Pero nang makalabas ako ng bahay ay napasinghap ako nang makita ko ang maraming nakasinding ilaw sa labas
Pati klase klaseng bulaklak ay nakikita ko sa paligid. Nanlalabo man ang mga mata ko dahil sa luha ay pinilit ko pa ring aninagin ang buong lugar.Hanggang sa hindi na ako nakatiis at pinunasan ko na ang luha ko.
Sa ginawa ko mas nakita ko na ng tuluyan kung gaano kaganda ang paligid.
Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita
Panandalian nalimutan ko ang sakit na aking nadarama.
Then suddenly something touch my face. Nang abutin ko iyan nakita ko ang isang pirasong petals ng bulaklak.
Tumingala ako at nagulat ako sa aking nakikita.
Umuulan kasi ng bulaklak. Iba't ibang kulay at nakakamangha.
Sobrang ganda no'n dahil kahit gabi na nakikita ang paghulog no'n dahil sa madaming ilaw.
Hindi ko maaninag kung sino ang nagmamaneho ng chopper. Ngunit bakit naghuhulog ito ng mga bulaklak?
Nasa estado ako ng pagkalito at pagkagulat nang biglang may narinig akong musika.
Muli ay parang inakay na naman ako ng aking emosyon.
Ewan ko ba, hindi ko mapigilan at napaiyak na naman ako.
"Hindi ko inaasahan na ibubunyag mo sa mga magulang ko ang lahat. I expect na ipaglalaban kita. To make you see na seryoso ako sa'yo. Pero imbes na ikaw ang gulatin ko eh ako iyong nagulat. Kung hindi pa ako sinampal at sinigawan ni mama ay muntik ko na masira ang plano namin. All along alam na ni mama ang lahat. Plinano ko itong lahat kasi gusto kong magsimula tayo ng panibagong yugto na walang taguan ng lihim. Gusto ko yung bagong yugto kung saan hahayaan mo akong mamahalin kita ng buo. Briel, we're not perfect pero masaya ako dahil sa wakas pareho na natin naaamin ang pagkakamali natin. And I just hope na sana ang lahat ng ito ay magsilbing aral para sa ating dalawa. Today, I want them to witness our love." Kita ko ang nagsilabasang tao mula sa likod ni Rohws bumunggad sa'kin ang mga magulang nito, si Erron, Vivianne at ang mga anak namin. They are holding different kind of flowers. Kinabahan ako sa nakikita ko. Pero at the same time para akong manlalanta sa aking nakikita
"Gusto ko sanang palitan ang masasakit at mapapait na nakaraan and I hope you'll let me Briel. If you let me erase your doubts and fears. I will gladly do it mahal kita at handa akong gawin ang lahat mapasaya ka lang. We will build new things kasama ng pamilyang bubuoin natin, kasama ang mga anak natin at sana nga matutunan mo ulit akong mahalin." I bit my inside cheek ito ang gusto ko ang ipaglaban niya ako. Kaya ngayon tila ba lumulutang ako sa ulap. Ang sarap sa pakiramdam ngunit nakakaliit lang isipin na ang isang tulad ko ay na kaya nitong mahalin.
Lahat ng ito ay ginawa niya para mapasaya ako. And he succeed. Sobrang saya ko ngayon.
And yes I love him, I really love him.
Ang sarap pala sa pakiramdam ang ganito. Looking at him right now ay mas lalo lamang bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaligayahan at pagmamahal para sa kaniya.
"Alam kong nahihirapan kang paniwalaan ako pero pangako Briel. I will be a good man. Gagawin ko ang lahat madeserve ko lang ang pagmamahal mo. At gagawin ko ang lahat maiparamdam ko lang sa'yo na mahalaga ka para sa akin." Nakahawak na ito sa mga palad ko at ilang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha namin. I sigh God knows how much I want to say yes, God knows how much I want to kiss him and make him feel how I love him pero paano kung masaktan ko na naman siya? Paano kung ako na naman ang maging rason para makaranasan siya ng sakit? After everything? Nararapat pa rin bang piliin niya ang katulad ko?
BINABASA MO ANG
Secrets Are Hidden (COMPLETE)
Romansa"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...