras na lumilipas ay mas nagagawa ko nang itago ang sarili ko mula sa lahat kahit pa mismo sa kanila. Dahil ano pa bang saysay na magpakita kung hindi rin naman ako nabibigyan ng atensyon? Anong saysay na magpakita kung hindi rin nila ako mauunawaan.

Ni hindi nila alam kung ano ang mga gusto ko! Kung ano mga pangarap ko! Kung ano ang mga kaya kong gawin! Dahil una pa lang pinutol na nila ang mga paa ko! Mga paa na sana ay gagamitin ko para makalapit sa kanila, pinutol rin nila ang mga kamay ko, na sana'y gagamitin ko para mahawakan sila nang mahigpit, mga kamay na sana'y may kakayahang gawin ang nais kong gawin nang hindi nakakaramdam ng pagkaduwag at ang panghuli, pinutol nila ang mga pakpak ko. Now how can I fly? Paano ako magiging malaya? Kung una pa lang tinuro nila sa akin na maging isang mahina!

Secrets Are Hidden (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon