90

137 2 0
                                    

Rohws' POV


Siguro nga'y ayaw ko lang na nakikita siyang nasasaktan. Siguro nga mas mahalaga sa akin ang kaniyang nararamdaman.

Handa akong masaktan para sa kaniya...

Mas pipiliin kong ako na lang ang makaramdam ng kirot kaysa siya.

Pinunasan ko ang aking mga luha at saka ko siya hinalikan sa kaniyang noo.

"Make me hate the idea of us being together Briel. Hayaan mong unawain ko ang dahilan kung bakit hindi tayo pwede." Pinunasan ko ang mga luha nito at saka ako tumayo at inalalayan ko itong maupo sa gilid ng kama. At mula doon ay hinawakan ko ang kaniyang palad at saka ako ngumiti ng mapait.

"Persuade me Briel." Hikayatin mo akong sumuko sa'yo.

Dahil bago kita bitawan. Gusto ko sanang malaman muna kung worth it ba talagang bitiwan kita...

Gusto kong malaman kung talaga bang sapat na ang rason mo para sukuan kita.

Yumuko muli si Briel at naramdaman kong humigpit ang hawak nito sa aking kamay tila ba ayaw niya akong bitiwan. Na tila ba may gusto itong sabihin o iparating sa pamamagitan ng hawak na iyon.

But I just hope I'm right.

Sana nga ayaw niya akong bitiwan.

Napailing ako sa aking naisip, tanga mo Rohws! Eh kating kati na nga siyang iwan ka hindi ba? So bakit mo naman iisipin na ayaw ka niyang bitiwan? It was impossible!

Naagaw ang pansin ko nang makita kong yumuyugyog ang mga balikat ni Briel. Tanda na ito'y umiiyak na naman.

"Bata pa lang ako, alam ko nang hindi magiging normal ang buhay ko. Ngunit tinaggap ko ang kapalaran ko. Tinanggap kong hanggang doon na lamang ako. Tinanggap ko ang kapalarang binigay sa'kin ng aking ina . Oo masakit, oo naiingit ako kay Zeyriel at oo aaminin kong nangarap din ako noon na baka balang araw magiging malaya rin ako. Na baka balang araw ay pwede akong mamuhay ng normal. B-but I'm wrong. Sana pala hindi ko na lamang iyon hiniling. Dahil naging mabilis ang pangyayari. Zeyriel ask me to pretend. Alam ko noon na mali! Alam kong hindi ko dapat sang-ayunan. But she insisted! And I hate myself for choosing the wrong decision. Wala eh, kahit sabihin na tinutulungan ko lamang kakambal ko ay alam kong may pansariling kagustuhan rin akong masubukan ang kalayaan na natatamasa nito. Akala ko magiging tahimik at maayos ang mga araw ko sa eskwelahan ni Zey. Pero nakilala kita." Tumigil ito saglit kaya napatingin ako muli rito at doon ko nakita ang pagsilay ng munting ngiti sa labi nito.

"Hindi lang kalayaan ang natamasa ko kundi pati kasiyahan. Naging masaya ako kasama ka Rohws. Kahit pa noong una'y pinagtatabuyan kita."

Tumingin ito sa bintana at tila ba inaalala nito ang nakaraan and I can't help but to look at her. Bakit parang ang hirap umiwas ng tingin?

"Akala ko nga simpleng pagkaasar lang ang dahilan kaya pinapalayo kita pero mali ako. Dahil ang totoo niyan natatakot ako. Natatakot ako na mapalapit lalo sa'yo. Natatakot akong masanay sa kalayaan na natatamasa ko, natatakot akong masanay sa presensiya mo at natatakot akong masira ang buhay ng kapatid ko. Pero iyong takot na iyon ay napalitan ng sakit. Nasasaktan ako sa kaalaman na hindi ako ang nakikita mo, hindi ako ang inaalagaan mo, hindi ako ang kakambal ko... At higit sa lahat... h-hindi ako ang mahal mo kundi ang pekeng katauhan na gamit ko. W-walang iba kundi ang kakambal ko." Dumaloy ang luha mula sa kaniyang mga mata at ang kaninang matamis na ngiti ay napalitan ng pait.

Don't tell me...

"O-Oo Rohws, minahal kita noon. Hindi ka naman kasi mahirap mahalin. Ngunit ang sakit lang dahil ang bilis ng parusa.. ang bilis ng karma. Minahal kita bilang ikaw pero alam kong hindi mo ako minahal sa kung sino talaga ako." Umawang ang bibig ko at muling napaluha ako.

Secrets Are Hidden (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon