91

131 3 0
                                    

Briel's POV

I sat on the living room sofa, staring at the latest set of documents in front of me. Sa tagal na hindi ako nakapagtrabaho ay madami tuloy akong papeles na kailangan harapin. 

Kaya ngayon wala akong choice kundi magtrabaho kahit pa nasa bahay lamang ako. Pero sa totoo niyan mas pinili ko talagang dumito na lamang dahil sa ganitong paraan mas magagawa kong itutok ang sarili ko sa mga taong importante para sa akin.

Sa tagal na hindi ko sila nakasama siguro naman nararapat lamang na bumawi ako kahit papaano.

Nang makaalis ako ng isla. Pinilit kong kalimutan ang lahat ng nangyari doon. Kahit isipin ang isang bagay o ala-ala tungkol sa nangyari sa amin ay hindi ko ginawa.

Kahit nga ang mga tanong ni Kenneth ay hindi ko rin sinagot at nang makita siguro nito na wala talaga akong balak na magsalita ay tinigil rin nito sa wakas ang kakapilit sa akin.

"Marry me Kenneth." Naalala ko na iyon agad ang sinabi ko nang makalabas ako ng isla. 

Oo sabihin nang duwag pero iyon na lamang ang naisip kong paraan para tuluyan na ngang makalayo mula kay Rohws. 

Yes I am being selfish. Pero hindi ko naman aalukin ng ganoon si Kenneth kung hindi siya mismo rin ang nagsuwestiyon no'n.

FLASHBACK

"Handa akong maging asawa mo Briel, kahit pa panandalian lamang. Alam kong kailangan mo ako. At kailangan rin kita. Kung sa isang taon hindi mo pa rin akong kayang mahalin pwes ako mismo ang magpapa-annul ng kasal natin. Siguro naman sapat na rin ang isang taon upang tigilan ka ng tuluyan ni Rohws. At isa pa hayaan mo lang ako na mahalin ka. Hayaan mo akong ipakita sa'yo kung gaano kita pinapahalagahan." Napatanga ako sa sinabi nito pero ito ay ngumiti lamang na para bang sinasabi sa akin na wala lamang sa kaniya ang mga salitang binanggit niya.

Hindi niya ba iniisip na kalayaan niya ang sinasakripisyo niya? Shit! Bakit hindi man lang niya pinag-iisipan ng mabuti ang kaniyang desisyon?

Lumunok ako habang pinipigilan ang aking emosyon. Ayaw kong pakawalan iyon ng ganoon-ganoon lang.

Hindi ko pwedeng ipakita kay Kenneth na naaawa ako sa kaniya. O nahihirapan ako ngayon na tanggapin ang alok niya.

He's my friend. Ang dami na nitong ginawa para sa akin. Kung tutuusin siya ang isa sa mga taong nakita ang kahalagahan ko bilang isang tao. 

Kung may nagkulang sa amin ay tiyak kong ako iyon. Dahil sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan namin ay tanging ako itong tanggap na lang ng tanggap. Ako iyong taong patuloy siyang sinasaktan. Ako itong selfish na walang magawa kundi umaktong manhid at walang alam sa nararamdaman nito. 

Dahil ang totoo niyan ayaw kong harapin ang nararamdaman nito. 

Bakit? dahil natatakot ako. Takot akong lalong masaktan ito sa gagawin kong aksyon. Baka kasi panibagong kamalian na naman ang magawa ko.

"Bakit mo ba—"

"Don't ask me a question Briel lalo na't alam mo rin naman ang isasagot ko. Alam mo kung bakit ko ito ginagawa. Alam mo kung bakit ako sumusugal. Alam mo kung bakit kita inilalayo kay Rohws. At alam mo kung bakit gusto kitang protektahan at pahalagahan. So please don’t utter a question dahil para mo na lang din sinasabi na hindi ka naniniwala sa nararamdaman ko. Tanggap ko naman ang maaaring resulta. Pero sana huwag mo pa rin ipagkait sa akin ang opurtunidad na magmahal dahil para sa'yo I am willing to accept failure and pain."

Iniwas ko ang aking mga mata mula sa mga titig nito. Hindi ko matagalan ang mga salitang sinasabi nito lalo na't sa mga naririnig ko ay iisang tao lamang ang sumasagi sa isip ko.

Secrets Are Hidden (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon