15

275 5 0
                                    

Briel POV

FLASHBACK

"Gagamitin mo na naman ang aking katauhan ngayon?" Mahinahon na tanong ng aking kapatid habang pinagmamasdan akong inaayos ang aking buhok.

"O-Oo ate pero pangako magiging maayos ang lahat at hindi ko hahayaan na may makapansin sa akin." Ngumiti ako rito habang ito ay napabuntong hininga na lamang bago ako nilapitan at inayos ang tumakas na buhok sa aking mukha at inipit iyon sa gilid ng aking tenga.

Pagkatapos ay niyakap ako nito ng mahigpit na para bang ayaw nitong makaramdam ako ng lamig.

"Mahal mo na ba siya?" Napatanga ako sa sinabi nito at hindi ko alam pero kusa na lamang bumagsak ang lahat ng pader na binuo ko sa loob ng aking puso.

At umalpas mula roon ang emosyon na alam kong sa kapatid ko lamang iyon maipapakita, dahil sa kaniya lang ako hindi pwedeng magpanggap at magtago, sapagkat siya at siya lamang ang nakakakilala sa akin.

Siya lamang ang taong nakakaalam sa kung sino ako. Siya lamang ang masasabi kong taong tunay na nagmamahal sa akin, dahil kahit ang mismong taong gusto kong makakilala sa akin ay hindi iyon pwedeng gawin.

"Kung pwede lamang na ako ang umako sa katauhan mo. Pero ang sama-sama kong kapatid sapagkat nagagawa kong maging malaya samantalang ikaw na kapatid ko ay hindi iyon magawa. Sana nga lang ako na lamang ang nasa sitwasyon mo. Dahil kung kaya ko lang bawiin ang lahat ng nararamdaman mong sakit ay gagawin ko Briel. Pero ganito lang ako e'... ganito lang ang ate mo." Nanginginig na tinaas ko ang aking mga kamay upang suklian ang yakap nito.

Mainit sa pakiramdam na may kakampi akong masasandalan. Ngunit hindi ko siya dapat inaabuso.

Ako itong masama e'.

Ako itong nang-aagaw ng buhay.

At itong konsensyang nararamdaman ng sarili kong kapatid ay tila ginagamit ko pa upang nakawin ang mga oras na dapat ay para sa ate ko lang.

Katulad ng araw na ito...

Dapat siya ang makakakita ng mundo sa labas ng malaya pero nakikiagaw ako at naglilimos ng konting oras ng buhay niya.

"Ate..." tanging nasambit ko habang ito naman ay natigilan. At alam kong nararamdaman na nito ang mga mumunting pagyugyog ng aking balikat.

Dumaloy na rin ang mainit na likido mula sa aking mga mata dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko.

Dahil kung pwede nga lang na ako'y lumaya ay gagawin ko pero alam kong mahirap gawin iyon dahil hindi ko rin iyon pwedeng gawin sapagkat kahit ako mismo ay takot na rin iharap sa mga tao ang tunay na ako.


'Yung pakiramdam na wala namang maghahanap sa isang tulad ko kung mawala ako.

'Yung pakiramdam na isa lamang akong anino.

Na kahit ang kagustuhan kong mahalin ako ay kinakailangan ko pang gamitin ang katauhan ng aking kapatid para lamang maranasan iyon.

Kinakailangan ko pang ikulong ang sarili ko sa isang katauhan na alam kong kailanman ay hindi mapapasakin.

Tiyaka anong karapatan kong magalit? Ako lang naman itong nakikihati. Ako lang naman itong nagpupumilit.

"Hindi mo naman na kailangan ibigay sa akin ang katauhan mo ate e', kasi sa totoo lang ako dapat itong magpapaubaya. Ako itong dapat makontento. Ngunit nagpapasalamat pa rin ako kasi binibigyan mo pa rin ako ng pagkakataon na hiramin ang katauhan mo kahit saglit lang. Pero ang katauhan mo ate ay sa'yo lang, ikaw 'yun e'. Ako lang naman itong peke e'."

Secrets Are Hidden (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon